Chapter 15

6.3K 160 2
                                    

Nang makarating ako sa SG Hotel ay dumiretso agad ako sa front desk. At dahil naitawag na ni Andy na pupunta ako doon, agad na sinabi sa akin ng receptionist kung saan ang suite na tinutuluyan ni Aiden.

Nasa tapat na ako ng suite ni Aiden. Nasa pinakataas pala ng hotel ang suite niya. Tatlo lang ang suites na nandito sa pinakataas at sa tingin ko ay malalaki ito. Siguro ay dito madalas nag-stay si Aiden o 'di kaya ay ang parents niya.

Napabuntong-hininga ako at itinaas ang kamay para kumatok. Pero hindi ko maituloy. Sa totoo lang, nahihiya ako at kinakabahan. Kinakabahan ako dahil baka hindi talaga niya ako kausapin. Baka paalisin niya lang ako.

Pero walang mangyayari kung hindi ko susubukan. Bahala na!

Kumatok ako ng tatlong beses. Walang sumagot. Kumatok ako ulit, wala pa rin. Kumatok ako ng paulit-ulit pero wala pa rin. Napakunot-noo ako. Nandito ba talaga siya?

Sinubukan kong buksan ang pinto at nagulat ako nang makitang bukas iyon. Pumasok ako at inilibot ang tingin sa paligid. Malaki nga ang suite niya. Mayroon siyang malaking living room at kitchen. Sa isang gilid ay may pinto at sa tingin ko ay kwarto niya iyon. Dahil wala siya sa living room at kitchen ay naisip kong baka nasa kwarto niya siya.

Naisip kong doon na lang siya puntahan kaya binuksan ko ang pintuan ng kwarto niya. Pero nagulat ako sa nakita ko.

"Shit!" sigaw niya nang marinig ang biglang pagbukas ng pinto.

"Oops!" Dali-dali kong isinara ang pinto dahil sa nakita ko. Narinig ko pa ang kalabog galing sa kwarto niya.

Oh my gosh! I saw him! Naked! Well, not really naked pero parang ganoon na rin. Kasalukuyan siyang nagsusuot ng boxers nang binuksan ko ang pinto. Mabuti na lang at naka-underwear siya at nakatalikod sa'kin!

Napalunok ako. Nagpunta ako sa kitchen niya at kumuha ng tubig. Wala na akong pakialam kung magalit siya sa'kin dahil sa paggalaw ko ng gamit niya basta kailangan ko lang makainom ng tubig!

Dapat pala hinintay ko na lang na pagbuksan niya ako ng pinto. Bakit ba kasi ako pumasok? Nakakahiya!

Bigla siyang lumabas ng kwarto ng nakaayos na. Biglang kumunot ang noo niya nang makita ako.

"I'm sorry. Hindi ko sinasadyang makita 'yon. I didn't know—"

"Bakit ka ba kasi biglang pumasok? Hindi ka ba marunong kumatok?" he asked. May bahid ng pagkairita ang boses niya nang tanungin niya iyon.

Napalunok ako at napayuko. "Sorry. Kanina pa kasi ako kumakatok at napansin kong bukas ang pinto kaya pumasok na 'ko."

"Hindi mo ba alam ang salitang 'privacy'? Hindi ka dapat pumasok ng walang pahintulot!"

Naiiyak na 'ko. Pero pinigilan ko dahil alam kong ako ang may kasalanan nito.

"I'm sorry. Kasi... gusto ko lang naman na... ano..."

Bigla siyang tumikhim. "Bakit ka ba kasi nandito?" malamig niyang tanong.

Tumingin ako sa mga mata niyang galit. "I just want to say sorry."

"For what?"

"For what I said last week."

Biglang nawala ang kunot ng noo niya at pumungay ang mga mata niya. Napaiwas siya ng tingin at saka ibinalik ang tingin sa mga mata ko pero hindi siya nagsalita.

"I'm sorry. Hindi ko sinasadyang sabihin 'yon. I just feel so desperate that time kaya ko nasabi 'yon. Unti-unti na rin kasi akong nawawalan ng pag-asa na makita natin si Tristan kaya kung ano-ano na ang naisip ko. I didn't mean to say that. I mean..."

Finding The Right OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon