Chapter 15 - What are the Odds?

4.4K 236 38
                                    


Narinig nila ang tinig ng shutter ng camera kaya agad silang napabangon.

"M-mom!" gulat na saad ni Evo nang makitang nasa mansyon ang kanyang ina at kinukunan sila ni Tamara ng litrato.

Nagkasundo sila ni Tamara kagabi. Tutulongan niyang matapos ni Tamara ang kanyang thesis kapalit ng pagtabi ni Tamara sa kanya sa pagtulog. Naalala niya kung paano niya nakumbinsi si Tamara

"No S3x?" tanong ni Tamara.

"No s3x, just cuddle," pagsang-ayun niya.

"No naughty gestures," ma-awtoridad na saad ni Tamara.

"How about a good night kiss?" tanong ni Evo.

"Evo?" mariing saad ni Tamara.

"What? Good night kiss lang," natatawang saad ni Evo.

"Good night kiss but not the torrid one," itinaas ni Tamara ang kanyang hintuturo.

"I promise," pagsang-ayun ni Evo.

Madaling natapos ni Evo ang thesis ni Tamara. He knew the subject too well kaya hindi siya nahirapan. Ayaw ni Tamara na sa kwarto ni Evo sila matulog kaya sa sofa ng library nila pinagkasya ang mga sarili.

"T-tita," Tamara rubbed her eyes as she tried to see things clearly.

"I took a picture of you as a remembrance, I hope you don't mind," masayang saad ni Eva.

"Bakit ka nandito?" tanong ni Evo na ngayon ay nakaupo na sa sofa.

"I dropped by to ask you about the reunion," pagpapaliwanag ni Eva, "gusto kong itanong kung makakapunta kayo."

Tumingin si Evo kay Tamara na ngayon ay nakaupo na rin sa tabi niya.

"O-opo," sagot ni Tamara, "napag-usapan na namin ni Evo na pupunta kami."

"That's great! Inaasahan kayo ng lola niyo," saad ni Eva saka ibinaling ang tingin kay Tamara, "excited din ang mga pinsan ni Evo na makilala ka."

Ngiti lang ang iginawad ni Tamara kay Eva kaya muli itong nagsalita, "when I saw that you are still asleep, I figured out na hindi pa kayo nakapag-almusal kaya sinabi ko sa butler na ipaghanda kayo ng makakain."

"Thanks mom," saad ni Evo.

Tumingin si Eva sa kanyang relos saka agad na sinabing, "I need to go. May ballroom class pa akong hahabulin."

Nagmadaling lumabas si Eva kaya nagkaroon ng pagkakataon si Tamara na kausapin si Evo.

"Ang rude mo," saad ni Tamara.

"Bakit naging rude ang pagsabi ko ng thank you?" kunot noong sambit ni Evo.

"It sounded like, 'go away' kasi," saad ni Tamara saka tumayo at sinabing, "tara, kain na tayo. Nagugutom na ako."

"About what I said last night," saad ni Evo.

"Wala 'yun," agad na sabat ni Tamara.

"No, seriously. Ayokong may makakaalam tungkol sa sinabi ko kagabi," saad ni Evo.

"Aling parte? 'Yung namiss mo pa rin si Shawn? O 'yung hindi ka makatulog kung walang kayakap?" tanong ni Tamara.

"Both," saad ni Evo saka tumayo at sinabing, "I'll see you at the dining area."

"Ang laki ng bahay mo, baka mawala ako. Isama mo na lang ako," saad ni Tamara.

"I'm taking a shower, gusto mong sumama?" saad ni Evo.

The CEO's Temporary BrideWhere stories live. Discover now