Chapter 41 - Clashes and Concealment

2.4K 144 56
                                    

Unang narrating ni Chad ang St. Paul's Cathedral, hindi man masyadong matao ang simbahan, hindi rin madaling hanapin si Tamara. Ngunit hindi nawalan ng pag-asa si Chad dahil batid niyang ang dahilan kung bakit nagtungo si Tamara dito ay marahil iniisp nito na ligtas na lugar ang simbahan.

Lakad-takbo ang ginawa ni Chad habang iniisa-isang tinignan ang bawat babaeng nakasalubong hanggang sa may tumawag sa kanya mula sa kanyang likod.

"Chad!" narinig niya ang tinig ni Tamara.

Agad niya itong nilingon ngunit bago pa man niya makita ang dalaga ay agad na itong nakayakap sa kanya.

"A-akala ko madali ko lang matunton ang daan pabalik sa mansion ngunit nalito ako dahil halos magkapareho ang hitsura ng mga daan kaya hindi ko na alam kung paano makauwi," umiiyak na saad ni Tamara.

Gusto sanang kumawala ni Chad sa yakap ni Tamara ngunit ramdam niya ang panginginig ng dalaga kaya sinabi na lang niyang, "sinabi ko naman sa'yo eh. Ipapasyal kita bukas. Dapat hindi ka na umalis."

"I-I am sorry. H-hindi na mauulit," hikbing saad ni Tamara na parang batang nangangako sa magulang na hindi na susuway.

Magkahalong emosyon namang pinanood ang pagyakap ni Tamara kay Chad. Naiinis siya dahil wala siyang nagawa upang mapawi ang takot na nararamdaman ni Tamara ngayon. Masaya naman siya dahil ligtas na nahanap nila si Tamara. Malungkot siya dahil si Chad ang naging sandalan ni Tamara ngayon kahit siya ang unang nakakita sa kanya.

Ang totoo, nakita na ni Evo si Tamara kanina ngunit pinili niyang manatili sa kinaroroonan niya habang hinayaang si Chad unang makalapit. Ayaw niyang malaman ni Tamara na matindi ang kanyang pag-alala nang malaman niyang nawawala si Tamara. Ayaw niyang isipin ng dalaga na binibigyan niya ito ng kahalagahan.

Neutral ang mukhang tinungo ni Evo ang kinaroroonan nina Chad at Tamara.

"Chad," tawag ni Evo.

Agad namang humakbang paatras si Chad habang mahinang tinulak si Tamara palayo sa kanya. Hindi man halata, alam niyang may tensyong namamagitan sa sitwasyong kinakasangkutan niya.

"Reserve a dinner for us," kompormeng saad ni Evo saka sinabing, "hindi nakapagpananghalian si Tamara kaya siguradong nagugutom na siya."

"Consider it done," saad ni Chad na agad na hinugot ang kanyang cellphone mula sa kanyang bulsa.

Narinig ni Tamara ang saad ni Evo at naalala niya ang sinabi nito sa kanyang nitong umaga kaya agad niyang pinunasan ang kanyang mga luha saka hinarap si Evo.

"Alam mo, Evo, hindi mo na kailangang mag-alala sa akin. Okay na ako," ngiting saad ni Tamara.

Tinapunan ni Evo ng masamang tingin si Tamara saka sinabing, "Huwag kang assuming, sinisiguro ko lang ang kapakanan ng magiging ina ng anak ko. Your nothing to me but just the woman who will carry my child."

Agad na napawi ang ngiti ni Tamara saka naisip, "Oo nga pala."

Mas nagging malamig ang tingin ni Evo kay Tamara saka sinabing, "Huwag mong kalimutan ang kasunduan natin, Tamara. At huwag mong kalimutan kung sino ka sa buhay ko. You are nothing to me than the woman who will carry my future child. Hindi ito isang fairytale at hindi ka isang damsel in distress na ililigtas ko. Tandaan mo, you will not be staying in my life forever."

Mapait na napalunok si Tamara habang ramdam niya ang bigat sa sinabi ni Evo. Naalala niya ang kasunduan nila, it was clear as the blue sky. Pumayag siyang magpakasal upang ipagbuntis ang anak ni Evo upang hindi makulong ang kanyang ama.

Tumingala si Tamara kay Evo, bakas sa kanyang mga mata ang lungkot at desperasyong nararamdaman habang sinabing, "alam ko, Evo. Hindi mo kailangang ipaala-ala sa akin ang kasunduan natin dahil hindi ko 'yun nakalimutan."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 21 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The CEO's Temporary BrideWhere stories live. Discover now