Kabanata 23

21.6K 1.1K 235
                                    

Kabanata 23

Pagod

Tahimik na nilisan ng mga Monasterio ang sala sa ibaba at nagtungo sa patio. Inakala kong hindi ako kasama at ako na lang ang magbabantay kung mayroong susunod sa kanila pero hinila ako ni Nero. Nakasimangot pa ito na tila ba may ginawa akong hindi maganda sa paningin niya.

“Gusto ko lang naman makasiguro na walang nakasunod sa inyo.” nakangusong sabi ko.

Naningkit ang matatalim niyang mga mata. “The last time I checked, you are not one of the bodyguards of this family, Isha.”

Humagikhik ako at kumapit pang mabuti sa braso niya na para bang isa akong linta. Baka hindi talaga ako bulate sa past life ko. Baka linta talaga. Tapos ako ang sisipsip sa dugo ni Nero.

“Hindi ba? Baka puwede akong mag-apply sa inyo. Tapos doble sahod ko kasi siyempre special body guard ako.”

Ngumisi siya, lalong ipinamumukha sa akin kung gaano siya kagwapo. Parang araw-araw ay patindi nang patindi ang kagwapuhan niya. O, masiyado lang ako patay na patay sa kaniya?

“Ako na lang ang trabahuhin mo. Sa’yo pa ang lahat ng pera ko.”

“Ay, bongga ‘yan. He loves me. He gives me all his money. That Gucci, Prada comfy... my sugar daddy.”

Mas lalo akong natawa nang kantahin ang viral na ‘yon sa TikTok. Maging si Nero ay natawa na rin. Kung tingnan niya ako ay para bang nagtataka na siya kung ano ang nangyayari sa akin.

“Too young for a sugar daddy, baby.”

Muli akong humagikhik. “Sige, sugar baby na lang.”

“Sounds better.”

“Isha?”

Mabilis na naputol ang pagbabalik tanaw ko sa naging usapan namin ni Nero kanina nang marinig ang tawag na ‘yon. Napaayos ako ng upo, inalis ang pangangalumbaba nang makitang nasa akin ang lahat ng mga mata at atensyon ng mga Monasterio. Maging si Nero sa tabi ko ay titig na titig sa akin at salubong pa ang dalawang kilay.

“You okay?” tanong niya.

Malapad akong ngumiti sa kaniya. “Ayos lang. May naalala lang.”

“Naku! Alam ko na ‘yang mga ganiyang natutulala. Ini-imagine mo, ano?” Si Tate na may nakakalokong ngisi habang nakatingin sa akin. “Ganiyan rin ako kapag kakatapos lang namin ni Zadriel-”

“Tatiana...” sita ni Zadriel sa kaniya, masama ang tingin.

Humalakhak si Tate. Si Dreya ay napapatungo lang habang iyong si Ania naman ay napapailing.

Natawa ako. “Hindi pa ako pinadadapa ni Nero kaya wala pa akong ini-imagine na ganiyan.”

Napatingala si Nero, pumikit nang mariin habang minamasahe ang buto sa ilong. Nalaglag ang panga ni Mama Adrianna. Iyong si Tita Cheska ay natatawa lang maging ang asawa niya.

Matunog na ngumisi si Dashiel. “Seems like your girl is already waiting for that to happen, man.”

Humagikhik ako. “Hindi naman masiyado. Slight lang.”

Iminuwestra ko pa ang kamay ko dahilan para humagalpak ng tawa si Alas. Si Ania ay seryoso lang na nakatitig sa akin.

Nagmulat ng mga mata si Nero at muli akong nilingon. Kinindatan ko siya na ikinailing niya.

“You sure, Tate, that Isha isn’t your long lost sister?” natatawang tanong ni Tito Daniel.

“Naku, Tito! Feeling ko rin po! I have to ask my parents to make sure. Baka mamaya ay kambal ko pala itong si Isha tapos ninakaw lang sa hospital.”

Monasterio Series #6: Trapped in Her Arms Where stories live. Discover now