Kabanata 36

22.7K 767 147
                                    


Kabanata 36

Yakap

Literal akong hindi nakagalaw sa kinatatayuan ko. It's as if my feet were stuck six feet underground. And as I let my eyes stared into his brown orbs, shivers ran deep down my spine.

I am just hallucinating, right? Hindi totoong nasa harapan ko siya. Sa sobrang pangungulila ko sa kaniya, gumagawa na ang isip ko ng imahe niya kahit hindi naman totoo. Imposibleng totoo siya.

Hindi siya totoo, Isha. Huwag kang mataranta.

Nanuyo ang lalamunan ko. Sinubukan kong lumunok para lang mahirapan dahil pakiramdam ko ay may nakabara na kung ano rito.

Nagsalubong ang makakapal niyang kilay. Kumuyom ang mga kamao ko, lalong nagsikip ang paghinga dahil maging ang paborito kong galaw mula sa kaniya noon ay nakikita ko.

That slightly frown on his ruthlessly handsome face suddenly reminds me of how I badly admire him during my first few days in Santa Fe. Na sa kabila ng katotohanang may misyon akong saktan siya, hindi ko pa rin napigilan ang humanga... at sa huli, mahalin siya.

"Isha..."

Nang marinig ko ang boses niya kasabay ng pagbigkas niya sa pangalan ko, tila tuluyan na akong inalisan ng kakayahan huminga nang maayos.

Hindi ko maintindihan kung bakit nakakaramdam ako ng kaba sa mga oras na ito. Mabilis masiyado ang tibok ng puso ko, ang mga palad ay nanglalamig. Sa dami ng tao sa paligid namin, para bang kaming dalawa lang ang narito. Para bang siya lang ang nakikita ko.

Umatras ako. Umiling. His eyes darkened while watching me moving away from him.

"Hindi..." bulong ko. "Hindi ka t-totoo."

Nakakailang hakbang na ako palayo sa kaniya. Mariin niya akong pinagmamasdan. Madilim ang mga mata niya at nakatikom ang mga labi. He was serious. His eyes were holding heavy emotions. It's as if he wanted to ask me something.

Mabilis akong pumihit patalikod at tumakbo palayo doon. Hindi na ako nagbakasakaling lumingon sa gawi niya dahil nag-aalala akong matutulala na naman ako oras na magtama ulit ang mga mata namin.

Si Nero 'yon, Isha. Walang duda. Kilalang kilala mo siya. He even called your name! That was his voice. His eyes and the way he looked at you, it was really him! Hindi ka namamalik mata!

Pero anong ginagawa niya dito? Sino'ng kasama niya? Kanina niya pa ba ako nakikita o aksidente lang talaga na nagkabungguan kami? Sa dami ng puwede naming mabunggo, bakit ang isa't isa pa?

Humahangos ako hanggang sa tuluyan na akong makalayo sa mga tao. Unti-unting bumagal ang lakad ko, mas lalong naramdaman ang malakas na pintig ng aking puso.

I heard my phone ringing inside my jeans pocket. Kinuha ko ito at nakita ang pangalan ni Jeremy na tumatawag. Kaagad ko itong sinagot.

"Hello?"

"Hello, Isha! Sarado pala ang Jollibee ngayon dahil nire-renovate. Dito kami lumipat sa may Chef's Home. Papunta ka na ba?"

"S-Sige. Papunta na ako."

"Bakit parang hinihigal ka? Ayos ka lang ba?"

"Oo, ayos lang. M-Medyo marami kasing tao kaya nakipagsiksikan ako. Papunta na ako diyan."

"Sige. Ingat ka, ha? Baka mamaya ay hinabol ka ng aso kaya ka hinihingal?"

Sa gitna ng kaba na nararamdaman ay natawa ako. Isa sa mga katangian ni Jeremy kaya palagay ang loob nami ni Nay Shirley sa kaniya ay masayahin siya at palaging nagbibiro sa kabila ng hirap ng buhay na naranasan niya. Palaging nakangiti at literal na nakahahawa.

Monasterio Series #6: Trapped in Her Arms Donde viven las historias. Descúbrelo ahora