Kabanata 2

26.7K 1.1K 269
                                    

Kabanata

Regalo

“Nakakatuwa na marami ang naging benta natin kahapon kahit na unang araw pa lang ng pagbubukas ng tindahan.” si Auntie Sherlie habang nasa hapagkainan kami at nag aalmusal.

“Mas malapit daw po kasi ito kaysa sa ibang tindahan na nasa kanto pa.”

“Oo nga daw. Halos lahat ng paninda ay nasa atin na kaya wala na silang kailangan hanapin pa. Tuwang tuwa ang mga kapit bahay natin.”

Wala akong naisagot kung hindi tipid na ngiti lang. Hindi ko alam kung magkano ang kinita ng tindahan kahapon pero nasisiguro ko na malaki rin lalo na at sunod-sunod ang bumili. Malaking tulong ito para sa amin... lalo na para kay auntie.

“Wala akong gagawin sa maghapon. Gusto mong lumabas at pumasyal? Ako na muna ang magbabantay sa tindahan.”

“Ayos lang, auntie. Wala rin naman po akong gagawin kaya ako na lang po ang magbabantay.”

“Siya sige. Magluluto na lang ako ng masarap na tanghalian. Ano ba ang gusto mo?”

“Ikaw na po ang bahala.”

Matapos kumain ay tumambay na ulit ako sa tindahan. Maaga kaming nagbukas ngayon dahil maaga rin nagigising ang mga tao. Ilang minuto pa lang mula nang bumukas ay may bumili na kaagad na kasamahan nila Mang Kulas.

“Magandang umaga, Isha! Pabili naman ako ng kape, iyong three in one.”

“Magandang umaga rin po. Alin po dito?” Bumaling ako sa mga sachet ng kape na nakasampay sa bandang ulo ko.

“Iyan na lang Kopiko black para magising ako. Medyo wala kasi akong tulog kagabi dahil tumaas ang aking dugo.”

Pinilas ko ang isang kape at hinarap ang may katandaang magsasaka.

“Highblood po kayo?” tanong ko at iniabot sa kaniya ang kape.

“Oo. Nasa lahi kasi namin.”

“Hindi na po dapat kayo umiinom ng kape dahil lalo po tataas ang dugo n’yo. Mas mainam po kung mag tsaa na lang kayo.”

Natawa siya. “Pang mayaman lang ang mga tsaa, Isha. Ayos na sa akin ang kape. Kailanga ko rin ito para sa buong araw na trabaho. Heto ang bayad ko,”

Kinuha ko ang saktong pera na iniabot niya at hindi na nagsalita pa. Gano’n naman talaga minsan ang mga tao. Kahit na pagsabihan mo sa kung ano ang dapat at tama ay hindi rin nila susundin. Palagi silang maraming dahilan. Hindi nauubusan.

Ika nga, kapag gusto ay may paraan. Kapag ayaw, maraming dahilan.

Mabagal na lumipas ang oras. Sa probinsya, parang ang tagal lagi ng oras. Pero sa Maynila, kapag nagising ka sa umaga, mamaya lang ay tanghali na. Pakiramdam ko, mas maagang sumisibol ang araw dito at matagal naman bago lumubog.

Sandali kaming nagpalit ni Auntie Sherlie sa pwesto dahil kinailangan kong maligo. Nang matapos ay ako ulit ang pumwesto sa tindahan.

“Hay naku! Kahit kailan talaga ay kulang ka lagi sa mga pinabibili ko sa’yo. Nakakahiya doon sa mag asawa kapag dumating!”

Mula sa pag-i-scroll sa aking cell phone ay nag angat ako ng tingin. Natanaw ko si Nanay Martha na nakapa meywang habang tila iritado na nakatingin sa kung saan.

“Wala naman po kasi talaga sa listahan iyong bell pepper, nay! Nakalimutan n’yo po ata.” dinig kong sigaw pabalik mula sa hindi kalayuan.

“Aba’t ginawa mo pa akong ulyanin! Hala siya at haluin mo ang adobong baboy doon!”

Monasterio Series #6: Trapped in Her Arms Where stories live. Discover now