Chapter 16 - Put on a Happy Face

4.4K 228 22
                                    

"Sir, handa na si Miss Jacinto," saad ng stylist na siyang binayaran ni Evo upang ayusan si Tamara.

Huminga ng malalim si Evo saka pumihit upang makita ang bagong ayos ni Tamara. Ang totoo, Tamara is already beautiful and she does not need a make-over to look great for the welcome ball of the reunion. Pero dahil sa napiling damit ni Tamara, naisip ni Evo na subukang ipa-make-over si Tamara ayon sa fashion style ni Shawn.

"How do I look?" tanong ni Tamara nang makalapit na sa kanya.

"Good," matabang na sagot ni Evo.

Hindi sa hindi niya nagustohan ang ayos ni Tamara. He just thought he could relive the moment he had with Shawn when Shawn wore exactly the same dress and had exactly the same hairstyle and make-up shades as the one Tamara is wearing now. Pero hindi ito ang nangyari. Bumagay kay Tamara ang ash blonde balayage hairstyle na hango sa hair color ni Shawn noon. She was stunning in her own way at kahit kasing-kulay ng make-up shade ni Shawn ang ginamit sa kanya, kakaiba pa rin ang kanyang ganda. She owned her image and she looked nothing like Shawn.

"Tingin mo, magugustohan kaya ako ng mga kamag-anak ng mommy mo?" muling nagtanong si Tamara.

"Their opinion about you does not matter," tanging sagot ni Evo.

Napakagat ng labi si Tamara saka napaisip, 'tama nga naman, isang temporary bride lang ako kaya hindi ko kailangang magpa-impress.'

Pero napabuntong hininga si Tamara dahil kahit alam niyang hindi totoo ang relasyon niya kay Evo, gusto pa rin niyang malaman kung kataga-tanggap ba siya sa mga taong nakapaligid kay Evo.

"We need to go," saad ni Evo habang nakatingin sa kanyang relos, "didirecho na tayo sa Welcome Ball ni lola."

"P-pero paano ang mga gamit ko?" tanong ni Tamara.

"Nahanda na ang lahat na gagamitin mo sa buong weekend," sagot ni Evo habang pumihit upang magsimulang maglakad, "ang hotel porter na ang bahalang maghatid sa mga gamit mo sa hotel room."

"Okay," mahinang sagot ni Tamara saka sumunod kay Evo.

Mula noong nakipag-areglo siya kay Evo, lahat ng gagamitin niya ay pawang desisyon ni Evo. Mula sa damit na susuotin, ayos ng buhok, make-up at pati na rin sa mga underwears at sapatos, si Evo lahat ang nagdidikta. Mabuti na lang at hinayaan siyang mamili ng damit para sa Welcome Ball.

Tahimik lang sina Evo at Tamara habang nilalandas ng kanilang sinasakyan ang resort na pagmamay-ari ng lola ni Evo. Nalaman ni Tamara na pinasarado ang buong resort upang maging exclusive ito sa dinadaos nilang reunion ng magkamag-anak. Dahil alam niyang lahat ng angkan ng mommy ni Evo ay dadalo sa sinasabing reunion, hindi maiwasan ni Tamara na mabahala.

"May kailangan ba akong tandaan para sa reunion?" pagbiyak ni Tamara sa katahimikan saka nagpatuloy, "may mga tao ba akong dapat kausapin at hindi kausapin?"

"Why would you do that?" kunot noong napatingin si Evo kay Tamara.

"Eh kasi lahat ng kamag-anak ng mommy mo ay nandoon. Siyempre kailangan kong malaman kung may mga dapat at di dapat akong gawin sa harap nila," saad ni Tamara.

"You will be there to attend a reunion. Hindi ka sasali sa isang beauty contest," sagot ni Evo.

"I get it," napabuntong hininga si Tamara, "pero as your new girlfriend, you would want your mother's relatives to like me."

"Their opinion about you won't bother me," malimit na saad ni Evo.

Muling napabuntong hininga si Tamara at sa pagkakataong ito ay lumingon siya kay Evo, "Evo, alam kong hindi mo inisip na mahalagang magustohan ako ng mga kapamilya ng mommy mo dahil temporary lang ako sa buhay mo. But for the sake of pretending, kailangan ko pa ring magpa-impress sa kanila bilang babaeng kunwari ay magiging parte ng pamilya nila."

The CEO's Temporary BrideWhere stories live. Discover now