Chapter 19

106 1 0
                                    

CHAPTER 19 : TYRA's POINT OF VIEW ★

"Bakit parang hindi naman maipinta 'yang mukha mo?" Tanong ni Tita Alpa, kasalukuyan akong nagkakape at kakarating ko lang galing sa palengke.

"May mga iniisip lang po ako Tita." Sagot ko

"Si Gwy ba ang iniisip mo? Hayaan mo muna siya, hindi naman 'yon pababayaan nila Lyra."

"Oo nga po pero hindi ko po maiwasang mag-alala lalo na't–"

"Ano? Lalo na't wala na siyang gamot?" Napamaang ako. "Alam kong may sakit si Gwy, medyo hindi normal ang kinikilos niya minsan at nakita ko rin ang mga balat ng gamot sa basurahan ninyo." Napatungo na lang ako. "Ano ba'ng sakit ni Gwy?"

Napabuntong hininga ako. Sasabihin ko kaya?
Alam lang pala niya na may sakit ang kakambal ko pero hindi niya alam kung ano ang mismong sakit. 

Ipinakita ko na lang kay Tita ang mga binili kong gamot. 'Yon nga ang iniisip ko kanina e, paano ko 'to ibibigay sa kanya kung nandoon siya kila Tito Vash? Paano kung bigla siyang atakihin? Hayy..

"May . . . May Alzheimer's din po siya." Sabi ko na ikinagulat ni Tita, nabitawan niya ang pakwan na pinapakain niya kay Clarry.  

"A-Alzheimer?? Yung bang katulad sa Mama ninyo?"

Tumango ako. "Sino'ng nakaka-alam nito?"

"Kami lang pong dalawa, at ikaw. Tita, nakiki-usap po ako, h'wag niyo na pong sasabihin sa kanila, ayoko pong dumagdag pa kami sa mga iniisip ninyo, kaya ko naman pong pagtrabahuhan ang pambili ng mga gamot niya."

Kumuha si Tita Alpa ng tubig at uminom. "Tutulungan ko kayo, magbebenta tayo ng mga p'wedeng ibenta para magkapera. P'wede tayong magtayo dito ng maliit na karinderya o hindi kaya ay sari-sari store, yung mga kikitain natin doon at p'wede nating idagdag sa pambili ng gamot."

Na-touch naman ako sa sinabi ni Tita Alpa, bumabawi na nga silang sa aming magkapatid dahil sa mga nagawa nila noon sa mga magulang namin.

"Marami na po kayong ginagawa Tita, nakakahiya naman po, sapat na po yung pinatira ninyo kami dito at libre pa sa pagkain, pagta-trabahuhan ko na lang po 'yon." Sabi ko, tinapos ko na ang pagkakape para makapag-simula na akong maglaba.

"Basta tutulong ako. May gamot pa ba si Gwy? May dala ba siya?"

Umiling ako. "Yun nga po ang pino-problema ko e, paano kung bigla siyang atakihin?"

"Ang alam ko ay dadaan dito si Vash maya-maya, ipadala mo na lang sa kanya."

"Pero Tita, alam po ni Tito Vash kung para saan ang mga gamot na 'yon."

"Eh 'di gawan natin ng paraan, padalhan mo ng damit ang kapatid mo tapos ibalot mo doon ang mga gamot para hindi makita ni Vash."

Napatango-tango ako.  "Tawagin niyo na lang po ako kapag nandito na si Tito Vash, maglalaba po muna ako." Sabi ko, nagsimula na akong magkusot ng mga maruruming damit namin ni Gwy, mas marami pa 'yong kanya sa mga damit ko.

ELY's POINT OF VIEW ★

"Dito ka ulit matutulog 'tol?" Tanong sa akin ni Joepette, kakatapos lang namin magpakain ng mga kabayo.

"Oo, ako lang, uuwi 'yon si Tiyong Jerry sa bahay, okay naman ako dito r, mas nakakatulog pa nga ako ng maayos dito kaysa sa bahay."

"Nagpaalam ka na ba kay Sir Drammy? H'wag ka na magluluto 'tol, sa bahay ka na lang maghapunan, sasabihin ko kay Nanay Letty na dagdagan niya 'yong lulutuin niya."

"Sige 'tol, salamat." Sabi ko, naglakad ako palapit kay Sir Drammy at umuwi naman si Joepette sa bahay nila.

"Sir."

You're My Missing String [GYTE ARAH "The Guitar Princess"] Book 3Where stories live. Discover now