Chapter 26

112 0 0
                                    

CHAPTER 26 : TYRA's POINT OF VIEW ★

"Dito muna kayo sa sasakyan, ako na muna ang papasok sa bahay nila Kuya, titingnan ko kung gising pa ba sila." Sabi ni Tito Vash, naiwan kaming tatlo sa sasakyan, tahimik lang si Kaley lalo na't titig na titig sa kanya si Gwy.

"‘C-Cous, ganyan ba talaga siya tumingin? Bakit gano'n? Nakakatakot."

"Lahat tinititigan niya kapag inaatake siya, huwag mo lang siya tingnan para hindi ka matakot."

Ilang minuto pa ang lumipas ay lumabas na si Tito Vash kasama si Tita Alpa.

"Bilisan na ninyong pumasok sa kuwarto ninyo at tulog pa ang Tito ninyo, baka magising 'yon, nakatulog na kakahintay sa inyo." Sabi ni Tita Alpa, inalalayan ko si Gwy papasok sa k'warto at tinulungan naman ako ni Tito Vash.

"Babalik na ba ang alaala niya? Gaano katagal siyang mawawala sa sarili niya?" Tanong ni Kaley, curious na curious.

"Papainumin ko lang siya ng gamot tapos pahinga, sana paggising niya bukas ay kilala na niya tayo." Sagot ko, iniabot ko kay Gwy ang mga gamot niya pati na rin ang isang basong tubig.

"Bakit hindi natin siya dalhin sa Doctor?"

"Hindi po p'wede Tito Vash, lalo lang pong mati-trigger, baka po lalo lang lumala kapag na-stress siya."

"Oh, ano'ng tinitingnan niya doon?" Tanong ni Kaley at napahawak pa sa braso ko.

"Picture ni Mama, 'yon ang palagi niyang tinitingnan kapag inaatake siya ng Alzheimer's niya." Sagot ko, kinumutan ko si Gwy pagkahiga niya.

"Magpahinga ka na, bukas may pupuntahan tayo." Sabi ko, as usual hindi siya sumagot.

"Lahat ng naging sakit ni Mama Arah, mayro'n siya." Sabi ko paglabas namin ng kuwarto.

"Pati sa puso?"

"Opo Tito, kaya nga po dito na lang siya sa bahay at ako ang sa Farm."

Inakbayan ako ni Tito. "Hahanap tayo ng magaling na Doctor, gagaling si Gwy, hindi siya matutulad kay Bunso, hindi ko siya pababayaan." Ramdam kong may regrets pa rin si Tito sa nangyari kay Mama. Tumango na lang ako sa sinabi ni Tito Vash kahit sinabi na sa akin ng Doctor na wala na raw tiyansang gumaling pa ang kakambal ko.

"Uuwi na kami." Paalam ni Tito Vash, baka raw magising pa si Tito Drammy at magtanong.

"Mag-iingat po kayo Tito, salamat po."

"Tatawag ako palagi para kumustahin kayo, sabihan ni'yo lang ako at tutulungan ko kayong bumili ng gamot."

"Huwag na po Tito," Pagtanggi ko, "Nakakahiya na po, may mga naitabi pa naman po akong pera para sa mga gamot ni Gwy." Nakakahiyang umasa sa kanila, baka nga hanggang ngayon ay nagdadalawang isip pa sila kung pamangkin ba talaga nila kami o hindi.

Kakaalis lang nila Tito. "Bakit mo naman ginawa 'yon?" Tanong ko kay Gwy pagpasok ko ng kuwarto, alam kong gising pa siya, bigla siyang nagtalukbong ng kumot nang pumasok ako.

"Diskarte ko 'yon." Sabi niya at bumangon.

"Hindi ka manlang ba nahihiya? Ang usapan natin ay walang makaka-alam na may sakit ka dahil lalo kang lumalala, hindi ka na naman ba nag-iisip ha Gwy?!"

"Eh inatake naman talaga ako kanina. At saka bakit ako mahihiya? Pamangkin nila tayo Tyra, dapat lang na tulungan nila tayo."

"Hindi sa lahat ng oras ay kailangan mong huminge ng tulong, tulungan mo kasi ang sarili mo, binibilhan naman kita ng gamot ah."

"Pero hindi bukal sa loob mo."

"Eh kasi nga dapat tinutulungan mo rin ang sarili mo, paano na lang kapag nawala ako ha, Gwy?"

You're My Missing String [GYTE ARAH "The Guitar Princess"] Book 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon