Kabanata 43

24.2K 930 77
                                    

Kabanata 43

Hope

Sa mga oras na ito, nasisiguro ko na na-kumpirma na ni Nero mula kay Ania ang katotohanan pwera na lang kung tumanggi ito. Ang totoo ay hindi ako mapakali. Gusto kong tawagan si Dreya para sana magtanong pero nauunahan ako ng hiya.

Pilit ko na lang iniisip na kahit malaman ni Nero ang katotohanan, wala na rin namang magbabago. Ako na mismo ay sinabi sa kaniyang anak niya si Skyler.

After our conversation days ago, his words still keep on lingering in my head. Naririnig ko pa rin ang boses niya. Paulit ulit. Maybe that's how it really works when you don't expect something like that. Hindi naman kasi talaga ako umaasa na maririnig ko sa kaniya na may naramdaman pa rin siya sa akin. Na mahal niya pa rin ako.

Aaminin ko na masarap sa pakiramdam malaman na mahal pa rin ako ng lalaking hanggang ngayon ay hindi ko pa naiaalis sa sistema ko. Mahal na mahal ko pa rin si Nero kagaya ng pagmamahal ko sa kaniya noong bago pa lang kami.

Sa madaling salita, hindi nabawasan. Nanatiling nasa kaniya ang puso ko. Hawak niya pa rin. Tila ba wala nang balak kumawala pa.

Pero hindi ganoon kadali. Oo at mahal pa namin ang isa't isa pero marami kaming kailangan isaalang ala. Nanunguna na ang pamilya niya na hindi kailanman ako matatanggap.

Ayos lang sa akin. Kaya kong tanggapin na hindi nila ako magagawang papasukin sa buhay nila. Pero sana, kung sakali man magtagpo na ng personal si Nero at Skyler at magdesisyon siyang ipakilala ang anak namin sa pamilya niya, sana ay huwag nila ito idamay sa galit nila.

Ibang usapan na 'yon. Lahat gagawin ko huwag lang makaranas ng pang-aapi si Skyler mula sa kahit na kanino.

"𝘏𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘱𝘢 𝘪𝘵𝘰 𝘢𝘯𝘨 𝘵𝘢𝘮𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘯𝘢𝘩𝘰𝘯 𝘱𝘢𝘳𝘢 𝘴𝘢 𝘢𝘵𝘪𝘯. 𝘗𝘦𝘳𝘰 𝘶𝘮𝘢𝘢𝘴𝘢 𝘢𝘬𝘰𝘯𝘨 𝘥𝘢𝘳𝘢𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘱𝘢 𝘳𝘪𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘢𝘳𝘢𝘸 𝘯𝘢 𝘮𝘢𝘨𝘵𝘢𝘵𝘢𝘨𝘱𝘰 𝘶𝘭𝘪𝘵 𝘵𝘢𝘺𝘰 𝘢𝘵 𝘴𝘢 𝘮𝘨𝘢 𝘴𝘢𝘯𝘥𝘢𝘭𝘪𝘯𝘨 '𝘺𝘰𝘯... 𝘣𝘢𝘬𝘢 𝘱𝘶𝘸𝘦𝘥𝘦 𝘱𝘢."

Malungkot akong ngumiti nang tila isang alon na rumagasa sa ala-ala ko ang sinabing 'yon ni Nero nung gabing maghiwalay kami. Inaayos ang mga sariwang strawberry sa tray, huminga ako nang malalim.

"Nagtagpo na tayo, Nero. Pero mukhang hindi pa rin tayo puwede ngayon..." bulong ko sa sarili. "Hindi na ata kailanman."

"Good morning po, Mama!"

Mabilis akong lumingon sa gilid nang marini ang masayang boses ni Skyler. Nagkukusot pa ito ng mga mata at siguradong kagigising lang. Maaga siya palagi nagigising sa umaga at sumasabay na sa pagbubukas ko ng tindahan. Minsan ay tumutulong siya sa akin kahit na wala naman talaga siyang nagagawa.

It's just our usual bond that I would ever want to miss. Hinding hindi ko ito ipagpapalit para sa marangyang buhay.

"Good morning! Nakaluto na nang almusal si Mama. Saan si Nay Shirley?" tanong ko at naupo para pantayan ang taas niya.

I embraced him. His chubby arms wrapped around my neck.

"Naliligo po ata si Nanay Shirley, Mama. Narinig ko po kasi na bukas ang gripo natin sa banyo."

Tumango ako. "Sige. Maupo ka muna dito. Aayusin ko lang ang paninda natin tapos ay kakain na tayo, ha?"

Tumango siya. "Puwede po ako maglaro diyan sa bakuran natin, Mama? Hindi pa naman po mainit."

Alam niyang hindi ko gusto ang palagi siyang naglalaro sa arawan dahil na rin sa madali siyang pawisan at ubuhin.

"Sige. Tatawagin na lang kita kapag natapos na ako dito at kakain na tayo."

Monasterio Series #6: Trapped in Her Arms Where stories live. Discover now