Chapter 3

195 2 0
                                    

CHAPTER 03 : TYRA's POINT OF VIEW ★

"Wala po bang yayakap sa 'kin d'yan? Ilang oras po tayong magtititigan dito?" Tanong ni Gwy, wala kasing kumikibo, nakatingin lang silang lahat sa kakambal ko.

"Hi." Si Lyra ang unang bumati at yumakap.

"Pasensya ka na, gulat lang talaga sila, hindi makapaniwala." 

Ngumiti lang si Gwy at umakbay sa akin. "It's okay Lyra, kahit sino naman e magugulat kapag nakita kami, look, para tayong triplets, so cool."

Pa-simple kong siniko si Gwy. "Ano ka ba, kalmahan mo lang." Ngumiti siya pero nakataas ang kilay.

"Mabuti pa ay maupo na tayo at kumalma muna, hintayin natin silang mag-kwento at ipaliwanag kung ano ba talaga ang nangyayari." Sabi ni Tito Drammy

"Bago po kami mag-kwento, pwede po bang maki-inom muna?" Tanong ng kakambal ko

"May pagkain pang natira, baka nagugutom ka."

"Talaga Lyra? Gutom na gutom na ako e, pwede ba? Kaninang umaga pa kasi ako hindi kumakain."

Tsk, wala talagang hiya sa katawan 'tong kakambal ko, kailangan ko na yatang ihanda ang sarili ko sa mas maraming pasaway moment ni Gwy.

"Bakit hindi ka kumain? Wala kang pambili?" Tanong ni Kaye

"Wala. Mahirap lang kasi kami, 'yong pera ko ay para sa pamasahe lang kaya hindi na ako kumain, iniwan kasi ako nitong si Tyra e."

Wala talagang pakealam 'tong si Gwy, hindi niya po-problemahin kahit ayaw sa kanya ng tao, i mean, hindi niya iniisip ang sasabihin ng ibang tao basta sasabihin niya ang gusto niyang sabihin.

"Ano'ng trip 'to? Pinaglalaruan niyo ba kami? Magkano ang nagastos niyo para lang maging ka-mukha niyo ang Tita namin?"

Napatigil sa pagkain si Gwy.

Akala ko ba okay na kay Kaley? Bakit parang nag-iba na naman ang isip niya?

"Kaley, hindi kami manloloko, bakit namin gagawin 'yon? Nasa lahi ba natin 'yon? Pasensya na po ha, gano'n po ba ang tingin niyo sa amin? Ganito din ba ang sinabi niyo kay Tyra kanina?" Nilapitan ko si Gwy at pinakalma, ayaw kong masamain ng mga Tito namin ang mga sinabi niya. 

"Kumalma ka nga." Bulong ko

"Bakit ako kakalma e sinasabi ko lang ang gusto kong sabihin Ate?! Masama ba 'yon?"

Napabuntong hininga na lang ako, once na tawagin niya akong Ate, seryoso siya at galit.

"Ang tagal nating hinintay 'to, ang tagal nating hinintay na makilala sila, ang tunay nating pamilya tapos ganito lang ang mararamdaman natin? Tyra, ilang taon tayong nagtiis, hindi ko na talaga alam kung saan tayo pupulutin, ayaw ko ng bumalik sa impiyernong bahay na 'yon!" At hindi na nga na-kontrol ni Gwy ang sarili niya, mahina lang ang boses niya pero sigurado aking rinig nilang lahat ang sinabi ng kakambal ako.

"Kumalma ka nga 'di ba? Inhale, exhale. Gwy, hindi mo sila masisisi, ngayon lang nila tayo nakita hindi nga nila alam na anak tayo ni Mama Arah at Papa Gee, pwede naman nating pag-usapan ng maayos e, pinapairal mo na naman ang init ng ulo mo eh, ilang beses ko bang sasabihin sa 'yo na kumalma ka."

Tumayo si Gwy at humarap kila Tito Drammy. "Pasensya na po, matagal na po kasi nating hinihintay 'to e."

"Naiintindihan naman namin mga iha, hindi niyo maiialis sa amin na magulat at magtaka dahil walang sinabi ang anak ko at si Arah tungkol sa inyo, mauna kayo at pag-uusapan natin 'to." Sabi ni Lola Rose

"Sa susunod na lang po, kapag kalma na ang lahat, maghahanap po muna kami ng matutuluyan namin, nakakahiya naman po kung dito kami makikituloy, awkward po 'yon." Sabi ko at tiningnan lang naman ako ni Gwy.

You're My Missing String [GYTE ARAH "The Guitar Princess"] Book 3Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum