Chapter 14 - Supply and Demand

4.7K 239 32
                                    


'No! This can't be happening,' napasabunot si Tamara sa kanyang buhok dahil kahit anong pilit niyang magfocus sa ginagawang thesis, ang pagkanta ni Evo sa kanya pa rin ang pumapasok sa isip niya.

'It felt so real,' naisip niya habang napabuntong hininga, 'Evo, bakit ka ganito? Bakit ka pa-fall?'

Tumunog ang kanyang cellphone at nakitang si Evo ang tumawag. Agad na tumalon ang kanyang puso pero ayaw niyang magpahalata.

"Hello?" saad niya nang tanggapin ang tawag ni Evo.

"Hi," lumakas ang kabog ng dibdib niya nang marinig ang tinig ni Evo.

"Oh? Bakit ka napatawag?" tanong ni Tamara saka dinagdag, "na-miss mo ako noh?"

Narinig niya ang mahinang pagtawa ni Evo saka sinabing, "kinakamusta lang kita, baka kasi makalimutan mong sa makalawa ang reunion namin. Hahanapin ka ni mommy doon."

Napasapok si Tamara sa kanyang noo nang maalala niya ang tungkol sa reunion. Malapit na rin kasi ang deadline ng kanyang thesis, ang problema, kung sasama siya sa reunion, paniguradong hindi niya matatapos ang thesis.

"Naku, may problema ako," sambit ni Tamara saka nagpaliwanag, "kailangan ko kasing tapusin ang thesis ko."

"Bakit? Anong problema sa thesis mo?" tanong ni Evo.

"Marami pa akong kulang," saad ni Tamara, "saka may mga data pa akong kailangang i-interpret."

"Okay," saad ni Evo saka pinutol ang tawag.

Muling napabuntong hininga si Tamara saka napatitig sa kanyang cellphone. Gusto niyang mainis kay Evo ngayon but she couldn't. Mas naiinis siya sa kanyang sarili dahil pinayagan niyang maapektuhan sa presensya ni Evo. Tulad nang nangyari ngayon. After being so sweet last Friday, ganun din naman siya ka-cold ngayon. He did not even tried to talk her out para sumama siya sa reunion.

Napasandal siya sa hiligan ng kanyang silya saka naisip, 'sabagay, tama din na hindi muna kami magkita. I need space, enough for me to at least pull myself together.'

"Tamara!" narinig niya ang tawag ng kanyang ina kaya tumayo siya para puntahan ito sa salas.

"Bakit, mommy?" tanong niya ngunit napahinto siya nang makita kung sino ang kausap nito sa may pinto.

"Ang boyfriend mo, nandito," saad ni Tina sa anak.

Agad na nilapitan ni Tamara si Evo habang iniwan naman sila ni Tina.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Tamara.

"Ano ba ang ginagawa ng isang boyfriend kapag nahihirapan ang kanyang girlfriend sa kanyang pag-aaral?" nakangiting saad ni Evo.

Hinila ni Tamara si Evo at dinala sa harden kung saan niya ginagawa ang kanyang thesis.

"Hindi mo ba naisip na mas kailangan ko ngayon ng katahimikan?" pabulong na tanong ni Tamara saka dinagdag ang, "you are honestly a distraction."

"So inaamin mong apektado ka sa presensya ko?" pilyong ngumiti si Evo.

"Evo please. Kailangan ko 'tong tapusin," pagmakaawa ni Tamara na sinagot naman ni Evo ng, "kaya nga ako nandito. I am here to help."

"Y-You're here to help?" hindi makapaniwalang tanong ni Tamara.

"Let me check your thesis and I'll see what I can do," saad ni Evo.

'Fvck! That is hot,' sa isip ni Tamara.

Dahil walang kibo si Tamara, hinila ni Evo ang silya na nasa harap ng laptop saka sinabing, "May I?"

The CEO's Temporary BrideWhere stories live. Discover now