Kabanata 61

21.1K 964 76
                                    

Kabanata 61

Tumalikod siya at nilagpasan na ang lahat. Pigil ang hininga akong bumitaw mula kay Nero at sumunod sa Mama niya. Wala akong ideya sa mga sasabihin niya. If she's going to tell me to leave her son alone for the second time, I don't have the choice but to let her know that I won't do it.

Kung ipipilit niya, pahirapan niya man ako nang paulit ulit, hindi ko pa rin iiwan si Nero. I have already suffered and learned from the mistakes from the past. Hindi pa ba sapat 'yon? Kulang pa rin ba?

Umakyat siya sa ilang palapag na hagdan. Bago pa man ako sumunod ay lumingon ako sa gawi ng mga Monasterio at hinanap ang mga mata ni Nero. Lahat sila ay nakatingin sa gawi ko.

They all smiled at me as if they're making a promise that this time... everything is going to be fine.

Pumasok si Ma'am Adrianna sa dating kwarto ni Nero. Sumunod rin ako kaagad. Sa bungad ay nabungaran ko siyang nakatayo sa harap ng picture shelves kung saan naroon ang mga litrato ni Nero noong maliit pa ito. Iniangat niya ang isang larawan kung saan tila kasing tanda lang ni Skyler si Nero, nakangiti habang hawak ang isang mufasa plush.

Hinaplos niya ang frame, sa bandang mukha ni Nero. Tahimik akong naglakad papasok at isinara ang pintuan. Kaunting ingay lang ang nilikha noon.

I have no idea where to go. Kaya naman nanatili lang akong nakatayo malapit sa pintuan habang tahimik.

"Reon was just four years old here," she finally broke the deafening silence. "Mufasa was his favorite toy back then."

Matipid akong ngumiti kahit pa hindi niya ako nakikita.

"Paborito rin po ni Skyler ang Mufasa."

"Really? He got if from his father then."

Muli akong nanahimik, naubusan na naman ng isasagot. Narinig ko ang malalim na buntonghininga niya na ikinatuon ng mga mata ko sa sahig.

"Please have a seat, Isha." she said that made me raise my gaze.

Naabutan ko siyang naroon pa rin at nakatitig na ngayon sa larawan namin ni Nero at Skyler. Nasa gitna namin si Skyler at lahat kami ay nakangiti. Bagong kuha lang iyon at sinabi ni Nero na gusto niyang magkaroon ng kopya sa kwarto niya dito.

Sumunod ako sa sinabi niya at naupo sa couch na naroon. Habang nakatungo sa mga kamay kong nakapatong sa ibabaw ng aking hita, nakita ko ang marahang paglakad niya patungo sa gawi ko. She sat on the single couch across me.

Hindi ako naglakas ng loob na tingnan siya sa mga mata. Ayaw kong isipin niya na nagmamatapang ako dahil lang kami na ulit ng anak niya.

"How are you?" she asked after a moment.

Doon lang ako nag-angat ng mga mata at diretso siyang tiningnan.

"I'm good, Ma'am."

"You aged beautifully."

Maliit ang naging ngiti ko. "S-Salamat po."

"No wonder my son loves you so much. Unang kita ko pa lang sa'yo noon ay gandang ganda na rin ako sa'yo."

Wala akong maisagot. Masiyadong kinakain ng kaba ang isip ko.

"But I know it takes more than your beauty why my Reon is so into you. Knowing him, he is very hard to please."

Mababaw akong natawa. "Mahirap rin po patawanin."

She smiled. "I can't agree more. Nakuha niya ang ganiyang pag-uugali kay Zion. They seldom smile."

I saw how her eyes move down my hands and I knew exactly where she's looking at.

"You're engaged..." she added that made my heart pound.

Monasterio Series #6: Trapped in Her Arms Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon