Chapter 26 - Pop the Question

4.6K 227 10
                                    

'Give yourself to Evo at magpabuntis ka,' naalala niyang suhestiyon ni Ellena.

Gusto niyang mahalin siya ni Evo pero ayaw niyang pilitin si Evo na pakasalan siya dahil lang sa nagpabuntis siya. Hindi siya pumayag sa suhestiyon ni Ellena. If she is going to give herself to Evo, ito ay dahil mahal siya ni Evo at 'yun ay kung naikasal na sila.

"You are zoning out again, Tamara," reklamo ni Reem, ang dati niyang co-worker noong nag-OJT pa siya sa kompanya ni Evo.

Niyaya siya nitong mag-karaoke dahil nagdidiriwang ito ng kaarawan. Pumayag siyang sumama dahil kailangan niya ng ganitong distraction upang pansamantalang makalimutan ang alok ng lola ni Evo, ang hindi pa niya mapangalanang nararamdaman kay Evo, at ang inis na nararamdaman sa tuwing tinatawag siyang gold digger ng mga netizens na nagkokomento sa balita tungkol sa relasyon nila ni Evo.

"Iniisip mo pa rin ba ang mga komento tungkol sa relasyon niyo ni Sir Evo na nasa social media?" tanong ni Reem.

Tango lang ang isinagot ni Tamara kaya napabuntong hininga si Reem saka nagsalita, "eh kahit sinong babae namang malilink kay Sir Evo, tatawagin naman talaga nilang gold digger."

"Oo nga," pagsang-ayon ni Jessa, "saka baka nakalimutan mo, isa sa top ten richest family in the world ang mga McTavish, kaya kahit sinong malilink sa kanya, pag-iisipan talaga ng masama."

"Sa sinasabi niyo, parang impossibleng mahalin si Evo," padabog na saad ni Tamara saka nagpatuloy, "maliban sa gwapo, mayaman at matipuno ang katawan. Evo is a gentleman. He is every woman's dream."

"Exactly! Kaya huwag mo nang isipin 'yang mga comments sa social media. Inggit lang ang mga 'yan sa'yo dahil wala silang gwapo, mayaman, matipuno ang katawan, at gentleman na boyfriend," saad ni Reem.

"Oy teka! Ba't mo nasabing matipuno ang katawan ni Sir Evo?" sabat ni Jessa, "nakita mo na ang katawan niya?" excited itong nagtanong.

"OMG! Nahawakan mo na ba ang malulutong niyang abs?" Napasinghap na tanong ni Reem.

Kagat labing napangiti si Tamara.

"Ay alam ko ang ngiting 'yan," saad ni Reem sabay turo kay Tamara, "naku magkwento ka!"

"Oo nga, i-share mo kung ano ang pakiramdam," saad ni Jessa.

"Well,"napatingin si Tamara sa itaas habang naiisip ang mga sandaling nakukulong siya sa mga bisig ni Evo.

"He has six packs abs," panimula ni Tamra na naging sanhi naman ng tilian ng mga dalaga.

"Nahawakan mo ba?" tanong ni Jessa.

Napangiti si Tamara dahil naalala niya noong gabing lasing na hinatid si Evo sa kwarto nila. Dahil tulog si Evo, pilya niyang hinawakan ang abs nito habang binibihisan.

"Matitigas ba?" muling tanong ni Jessa.

Sinagot sila ni Tamara ng tango saka sinabing, "parang inukit na bato."

"OMG! Eh ano ang pakiramdam kapag napadampi ang katawan mo sa kanya?" tanong ni Reem.

"Nakakahina ng tuhod. 'Yung tipong parang hinihigop niya ang lakas ko sa simpleng pagpulupot lang ng kanyang mga kamay sa akin," panimula ni Tamara.

Halatang kinilig sina Reem, Shane at Jessa, at napa-dreamy like na rin ang mga ito, kaya nagpatuloy sa pagsasalita si Tamara.

"At tinititigan niya ako habang nakakulong ako sa bisig niya. Whenever he does that, I instantly get lost in his eyes and it felt like all my senses are focused to him," saad ni Tamara.

"Ano ang pakiramdam kapag naghalikan na kayo?" tanong ni Reem.

Napakagat ng labi si Tamara saka sinabing, "ang sarap na para bang ayokong matigil 'yun."

The CEO's Temporary BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon