Chapter 13 - Say You Won't Let Go

4.7K 226 20
                                    

"We traced some transactions from her cards. She is still in London but she's moving from one place to the other," report ng private investigator na binayaran niya upang hanapin si Shawn.

"Keep on searching and let me know if you actually find her," ma-awtoridad niyang saad.

Hindi katulad noon, mas kalmado na siyang nakakausap ang imbestigador. Pakiramdam niya, walang patutungohan kung papagalitan lang niya ito. He has been giving him the same report every time, at napagod na rin siyang magalit. Mas gusto niyang ibunton ang kanyang nararamdamang galit sa mga balak niyang gawin kay Tamara kaysa sa imbestigador na siyang gumagawa ng paraan upang mahanap si Shawn.

"Sir?" pumasok si Chad, "the board is ready for you."

"I'll be on my way," saad ni Evo.

Pag-uusapan nila ang tungkol sa mga hindi maipaliwanag na purchases. The board wants to Mr. Jacinto to be held responsible pero kailangan niyang pigilan ang mga ito. He cannot let them punish Tamara's father because it would ruin his agreement with Tamara.

Pumasok siya sa conference room kung saan kumpleto na ang mga board members na naghihintay sa kanya.

"Alam naming may namagitan sa inyo ng anak ni Mr. Jacinto, but we trust that this will not cloud your judgement," saad ng isa sa mga share holder ng kompanya.

"My affair with Tamara has nothing to do with how I run my company," saad ni Evo.

"Then what do you think should be done with her father," tanong ng board member na nasa kanyang kanan, "the last time we checked, there's a discrepancy of one million persos pero ngayon, lumubo na ito sa 1.5 million."

"We cannot tolerate this," galit na saad ng isa pang board member, "kung patuloy ang ganito, darating ang araw na malulugi tayo."

"I will take care of this, personally," saad ni Evo, "give me a month to solve this."

"Ano ang gagawin mo? Hindi mo ba pwedeng sabihin sa amin?" tanong ng isa na nasa kaliwa niya.

Nilingon niya ito saka sinabing, "I'd like to see first kung saan napupunta ang perang nawawala sa atin. When I get enough evidence, I'll let you know on our next meeting."

Nadismaya man, hindi naman nila pwedeng suwayin si Evo kaya nagsi-alisan ang mga board members habang tinawag ni Evo si Chad.

"Ano ang gusto mong gawin ko?" tanong ni Chad nang makalapit siya kay Evo.

"I want you to gather all the evidences against Mr. Jacinto. Alamin mo kung saan niya ginamit ang perang ninakaw niya sa kompanya," utos ni Evo saka sinabing, "oras na para singilin ko ang mag-amang ito."

Tango lang ang iginawad ni Chad saka agad na umalis. He had plans but because of what happened, he has to revise it, and now, he has a better one.

_____________________

"Naiiyak na ako, mamimiss kitang kausap," saad ni Jessa habang nakayakap kay Tamara.

"Huwag ka ngang OA, Jessa. Nakalimutan mo bang boyfriend niya ang boss natin? Makikita mo pa rin 'yan lagi dito," bara ni Shane.

"Pero mamimiss ko ang pagsusuplada mo sa akin," saad naman ni Tamara kay Shane.

Naiiyak na umiwas ng tingin si Shane kaya muling nagsalita si Tamara, "pero alam ko naman na concern ka sa akin kaya mo sinasabi ang mga 'yun."

"Nakakainis ka!" tuluyan nang naiyak si Shane kaya nakiyakap na rin kina Jessa at Tamara.

"Oh ano? Magyayakapan lang ba kayo diyan o aalis na tayo?" sabat naman ni Miss Edmilao.

The CEO's Temporary BrideDär berättelser lever. Upptäck nu