Chapter 37 - His Hatred

5.5K 257 34
                                    

Lumipas ang mahigit isang oras mula noong sumahimpapawid ang sinasakyang eroplano nina Tamara at Elle. Pagmamay-ari ito ng McTavish Holdings kaya silang dalawa lang ang sakay nito.

"I was just curious," pagbasag ni Elle sa katahimikang bumabalot sa kanilang dalawa, "hindi ko alam kung ano talaga ang namagitan sa inyo ng pinsan ko. But he was obviously still obsessed with Shawn. Ano ang motibo mo? Bakit ka pumayag sa ganitong relasyon kahit alam mong iba ang mahal ni Evo?"

"Kung ano man ang meron kami ni Evo, sa amin na lang 'yun. Wala akong dapat ipaliwanag sa'yo," mataray na sagot ni Tamara.

"Aparently, may pakialam ako. Evo is now the CEO of McTavish Holdings in the Philippines. Bilang nag-iisang anak ng isa sa mga bilyonaryo sa mundo, Evo will soon own all the shares of the companies that the McTavish Holdings invested on around the world at isa na doon ang kumpanya ng pamilya ko. Since McTavish Holdings is a major stock holder of our family's company, I have to prepare for whatever actions that Evo will make as it might affect the future of our company," saad ni Elle.

"Bakit hindi mo na lang tanungin ang pinsan mo?" sagot ni Tamara.

"I could but I know he won't tell me anything," agad na saad ni Elle.

"At iniisip mo na ako ang magsasabi sa'yo ng impormasyong hindi sasabihin sa'yo ni Evo?" inis na nilingon ni Tamara si Elle.

Mapaklang ngumiti si Elle saka nilingon din si Tamara, "I am not naïve, Tamara. Besides, alam kong tuso ang pinsan ko. He was just like any other men in the Concepcion family."

"Kung may galit ka sa mga lalaki sa pamilya mo, labas na ako 'dun," saad ni Tamara.

"Tama ka, pero concern lang ako. Ayokong may isa na namang babaeng malalagay sa mental dahil sa kabaliwan sa pinsan ko," saad ni Elle.

"Kaya ko ang sarili ko," malimit na sagot ni Tamara.

"Sana nga matatag 'yang puso mo," may pangungutyang saad ni Elle saka dinagdag ang, "mahirap na, baka hindi mo mamalayang ubos ka na pala."

"Hindi ako katulad ng kaibigan mo. May dahilan ako kaya ako pumayag sa relasyong ito," bahagyang tumaas ang boses ni Tamara.

"Pera din ang dahilan kung bakit pumayag ang kaibigan ko sa gusto ni Evo. But she eventually lost herself. So I think money is not worth it," sambat ni Elle.

"Hindi pera ang dahilan kung bakit ako pumayag," saad ni Tamara.

"Really? Because I heard may problema ang daddy mo sa accounting department ng McTavish Holdings," agad na saad ni Elle.

Nagulat si Tamara sa kanyang narinig. Paano nalaman ni Elle ang tungkol sa kanyang ama? Hindi ba dapat nilinis na ni Evo ang tungkol sa problemang ito?

"You may think I am being nosy, pero bilang miyembro ng board, alam ko ang tungkol sa mga discrepancies ng mga transaksyon ng iyong ama. I just had this idea because the problem was miraculously solved on the day of your wedding. I just speculate na baka ito ang naging kapalit ng iyong pagpayag sa kasal," paliwanag ni Elle.

Nag-alala si Tamara tungkol sa reputasyon ng kanyang ama kaya agad siyang nagpaliwanag, "Wala kaming naging kasunduan ni Evo tungkol diyan. Malinis ang konsensya ng aking ama. Hindi niya magagawang pagnakawan ang kumpanya ni Evo."

"I hope so," nagkibit balikat si Elle.

"Pero tama ka. Mayroon nga kaming kasunduan ni Evo pero hindi involve ang kumpanya o ang pera niya," agad na dagdag ni Tamara.

The CEO's Temporary BrideWhere stories live. Discover now