Kabanata 12

21.2K 1.1K 203
                                    

Kabanata 12

Selos

Tila ako nawalan ng gana magmeryenda habang pinagmamasdan si Nero sa isang sulok. Tahimik siyang kumakain ng dala kong pansit at caldereta.

Ayaw niya pa nga sumandok kanina pero nang si Mang Kulas na mismo ang mag abot sa kaniya ng paper plate ay wala na rin siyang nagawa. Nung ako ang nag aya, inirapan niya lang ako.

Wala ako matandaang dahilan para magalit siya sa akin. Ang huling usap pa naming dalawa ay ilang araw na rin ang nakalipas.

Hindi ba’t inamin niya pa nga sa akin na ako ang dahilan kung bakit siya nagpapagawa ng banyo dito? Hindi ko naman sineryoso pero aaminin ko na nakaramdam ako ng kilig para doon.

“Masarap ang pansit, Isha. Ang tiyahin mo ba ang nagluto nito?” si Mang Kulas dahilan para mahinto ako sa pagkakatulala sa plato.

Nag angat ako ng tingin sa kaniya at tipid na ngumiti.

“Siya po lahat.”

“Puwede ba ako mag uwi sa bahay?” singit ni Jeff.

“Puwede naman.”

Nagbuntonghininga si Nero dahilan para mapatingin ako sa kaniya. Inilapag niya ang paper plate sa mesa at tahimik na kinuha ang baso ng tubig.

Hindi niya pa rin ako tiningnan.

“Tapos ka na, Nero?” tanong ni Mang kulas.

Tumango si Nero matapos uminom ng tubig.

“Tapos na po.”

Kahit kaunting sulyap ay hindi niya nagawang ibigay sa akin. Mas lalo akong nawala ng gana ubusin ang pagkain ko at huminga nang malalim.

Mukhang maling ideya na nagpunta pa ako dito. Hindi bale, nabusog naman ang mga magsasaka kaya ayos na rin.

“Lalabas lang po ako saglit.”

Nag-angat akong muli ng tingin nang magsalita si Nero. Walang emosyon ang mukha niya nang lumabas siya ng kubo. Tila iritado. Pakiramdam ko ay ibinalik ako sa mga araw na kakakilala ko pa lang sa kaniya. Mga panahon na bihira ko siya makitang ngumiti.

Natapos na lang lahat ang mga magsasaka sa pagkain ay hindi pa rin bumabalik si Nero. Lubog na ang araw at ang langit ay kulay kahel na. Mamaya lang ay lilitaw na rin ang buwan pero mukhang walang tsansa na magkausap kami ni Nero.

Sandali, Isha. Bakit ba kailangan mo siya makausap? Wala naman kayong dapat pag-usapan. Hindi ka man niya pansinin, ano ngayon? Gano’n rin naman siya dati.

Nayayamot akong bumuntonghininga. Iba na ngayon. Iba na dahil may gusto na ako sa kaniya.

“Isha, salamat ulit sa meryenda. Gusto mo bang sumabay na sa amin umuwi?” tanong ni Mang Kulas habang tamad kong inaayos ang mga tupperware.

Sila na mismo ang naghugas no’n matapos nila kumain. Nakakatuwa lang dahil hindi sila katulad ng ibang tao na matapos kumain ay iiwan na lang basta ang mga pinagkainan.

“Ayos lang po, Mang Kulas. Aayusin ko pa po itong mga gamit. Mauna na po kayo.”

“Sigurado ka?”

“Puwede kitang hintayin, Isha. Ako na ang maghahatid sa’yo sa bahay n’yo.” singit muli ni Jeff.

Pansin ko na kanina pa siya singit nang singit kapag may pinag-uusapan. Ang hilig makisali.

“Hindi na. Ayos lang.”

“Kung sa bagay ay nariyan pa naman si Nero. Kayong dalawa na lang mag sabay sa pag uwi para may magdadala rin niyang pinaglagyan ng mga pagkain.” suhestyon ni Mang Jerry.

Monasterio Series #6: Trapped in Her Arms Where stories live. Discover now