Adrianna Grace

24.5K 981 143
                                    

𝗔𝗱𝗿𝗶𝗮𝗻𝗻𝗮 𝗚𝗿𝗮𝗰𝗲

I may be evil and manipulative in everyone's eyes. The love I have for them may be suffocating and controlling but that's the only way I know how to love. That's the only way I know how to protect the people I love. Given the dark past I had and the trauma it gave me, no one will ever understand the anxiety I'm feeling thinking that it might happen again.
Not even the person I am trying to protect all my life. Not even my family.

Buong buhay ko, wala akong ibang ginusto kung hindi ang maging ligtas si Reon sa kapahamakan. He's my first born. He holds a special place in my heart. Lahat ng anak namin ni Zion ay mahal ko. Lahat sila ay pantay-pantay pero iba ang pangungulila na mayroon ako para kay Reon.

Maybe it's because I didn't have the chance to be with him as possible as I wanted and take care of him all throughout his existence. I didn't have the chance to see and watch him grow. Mahirap para sa isang magulang ang malayo sa anak, magtiis na huwag itong makasama ma-protektahan lang siya laban sa kapahamakan.

Nang piliin niya ang mamuhay sa probinsya sa kabila ng katotohanan na wala nang banta ang buhay niya ay aaminin kong nasaktan ako. Tila ba hindi siya sabik na makasama kami. Kabaliktaran ng nararamdaman ko. Para bang kuntento na siya na hindi personal na nakikilala ang mga kapatid niya.

Pero ayos lang. Tatanggapin ko. Hindi na bali ang magpabalik balik ako sa probinsyang kinalakihan niya para lang makita siya kung iyon talaga ang gusto niya.

Sa ilang dekada na nanalagi siya sa Santa Fe, sa bawat panahon na nagtutungo kami doon para masilayan siya, nakita ko kung paano lumayo ang loob niya sa akin. He may be calling me "Mama" but I strongly feel how aloof he is towards me. Maging kay Zion ay kaswal lang rin siya.

Para bang sanay na siya sa buhay na wala kami. Pero ayos lang ulit. Hindi iyon magiging dahilan para tumigil ako sa pagiging ina sa kaniya.

Kahit pa ang kalabanin ang babaeng napili niyang mahalin.

"Mommy, matagal na panahon na rin naman simula nang maghiwalay si Kuya Reon at Isha. Natahimik na rin ang pamilya niya kaya sa tingin ko ay wala nang dahilan pa para kalabanin mo siya."

Hindi ako kumibo sa sinabing iyon ni Ania, tahimik lang na nakatulala sa kumpol ng libro sa ibabaw ng desk ni Zion. We're in the library to have this private conversation. I didn't honestly expect that she would come here after I failed to answer her calls.

I am out of myself since our family had a fight after Reon found out that we knew about his son with Isha. Tama si Zion. Maging sa anak namin ay ginawa ko ang bagay na ginawa ko rin sa kaniya noon.

Itinago ko si Reon sa kaniya. At ngayon ay maging ang anak ni Reon kay Isha ay nagawa ko rin ilihim dahil lang sa disgusto ko sa babaeng 'yon.

Sa dami ng puwede niyang maging ka mag-anak, bakit ang babaeng halos sumira pa ng buhay namin noon? Bakit ang babae pa na nagtangkang pumatay sa lalaking minamahal niya ngayon?

Call me selfish but I don't want to accept that kid. Ni minsan ay hindi ko pa nakikita ang anak ni Reon sa kaniya. May mga pagkakataon na gusto ito ipakita sa akin ng mga taong inatasan ko na bantayan sila noon pero tumanggi ako.

Ayaw ko.

Natatakot akong oras na makita ko ang bata ay kaagad na lumambot ang puso ko.
"Habang kinakalaban mo si Isha, Mommy, kinakalaban mo rin si Kuya Reon. Lumalayo siya sa atin." dagdag ni Ania.

"I already stopped, Ania. But that doesn't mean I will accept that girl in our family. Hindi ko siya kayang tanggapin sa pamilya natin." matigas ang loob na sabi ko habang nakatingin sa kung saan.

Monasterio Series #6: Trapped in Her Arms Where stories live. Discover now