Chapter 24

102 0 0
                                    

CHAPTER 24 : GWY's POINT OF VIEW ★

"Are you sure you're okay, Gwy? Ikukuha kita ng kape if you want." Umiling ako, hindi ako makahinga, kanina ko pa pinipigilang magsalita.

"W-Water.." Hirap kong bigkas, napatingin ako kay Tito Vash, nakatingin siya sa akin.

"Kaley, ikuha mo ng tubig ang pinsan mo." Sabi ni Tito at iniabot ang isang paper bag. "Pinabibigay 'yan sa iyo ng kapatid mo, nakalimutan kong ibigay sa iyo kagabi."

"S-Salamat po." Nakatungo kong sambit, kakaiba kasi ang tingin ni Tito, parang mayro'ng ibig-sabihin.

"Inom ka muna ng tubig Gwy, gusto mo bang samahan kita sa kwarto?" Tumango ako at inalalayan ako ni Kaley papasok sa guest room. "Gusto ko sanang samahan ka magpahinga pero alam kong gusto mong mapag-isa at saka sasamahan ko ngayon si Ate Lyra sa doctor, may check up siya. Okay ka lang ba dito?"

"Goods na goods." Sagot ko at pilit na ngumiti kahit na parang bumabaliktad ang paningin ko.

"Tawagan mo lang ako if you need anything."

"Salamat Kaley."

Pagkalabas ni Kaley ng kwarto ay inilabas ko ang laman ng paper bag,ga damit at . . . gamot?

Hayy, buti naman may gamot, maaasahan din naman talaga si Tyra kahit madalas nakakainis siya.

Pagkainom ko ng gamot ay humiga ako agad sa kama, ang hirap lang talaga matulog kapag inaatake ako ng sakit ko, madalas madaling araw na ako nakakatulog, hirap na hirap kasi ako dalawin ng antok lolo na kapag maraming iniisip.

Nakapikit na ako pero ang daming pumapasok sa isip ko.

Napamulat ako ng marinig kong may kumakatok. "Gwy, Gwy gising ka ba?" Parang boses ni Lola Rose 'yon pero ano namang gagawin nun dito? Siguro si Tita Rica 'yon. "Baka nagugutom ka maraming pagkain sa baba." Hindi akio sumagot, nahihirapan akong ibuka ang bibig ko at pakiramdam ko ay nahihilo ako at unti-unting pumikit ang mga mata ko.

"Subukan mong gisingin."

"Ikaw na Ate, magka-mukha kayo 'di ba?"

Medyo naalimpungatan ako.

Narinig kong bumukas ang pinto.

"Bakit hindi ni'yo pa rin ginigising ang pinsan ninyo? Lyra, Kaley, ilang oras na 'yang natutulog, tiningnan ni'yo ba kung humihinga pa?" Narinig kong tanong ni Tito Vash, bigla akong napabangon, magulo ang buhok ko at medyo amoy laway. Nagmamadali silang tumayo at lumayo sa akin.

"My God cous, ginulat mo naman kami!" Sabi ni Kaley, nakahawak siya sa dibdib niya at mabilis ang paghinga.

"Mapapa-anak ako ng hindi pa oras Gwy, are you okay?" Tanong ni Lyra, nakahawak siya sa tiyan niya.

Tumango ako ng wala sa sarili.

"Sigurado akong gutom ka na, mag-ayos ka na ng sarili mo at sumunod ka na sa amin sa labas, kain na tayo." Sabi ni Tito, tumango ako ulit.

"Lunch?" Tanong ko, nagkatinginan silang tatlo kaya napakunot noo ako.

"Dinner na cous, it's six o'clock, ten hours ka ng natutulog kaya nga nag-decide na kami na gisingin ka, kanina pa kami nag-aalala." Sabi ni Kaley habang inalalayan si Lyra, "Sunod ka na ha, kain na tayo."

Lumabas na sila ng kwarto, pagtingin ko sa cellphone ko, 06:10 na. 

Nag-shower ako saglit bago lumabas ng kwarto, bakit kaya ang tagal ko ng tulog ko? 10 hours, hindi biro 'yon.

"Gwy, halika na, sumabay ka na sa amin." Sabi ni Tita Rica at nilagyan ng pagkain ang plato ko.

"Salamat po." Pagkaupo ko ay napapikit ako ng matagal at pagmulat ko'y nagpalinga-linga ako, naramdaman ko na lang na nakatingin silang lahat sa akin kaya ngumiti ako kahit napipilitan lang.

You're My Missing String [GYTE ARAH "The Guitar Princess"] Book 3Where stories live. Discover now