Kabanata 68 ll

17.4K 761 46
                                    

Kabanata 68 ll

Mabilis na napawi ang antok ko nang masilayan si Daddy sa gilid ko at patuloy sa paghalik sa gilid ng aking leeg. Mabilis ko siyang itinulak palayo sa akin. Hindi ko alam kung sadyang nanghihina siya ngayon o wala sa tamang katinuan kaya madali ko siyang nagawang palayuin sa akin.

I immediately got up from the bed as he fell down the floor. Mabilis ang bawat paghinga ko, binabalot na ng matinding takot. I watched him get up slowly. At nang makatayo siya ay kaagad nang nagtama ang mga mata namin.

Ano'ng nangyayari? Bakit ganito siya kung umasta ngayon? Ang sabi ni Mommy ay nasa Canada siya! Bakit siya narito? At bakit ginaganito niya ako?

"Come on, daughter. It's been years since we last saw each other. Won't you give your father a hug?" he said and suddenly pulled a smirk.

Those words brought another fear to my heart. Sa paraan ng pagtitig at klase ng ngisi na mayroon siya, pakiramdam ko ay bigla ko siyang hindi nakilala.

He changed a lot. Maging sa pisikal na ayos. Kagaya ni Mommy, namayat siyang maigi at pansin iyon sa pagiging humpak ng mga pisngi niya. Napapalibutan na rin 'yon ng balbas at maging ang buhok sa ulo ay mahaba na.

"D-Dad, ano'ng nangyayari? Bakit mo po ako ginagagawan ng ganito? A-Anak mo ako, Dad-"

"Of course! How would I forget that? You are my unwanted daughter! The child of that bitch who ruined everything in my life!" he shouted.

Un...wanted daughter?

"You and your mother are both useless! I really regret meeting her! I regret having you!"

Tila humiwa sa puso ko ang mga salita niya. Kitang kita rin sa mga mata niya kung gaano siya nasusuklam sa presensiya ko. Kung gaano niya nga pinagsisisihan na nagkaroon siya ng anak kay Mommy.

"But that doesn't give you the right to harass me! Ayaw mo man sa akin, Dad, wala kang karapatan na pagsamantalahan ako! You almost raped me!"

Humalakhak siya, tila nawawala na talaga sa katinuan. Sa bawat paglakas at pagdagundong ng boses niya sa buong kwarto ay ang kagustuhan kong mkalabas na para iwasan siya... para takbuhan siya.

"Well, that's the only way you can repay me for all the money that I spent for you! I have been wanting to do this for a very long time but your fucking mother keeps on stopping me!"

Awtomatiko akong natigilan.

Alam ni Mommy ang ganitong kasamaan ni Daddy?

"Have you seen your mother right now, Visha? She looks like an ugly trash, right? She's nothing compared to you. Come on, give your Daddy a hug. You will like this, I promise."

Naglakad siya palapit sa akin. Naging mabilis ang mga mata ko at naghanap ng bagay na puwede kong ihagis sa kaniya. Marahas kong kinuha ang lampshade at iniamba 'yon sa kaniya.

"Sige, Dad! Lumapit ka! Hindi ako magdadalawang isip na ipalo sa'yo ito. Kung nagsisisi ka na naging anak mo ako, mas nakakapangsisi na ikaw ang naging ama ko! Sarili mong anak, pagsasamantalahan mo? Ano'ng klaseng tao ka? Ano'ng klaseng hayop ka?!"

Kung mayroon man masakit sa mga nangyayaring ito, iyon ay ang katotohanang nagsisisi siyang naging anak niya ako. All throughout my whole existence, I let myself believe that he's my family as I am to him. Na minahal niya rin ako sa kabila ng pagiging abala niya sa trabaho. Na katulad ng ibang ama, nagsusumikap lang siya para lang maibigay ang mga pangangailangan ko.

Hindi ko alam na mayroon siyang ibang motibo kaya niya gustong mapalapit sa akin.

Tears spilled down my cheeks as I watched him walk towards me. Sa kabila ng higpit ng pagkakahawak ko sa lampshade ay hindi naiwasan ng kamay ko ang manginig habang nakatitig ako sa kaniya.

"Hindi mo man ako tinanggap bilang anak mo, Dad, hindi mo man po ako minahal bilang kadugo mo... ako, Dad, mahal na mahal po kita. Sobrang sakit para sa akin ng katotohanang magagawa mo po akong pagsamantalahan. Pero doble ang sakit sa akin na hindi mo ako itinuring na anak mo."

He suddenly stopped from walking. Titig na titig siya sa akin. From being sharp and angry, his eyes slowly turned soft and glassy. Kitang kita kung paanong namula ang mga 'yon. Pansin na pansin ang pag-usbong ng luha na ngayon ay sumisilip sa mga mata niya.

"You were the only superhero I had when Mommy kept on hurting me with her hands. Sa'yo lang po ako tumatakbo, Dad, kasi pakiramdam ko ikaw lang po ang kakampi ko sa loob ng bahay natin noon. Kasi pakiramdam ko, ikaw lang po ang nagmamahal sa akin kahit pa ni isang beses, hindi mo po nasabi sa akin na mahal mo rin ako bilang anak mo. I tried to understand you. Maybe you were just really busy to even tell me those three words. Bilang isang anak, isang kaligayahan na, Dad, ang marinig mula s mga magulang niya na mahal siya ng mga 'to. But I never experience it from you and Mommy."

Nag-iwas siya ng tingin, mabilis ang bawat paghinga. Nagpatuloy ako sa pagtangis, ang kamay ay unti-unti nang nawawalan ng lakas hanggang sa ibaba ko na ang hawak na lampshade.

"I l-love you, Dad, and I never thought that it is you who will give me the most painful hearbreak I could ever have..." My voice cracked into tears even more. "As your only daughter... it's hard to accept that the first man I love betrayed me..." Tears bursted out like a dam escaping a river. "You betrayed me, Daddy."

Marahas na bumukas ang pintuan. Iniluwa no'n si Nero, nagmamadali. Madilim ang mukha niya at sa akin na kaagad nakatingin. Sunod na pumasok sina Zadriel, Dashiel at Alas.

Huling pumasok si Mommy na nasa wheel chair, tulak-tulak ng nurse.

Mabilis akong sinalubong ng yakap ni Nero. Hindi ko na napigilan pa ang humagulgol nang maramdaman ko ang mga bisig niya. Pinatakan niya ako ng halik sa noo.

"I'm here. You're safe." he whispered that made my sobs become loud and hysterical.

"Hindi tayo kailanman naging magulang sa nag-iisang anak natin, Connor. Maybe it's because there is really no love between the two of us..." si Mommy na ikinatingin ko sa kaniya.

Hilam ang mga mata niya sa luha habang nakatingin kay Daddy. Nang tingnan ko siya ay nakaupo na ito sa gilid ng kama, nakayuko, mabagal nag pag angat-baba ng mga balikat.

"But that doesn't and will never give you the rights to harass our own daughter. Mas pipiliin kong patayin mo na lang ako kaysa makita ang anak natin na nagdudusa sa mga kamay mo..." pumiyok ang boses ni Mommy, ang mga salita ay halos hindi na maitawid. "Whatever reason you have for doing that to her will never be valid. You must face the consequences in any possible way."

Pumasok ang dalawang pulis sa kwarto, na kay Daddy ang mga tingin.

"Mr. Connor Montezor, we are arresting you for sexually harassing your daughter Miss Visha Montezor. Anything you say can and will be used against you in a court of law. You have the right to an attorney. If you cannot-"

"I'll come with you." putol ni Daddy sa pulis.

Tumayo ito at inilahad ang dalawang kamay na kaagad pinaikutan ng posas. Tumingin sa akin ang isang pulis.

"Miss Montezor, we will still need to get your statement at the police station-"

"Let her rest tonight. Bukas ay kaagad kaming pupunta sa presinto para sa bagay na 'yan." puno ng awtoridad na sabi ni Nero, ramdam ang matinding galit.

Tumango ang isang pulis. "Yes, sir. We'll go ahead."

Ginabayan nila si Daddy palabas ng pinto. Bago pa man ito tuluyang makaalis ay lumingon siya sa akin, ang mga mata ay puno ng pagsisisi.

"I'm s-sorry, Visha," basag ang boses na wika niya bago ito kusang lumabas na ng kwarto. "I'm really sorry."

Monasterio Series #6: Trapped in Her Arms Where stories live. Discover now