Chapter 2

213 3 2
                                    

CHAPTER 02 : DRAMMY's POINT OF VIEW ★

"Iyon nga rin ang tanong namin e, pa'no nangyari 'yon?" Sabi ni Vash kay Rainne 

Napatungo si Tyra, nakatingin kasi kaming lahat sa kanya. "Baka naman totoo, baka hindi lang sinabi sa atin nung dalawa." Sabi ni Kerby at napalunok pa, parang sinabi niya lang 'yon para pakalmahin ang paiyak na naming bisita. Kung ako ang tatanungin, kamukhang-kamukha siya ni Bunso, kanina ko pa nga siya gustong yakapin e.

"Tita Alpa.." Sambit ni Tyra, lahat kami'y napatingin sa asawa ko.

"A-Ako? Kilala mo ako?"

Tumango si Tyra. "Kilala niyo po si Shielo?"

"Shielo? Shielo ba kamo? Kilala ko nga 'yon, taga Buenavista?"

Napangiti si Tyra. "Opo, 'yon nga po. Siya po ang nanay ko, siya po ang nagbuntis. Ang kwento niya po sa amin dati e gusto raw po magka-anak ni Mama pero hindi niya kaya dahil sa mga sakit niya, natatakot daw po siya, gusto raw po magka-anak ni Mama para kung sakali nga'ng mawala siya e may makakasama si Papa, nakakalungkot lang po kasi sumunod agad sa kanya si Papa Clefford, hindi ko manlang siya nakilala."

Nilapitan ko siya at niyakap.

"So, may balàt ka rin?" Tanong ni Rainne, mukhang hindi pa siya nakukumbinse sa sinabi ni Tyra.

"Omg! Ate Rainne, sobrang laki ng balàt niya, nasa likod, ipakita mo nga Tyra." Sabi ni Kaley at pinatalikod si Tyra.

Tinulungan siya ni Kaley na itaas ang damit sa likod, lahat kami ay nagulat sa nakita namin. "Hindi pang-karaniwan 'yan, halos masakop na ang lahat ng space sa likod mo." Sabi ni Pian at tumingin sa akin.

"Hindi ba tattoo 'yan?" Muling tanong ni Rainne

"Sabi sa 'yo Tyra e, humanda ka sa mga tanong ni Ate Rainne." Natatawang sambit ni Kaley at bumalik  na sa tabi ng ate niya.

"Hindi po, bakit ko naman po gagawin 'yon?"

"Naka-make up ka ba?" Tanong ulit ni Rainne

"Opo."

"Pwede mo bang tanggalin ngayon? Pasensya na Tyra, may trust issues kasi ako, hindi ako mabilia magtiwala, duda ako sa lahat ng bagay."

"A-Ayos lang po."

"Palagi kasing iniiwan 'yang Tita mo, hindi na tuloy naniniwala hangga't walang proofs."

"Mom, binubuking mo naman ako sa kanilang lahat e. Nagtataka na nalulungkot na nga ako e, ang tanda ko na pero wala pa ring sume-seryoso sa akin, mukhang tatanda na akong mag-isa."

"Baka kasi kung saan-saan ka pa naghahanap ate Rainne, malay mo nasa tabi-tabi lang ang true love mo."

"Naku-naku Kaley, tigilan mo ako, h'wag na nating intindihin ang lovelife ko, itong si Tyra na lang ang kausapin natin baka makakain na tayo, nagugutom na ako."

Nakatalikod pa rin si Tyra, tinutulungan siya ni Lyra na burahin ang make up niya. "Anak, bakit?" Tanong ni Vash ng mapasinghap si Lyra.

"W-Wala Dad, ready na ba kayong makita?" 

"Oo naman ate, ano'ng itsura? Nagbago ba? Kanina kamukha ni Tita Arah, si Tito Clefford na ba ang kamukha ngayon?" Nagtawanan pa sila ni Pia at Kaye.

"Kaley.."

"I'm sorry Dad, I'm just kidding." Nakatungong sambit ni Kaley, siya talaga ang pinaka-pasaway kong pamangkin.

"One, two, three.." Humarap si Tyra sa amin.

Nilapitan ko agad siya at niyakap. "Mas ka-mukha siya ni Bunso kapag walang make up." Sabi ni Vash, sumang-ayon naman ang lahat.

"Pasensya na Tyra, akala ko kasi e make up lang, may mga tutorial kasi ngayon sa YouTube eh, ang galing galing nila manggaya ng mukha, akala ko nga kanina e prosthetics rin katulad ng ginawa dun sa mga patay para mag-mukhang sila Tita Rica at Tito Vash noon."

You're My Missing String [GYTE ARAH "The Guitar Princess"] Book 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon