Chapter 27 - The Time Has Come

6.9K 292 88
                                    



Hindi pa rin mawala ang ngiti ni Tamara kahit nakahiga na siya sa kanyang kama. Parang pirated CD na pabalik-balik na naiisip ni Tamara ang ginawang surpresang proposal ni Evo. Kahit alam niyang pawang pag-papanggap lang ito, hindi pa rin nawawala sa isip niya na gumawa pa rin ng effort si Evo upang maging romantic ito.

'Kung sana totoo ang lahat," bumuntong hininga si Tamara saka bumiling sa kanyang kanan upang tignan ang kanyang cellphone na nakapatong sa kanyang side table.

'Natulog na kaya siya? Naiisip din kaya niya ang tagpo kanina? 'Yung kanta niya, tagos sa puso. Balewala lang ba talaga sa kanya 'yun?' sunod-sunod na tanong niya sa kanyang isip.

Muling gumalaw si Tamara saka tumutok sa kisame.

'Baliw ka na talaga, Tamara. Sabi ko sa'yo, kumapit ka,' pinangaralan niya ang kanyang sarili.

'Pero sino ba naman ang hindi mahuhulog sa isang Evo McTavish?' pangatwiran niya.

Muling bumuntong hininga si Tamara nang maalala ang saad sa kanya ng lola ni Evo. Nasa Pilipinas si Shawn at nakita na siya ng mga tauhan ni Evo. Nangako siya kay Ellena na kung sakaling mahulog ang loob ni Evo sa kanya ay hindi niya ito tatanggihan at agad na pakakasalan. Ngunit paano kung siya ang unang mahulog? Paano kung nahulog na siya ngayon?

'Kapit lang, Tamara,' malungkot niyang paalala sa sarili.

______________________

'Did she mean what she told her friends?' tanong ni Evo sa isip habang nagsalin ng alak sa kopeta.

Hindi siya makatulog kaya nagpasya siyang mag-isang uminom sa bar ng kanyang mansyon.

'Did she really think that I am hot?' napangiti si Evo nang maalala ang mga sinabi ni Tamara nang tanungin ito tungkol sa kanya.

Did she turned him on? Definitely! It was so hot when Tamara talked about him pero mas gusto niyang makita mismo ang reaksyon ni Tamara habang hinahayaan niyang pagnasahan nito ang katawan niya. He can't wait to awaken the desire within her.

'Malapit na, Tamara,' nakangiting naisip ni Evo habang ininum ang alak sa kopeta, 'soon, you will be begging for me to take you to my bed.'

Napansin niyang umilaw ang kanyang cellphone pagkababa niya ng kopeta. Tumatawag ang inbestigador na siyang inatasan niyang hanapin si Shawn kaya mabilis niya itong sinagot.

"Hello?" ramdam niya ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso.

"Mr. McTavish, tungkol po ito kay Miss Samuels," agad na sagot nang imbestigador.

_______________________

"Natagpuan na namin ang lugar kung saan nagtatago si Miss Shawn Marie Samuels," balita ng imbestigador kay Ellena.

"Alam na bai to ni Evo?" tanong ng matanda.

"Pursigidong nagtatrabaho ang binayarang imbestigador ni Mr. McTavish, hindi malayong nalaman na rin nila ang kinaroroonan ni Miss Samuels," sagot ng imbestigador.

"Ano pa ang nalalaman niyo tungkol sa kanya?" tanong ni Ellena habang umaasang may nakuhang impormasyon ang imbestigador na maaari niyang gamitin upang mapigilan ang pagbalikan nina Evo at Shawn.

"Nakitira po siya sa bahay ng isang pulis," malimit na sagot ng imbestigador saka dinagdag ang pangalan ng pulis, "Sarhento Vyn Valderama."

"Ano ang kaugnayan ni Shawn sa kanya?" tanong ng matanda.

"Aalamin ko pa lang ang tungkol diyan," sagot ng imbestigador.

"Salamat," sagot ni Ellena saka nagpatuloy, "alamin mo rin kung narating na ba kay Evo ang impormasyon tungkol kay Shawn.

The CEO's Temporary BrideWhere stories live. Discover now