Chapter 3

9.4K 172 3
                                    

"Hindi. Ayoko, ayoko, ayoko," sabi niya habang patuloy sa pag-iling.

Napakunot-noo ako. "Pero may usapan tayo. Akala ko ba hindi ka umaatras sa napag-usapan?"

"Oo, tama 'yon. Pero iba naman 'tong hinihiling mong kapalit. Kung hindi mo pa alam, pwes sasabihin ko sa'yo. Isa akong busy-ng tao. Hindi pwedeng basta ko na lang iwan ang trabaho ko," sabi niya.

"Alam ko naman 'yon. Pero dahil may kasalanan ka sa'kin, sa tingin ko dapat tuparin mo ang sinabi mong tutuparin mo ang hiling ko."

Bigla siyang tumayo. "Pasensya na, Miss, pero hindi ko magagawa ang gusto mo. Papayag pa 'ko kung madali lang pero mahirap 'yan."

Tumayo din ako. "Anong mahirap doon? Sasama ka lang naman sa'kin, ah? Tutulungan mo lang ako na mahanap siya."

"Miss, wala akong alam sa pinagdadaanan mo at lalong hindi ko alam kung bakit mo siya hahanapin pero sa tingin ko, hindi ako ang taong dapat mong hingan ng tulong tungkol sa bagay na 'yan," pagkasabi niya no'n ay tumalikod na siya at naglakad papuntang elevator.

Sumunod ako sa kanya at pumasok din sa elevator. Pinilit ko pa rin siya.

"So, paano ang usapan natin? 'Di ba dapat gawin mo rin ang part mo?" sabi ko.

"Kaya nga sabi ko tutuparin ko ang kahit anong hingin mong kapalit. Pero sa bagay na hinihiling mo ngayon, hindi pwede."

Natahimik ako nang biglang bumukas ang elevator sa sixth floor. Tumambad sa'min ang isang babaeng medyo matangkad at maputi. Napansin ko ang pagkagulat sa mukha niya nang makita kami. Bakit naman kaya?

Pumasok siya sa elevator at hindi na kami pinansin.

Teka! Hindi ba siya 'yong babaeng nasa restaurant kahapon? 'Yong babaeng sinasabi ni Aiden na laging sumusunod sa kanya?

Hmm… I have a bright idea!

"Uhh… Excuse me, Miss," tawag ko sa babae. Lumingon naman siya sa'kin at tinaasan ako ng kilay.

"What?" mataray na tanong niya.

"Kung hindi ako nagkakamali, ikaw 'yong babae kahapon, 'di ba?"

"So, you noticed. Yes, what can I do for you?" tanong niya.

Tumingin muna ako kay Aiden at ngumisi. He showed me a 'what-the-hell' look. Hindi ko siya pinansin at bumaling ulit sa babae.

"Oh my gosh! Ang ganda naman ng bag mo! Is that the limited edition Louis Vuitton bag?" sabi ko at umaktong mukhang na-sorpresa nang makita ang bag niya.

"Yes, it is. Bakit? Ngayon ka lang ba nakakita ng mamahaling bag? Wala ka siguro nito kaya ganyan ka maka-react," sabi  niya.

Anong wala? Meron din ako niyan. At anong akala niya sa'kin, walang pambili? Bilhan ko pa siya ng sampu kung gusto niya, eh. Pero siyempre, hindi ako magpapahalata.

Hinawakan ko ang bag niya at pilit na kinuha iyon sa kanya. "Ah. Oo nga, eh. Ang ganda-ganda naman niyan. Patingin naman, please."

"What? Bitiwan mo nga! Ano ba?" sabi niya at nakipag-agawan sa'kin. Dahil sa paghihilahan namin, biglang tumapon ang mga laman nito at kumalat sa sahig.

Bingo!

Tumingin siya sa'kin ng masama. "Tingnan mo nga ang ginawa mo!"

"Oops, sorry," labas sa ilong na sabi ko. "Tutulungan na kita sa pagpulot," sabi ko at nagsimulang magpulot ng gamit niya habang kinukuha niya rin ang iba.

Nang makita ko ang wallet niya ay kinuha ko iyon at kumuha ng isang calling card doon.

"What are you doing? Just for a calling card, ginagawa mo 'yan?" bulong sakin ni Aiden.

Finding The Right OneDonde viven las historias. Descúbrelo ahora