Chapter 10

7.3K 155 0
                                    

Tulad ng napag-usapan namin ni Aiden, nag-stay kami sa Batangas for three days. Pagkatapos naming ma-meet si Tristan Cruz, nag-enjoy ako. I tried those outdoor activities na sinuggest ni Tristan sa amin. Sinubukan kong i-enjoy ang sarili ko at huwag na munang isipin ang paghahanap sa tunay na Tristan Cruz.

Pabalik na kami sa Alabang ngayon. Tahimik lang kami habang nasa biyahe. Nang makarating kami sa Hillsborough ay agad niya akong hinatid sa bahay.

Nang i-park niya ang kotse niya sa tapat ng bahay namin ay hinintay kong buksan niya ang lock ng pintuan. Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya.

"Are you okay?" he asked.

I smiled. "Of course."

"Buong biyahe kang hindi nagsasalita, eh. Mukhang hindi ka okay."

"Inaantok lang ako kaya ganoon. Sige, aalis na 'ko," sabi ko. Saka lang niya binuksan ang lock ng pinto.

Binuksan ko iyon at saka ako bumaba. Isasara ko na sana ang pinto nang marinig kong magsalita siya. "You don't look sleepy. Mas mukha kang may malalim na iniisip."

Napayuko ako. He can see right through me, huh?

Pilit akong ngumiti at hindi ko pinansin ang sinabi niya.

"Salamat sa paghatid," sabi ko at saka isinara ang pinto. Dumiretso na ako sa loob ng bahay at hindi na siya nilingon pa.

Oo. Hindi nga ako okay. Pagkatapos kong hayaan ang sarili kong mag-enjoy sa Batangas, biglang bumalik sa isip ko na kailangan ko pa ring hanapin si Tristan. Tatlong lugar pa lang ang napupuntahan namin pero naiinip na 'ko. Gusto ko na siyang makita. Gusto ko na siyang makausap.

Pero naisip ko rin, paano kapag nakita ko na siya? Ano ang sasabihin ko? Bakit ko nga ba siya kailangang makita? Ano ba talaga ang totoong dahilan?

Ang isang dahilan lang na naiisip ko kung bakit kailangan ko siyang hanapin ay dahil sa feelings ko. Kailangan kong sabihin sa kanya ang nararamdaman ko. Pero minsan, nagdo-doubt na 'ko sa sarili ko. Feeling ko hindi na 'yon ang dahilan kung bakit kailangan ko siyang hanapin.

I sighed. Umiling ako para tanggalin na lahat ng nasa isip ko. Ayokong makita ako ni Mommy na mukhang problemado.

Pumasok na ako sa loob ng bahay at naabutan ko si Mommy na nakaupo sa sala habang tinitingnan ang portfolio niya. Lumapit ako sa kanya at humalik sa pisngi niya.

"Nandito ka na pala. Kumusta ang lakad niyo? Nag-enjoy ba kayo doon?" tanong niya.

"Yes, 'my. Akyat na po muna 'ko sa kwarto. Magpapahinga lang po muna ako."

Tumango siya. "Sige. Alam kong pagod ka sa biyahe. Mamaya may pag-uusapan tayo tungkol sa upcoming fashion show. Rest now."

"Opo," sabi ko at saka ako umakyat papuntang kwarto.

Hindi na muna ako nagbihis. Tinanggal ko lang ang sapatos ko at saka diretsong nahiga sa kama ko. Mga ilang sandali lang ay nakatulog na ako.

**

Nagising ako nang marinig ang tunog ng cellphone ko. Kinusot ko ang mata ko at tiningnan kung anong oras na. 1:30 PM. Mukhang dalawang oras lang ako nakatulog.

Kinuha ko ang cellphone ko sa ibabaw ng drawer ko at tiningnan kung sino ang tumatawag. Sinagot ko na ito agad.

"Aiden?"

"Yes, Lyza. Are you busy?"

"Hmm, hindi naman. Bakit?"

"Wait. Nagising ba kita?"

Finding The Right OneМесто, где живут истории. Откройте их для себя