Kabanata 47

22.2K 958 69
                                    

Kabanata 47

Need

"Mayroon ba akong hindi nalalaman, Dreya?"

Bumigat ang paghinga ko habang pinagmamasdan si Nero at Skyler na naglalaro sa bakuran. Bumalik ulit siya kinabukasan, maaga ulit.

Matapos ang naging sagutan namin kahapon dahil kay Jeremy ay nagpaalam na rin siya para umalis. He even apologized to Skyler for suddenly leaving.

Hindi ko maisip kung sino sa aming dalawang ang mali. Pinagsabihan ko lang naman siya dahil sa mga naging salita niya kay Jeremy. Pero naisip ko na si Jeremy rin naman ang nagsimula. Kung hindi niya ininsulto si Nero at sinabing wala naman ito sa tabi ko nung mga panahong buntis ako, hindi siya nito sasagutin nang pabalang.

Kakausapin at pagsasabihan ko rin siya kapag nagkita kami. Kahit hindi kami ayos ni Nero, ayaw kong makakarinig ng ano mang pang iinsulto sa kaniya galing sa ibang tao dahil hindi naman niya alam ang pinagdaanan nito.

Ang malalim na buntonghininga ni Dreya mula sa kabilang linya ang pumutol sa pagmamasid ko sa mag-ama. Nag iwas ako ng tingin nang magtama ang mga mata namin ni Nero. He was chasing Skyler who was running away from him while laughing. Kung bakit tumitingin pa siya sa akin ay hindi ko alam. Kaswal na nga lang ang pag-uusap namin dahil sa nangyari kahapon.

"Marami kang hindi alam, Isha. Saan mo ba gustong simulan?" tanong ni Dreya.

"Kahapon kasi, nagkasagutan kami ni Reon. Hindi ko alam pero parang nabanggit niyang sana ay umpisa pa lang, tinalikuran niya na ang pamilya niya kung alam niya lang na buntis ako. Iyon rin naman daw ang nangyari."

She sighed over the line again. Wala pa man ay nag-uunahan na sa pagtibok ang puso ko.

"He has already parted ways with the Monasterios, Isha."

My eyes blinked. "W-What?"

"After he confronted Ania about the truth, we were shocked to know that it's Tita Adrianna who asked her not to tell Reon about your pregnancy."

Umawang ang labi ko, ang lamig ay kumalat sa aking mga palad at talampakan.

"What do you mean? A-Alam ni Ma'am Adrianna na buntis ako noon?"

"Oo. Nalaman rin namin na siya ang humaharang sa taong kinuha ni Reon para hanapin ka noon. Kaya hindi ka niya nakikita kasi kay Tita Rian bumabagsak lahat ng impormasyon. Pati si Tito Zion ay tinalikuran na siya."

"B-Bakit?"

"Aksidente nilang narinig ni Reon na lahat na kumpanya na pinasukan mo noon, hinarang rin ni Tita Rian para huwag kang tanggapin. Except for the last company you have worked for. Hindi ka sana ulit matatanggap pero hinarang ni Ania ang Mommy niya."

Sandali. These are all too much to take in. Unang una, hinarangan ni Ma'am Adrianna ang taong inutusan ni Nero para hanapin ako? At pagkatapos ay maging ang mga trabahong pinasukan ko noon ay siya rin ang mapakana kung kaya't akala ko ay sadyang malas lang ako dahil hindi ako matanggap tanggap?

Kumuyom ang mga kamao ko nang awtomatikong bumalik sa ala-ala ko ang hirap na naranasan ko noon makahanap lang ng disenteng trabaho para sa anak ko. Sa anak ko na apo niya. She knew that Nero has a child with me and yet, she still let her anger ruin my life!

Oo at galit siya. Walang kapatawaran ang ginawa ko sa anak niya at sa pamilya niya. Kaya kong tanggapin ang galit at parusa niya sa akin kung walang batang madadamay. Hindi niya alam ang pakiramdam na umuwing bigo dahil hindi na naman ako natanggap sa pinag-applyan ko. Hindi niya alam na halos mabaliw na ako kakaisip kung saan ako kukuha ng pera pangtustos sa pagkain namin at sa gatas at diaper ni Skyler.

Monasterio Series #6: Trapped in Her Arms Where stories live. Discover now