Chapter 19 - Hot Stuff

4.9K 218 14
                                    


Naabutan ni Tamara si Evo na umiinom ng alak sa balcony ng kanilang suite. Sa pagkakataong ito, nakaramdam siya ng awa kay Evo. She thought he was just a cold, heartless person; pero nalaman niyang nahubog ang katangian niyang ito dahil sa mga pangyayari sa kanyang buhay.

Alam na niya ang tungkol sa naging kasunduan ng mga magulang ni Evo dahil ganitong kasunduan din ang inalok sa kanya noon; ngunit hindi niya alam ang epekto nito kay Evo. It tainted him and made him cold. Mariing napapikit si Tamara nang maalala ang nagawang pagkakamali na maaaring dumagdag sa traumatic na experience ni Evo.

'Nakahanap sana siya ng kasiyahan kay Shawn, pero sinira ko ang pagkakataon niyang 'yun. Ang sama-sama ko pala,' naisip ni Tamara.

"Nandito ka na pala," napukaw ang kanyang diwa nang marinig niya ang sinabi ni Evo.

"Kararating ko lang," sagot niya saka lumapit kay Evo.

"You want a drink?" tanong ni Evo pero hindi n anito hinintay ang sagot niya dahil agad itong nagsalin ng alak sa kopeta saka ibinigay kay Tamara.

Hindi na tumutol si Tamara at tinanggap ang kopetang inabot ni Evo.

"Ano ang pinag-usapan niyo ni abuela?" tanong ni Evo.

"Pinakita niya ang mga litrato mo noong bata ka pa," sagot ni Tamara.

Mahinang tumawa si Evo saka sinabing, "so nakita mo na kung gaano ako ka-cute noong bata pa ako?"

"Cute," pagsang-ayon ni Tamara saka dinagdag ang, "saka halatang pilyo at makulit."

"Yeah," mahinang saad ni Evo saka tumango.

"Ikinuwento din ng lola mo kung paano ka nagkaroon ng erochlophobia," saad ni Tamara na siya namang nagpalaho sa ngiti ni Evo.

"I am sorry about what happened," pagpatuloy ni Tamara.

"There's nothing to be sorry about," sagot ni Evo saka nagpatuloy, "ginusto ng mga magulang ko ang pasukin ang ganoong kasunduan. 'Yan ang dahilan kung bakit ayokong magpakasal na may ganyang kasunduan. Ayokong matulad sa daddy ko."

Sandaling natahimik silang dalawa saka nagpatuloy sa pagsasalita si Evo, "my dad was devastated when my mother decided to leave. Hindi niya ito pinapakita sa akin pero alam ko dahil sekereto ko siyang sinisilip sa kanyang silid gabi-gabi. He drinks alcohol every night, crying over his heart break. Ito ang dahilan kung bakit gusto kong mahanap si Shawn, dahil ayokong mapilitang pumasok sa kasunduan katulad ng aking mga magulang."

"Pero kusang umalis si Shawn, don't you think it would be the same if you force Shawn to marry you?" sabat ni Tamara.

"No!" bahagyang tumaas ang boses ni Evo saka tinipunan siya ng malamig na titig.

"Mahal ako ni Shawn, alam ko 'yun. She was hurt dahil nabasa niya ang komento mo, she thought I cheated on her kaya siya naglayas," galit na saad ni Evo.

"I-I'm sorry," tanging sambit ni Tamara.

"Sorry? You think everything will be okay with just your sorry?!" giit na bulyaw ni Evo saka unti-unting lumapit kay Tamara.

Naramdaman ni Tamara ang takot pero pinigilan niya ang sarili sa pag-atras. Evo has the right to be mad. Kasalanan niya ang lahat kaya dapat niyang tanggapin ang anumang galit ni Evo.

Isang pulgada na lang ang nasa pagitan nina Evo at Tamara. Bumilis ang tibok ng puso ni Evo, being this close to Tamara wanted him to have her tonight. Her beauty became more evident when the light of the moon touched her fair skin. The redness of her lips called for him to devour it. Her delicate features made him feel so powerful.

The CEO's Temporary BrideWhere stories live. Discover now