Chapter 32 - Unlucky Fate

4.5K 223 35
                                    


Ininda ni Tamara ang nararamdamang sakit ng ulo upang bumangon. Batid niyang mag-isa lang siya sa silid kaya nagtaka siya kung nasaan ang kanyang asawa.

"Asawa," mapait na napatawa si Tamara nang maisip niya ang katagang ito. Alam niyang bilang lang ang araw ng pagiging asawa niya. Alam niyang ang pagiging pansamantalang asawa ni Evo ang nagsilbing kabayaran sa kanyang kasalanan at ng kanyang ama. Pero determinadong huminga ng malalim si Tamara.

"Hindi ako papayag na maging kawawa sa huli," sa isip niya, "mamahalin mo ako, Evo, at ikaw mismo ang magmamakaawang hindi ako aalis sa buhay mo. Gagawin ko ito, para sa magiging anak natin."

Napahawak si Tamara sa kanyang tiyan saka napaisip, "mabubuo ang anak natin dahil pag-ibig, at mabubuhay siyang nakikitang nagmamahalan ang kanyang mga magulang. Hindi matutulad sa'yo ang anak natin, Evo. Sisigurohin kong mamahalin mo ako, at gugustohin mong manatiling isang pamilya tayo. Pamilya na puno ng pagmamahal tulad ng pamilyang nakagisnan ko."

Naalala ni Tamara ang kanyang magulang. Kung gaano kamahal nito ang isa't isa. Alam ni Tamara na walang masamang intensyon ang kanyang ama sa nangyaring korupsyon sa departamento nito. Marahil ay ang marangyang pamumuhay nila ang siyang naging bunga ng nagawa ng kanyang ama, pero hindi niya magawang sumbatan ang ama dahil alam niyang tanging ang kaligayahan lang nilang mag-ina ang iniisip ng kanyang ama.

Natigil sa pag-iisip si Tamara nang makarinig siya ng boses ng babae. Kunot noon iyang tinungo ang pinto upang puntahan ang pinagmulan ng boses.

"Talaga bang namimiss mo ako? Ang wild mo ngayon, hindi mo man lang ako dinala sa ang iyong silid," narinig niyang saad ng babae.

Wala siyang narinig na sumagot sa babae pero alam niyang si Evo ang kausap nito. Nagmadali siyang lumabas ng kanyang silid ngunit napahinto siya nang marinig niya ang kasunod na sinabi ng babae.

"T-teka, hindi ba tayo magpapahinga saglit. Katatapos mo lang ah," saad ng babae.

"Do you want to satisfy me or do I need to call someone else to take your spot while you rest?" narinig niya ang boses ni Evo.

Agad na napakuyom si Tamara saka mabilis na tinungo ang pinanggalingan ng mga boses. Hindi na niya pinakinggan ang sagot ng babae pero halata sa gikgik nito na bumigay ito sa gusto ni Evo.

Sa harden, kung saan nangyari ang kanilang kasal, niya nakitang nakatayo si Evo. Nakaluhod sa harap ni Evo ang babae na halatang nalalasap ang kabuohan ng pagkalalaki ni Evo. Hindi maintindihan ni Tamara ang masakit na nararamdaman dulot ng pagsikip ng kanyang dibdib, lalo na noong magtagpo ang tinginan nila ni Evo habang mapanutyang ningitian siya ng binata.

Kahit sinong babae ay hindi matutuwa sa kanyang nakita, ngunit hindi siya pwedeng sumuko sa unang gabi. Galit sa kanya si Evo at alam niyang ginagawa lang ito ni Evo para saktan siya. Ngunit hindi siya papayag na matalo na walang laban kaya mabilis niyang nilapitan ang dalawa at walang alintanang hinila ang buhok ng babae.

Parehong napadaing si Evo at ang babae. Ang babae, dahil sa paghila ni Tamara sa kanyang buhok; habang si Evo, ay marahil napakagat ang babae sa kanyang ari nang hilahin ito ni Tamara.

"Thefvck!" saad ni Evo habang napahawak sa kanyang alaga.

"Fvck you! Bakit ka nagdala ng babae dito?" bulyaw ni Tamara habang kinaladkad pa rin ang babae.

Nanlaban ang babae at nang makawala kay Tamara ay agad ding umatake sa kanya. Parehong naghilaan ng buhok sina Tamara at ang babae kaya pinaghiwalay sila. Si Evo, yakap ang babae. Si Chad, ang siyang nakahawak kay Tamara.

The CEO's Temporary BrideWhere stories live. Discover now