Chapter 14

131 3 2
                                    

CHAPTER 14 : TYRA's POINT OF VIEW ★

"Gwy, alam mo ba kung sino ang ama ni Enoh?" Tanong ko, ala una na ng madaling araw at matutulog pa lang kami, kakauwi lang nila Tito Pian, hindi sila natulog dito sa bahay nila Tito Drammy dahil may gagawin pa raw sila kinabukasan, nag-bonding lang talaga kami ng ilang oras.

"Hindi ko alam, wala akong balak alamin." Sabi niya sabay talukbong ng kumot.

Kilala kaya ni Kaley? Hmm, I'm sure alam niya, may kakaiba silang kakayahan eh.

"Gwy, Gwy!" Tawag ko pero mukhang tulog na ang kakambal ko, bumangon ako sa pagkakahiga ko at nagtungo sa kusina, hindi ako makatulog, kailangan kong uminom ng maraming tubig. Pagbalik ko sa kwarto ay dumeretso ako sa mga libro ni Mama, magbabasa ako para dalawin ako agad nig antok, may pupuntahan pa naman ako ako bukas na umaga, hayss.

Habang focus na focus ako sa librong binabasa ko ay may napansin ako sa kwento, si Papa Clefford at Tita Alpa? Buenavista?

Mt. Malindig?

Ito yung gusto naming akyatin ni Gwy dati pero ayaw ni Nay Shielo, bakit nga kaya hindi niya kami pinapayagang magpunta dun? Hmm... Hindi kaya doon sila nagtatago ngayon?

"Bakit gising ka pa?"

"AY MT. MALINDIG!!" Nabitawan ko ang librong hawak-hawak ko. "Ano ba Gwy! Bigla bigla ka na lang nagsasalita d'yan, nakakagulat ka!"

"Bakit kasi hindi ka pa natutulog? Ano ba 'yang binabasa mo?"

"Libro ni Mama." Sagot ko at pinulot ang libro, "Hindi ako makatulog."

"Ano 'yong tungkol sa Mt. Malindig?" Tanong niya at naupo sa tabi ko, itinuro ko naman sa kanya ang nabasa ko.

Natawa lang siya at napailing. "Matulog ka na, may pupuntahan ka pa raw bukas hindi ba? Farmer!"

"Nagtanong pa, tsk! Alam ko namang alam mo na ang tungkol dito." Sabi ko at ibinalik ang libro sa lalagyan bago sumunod sa kanya sa higaan. "Gwy, tama ba ako?" Tanong ko habang nakatitig siya sa akin.

"Oo, pero hindi mo 'yan p'wedeng sabihin kay Tito Drammy, may plano na sila kung paano mahuhuli si Rumel. Gusto kong puntahan 'yong kapatid ni Tiarra, may mga gusto akong malaman tungkol sa kanya." Nakangiting sabi ng kakambal ko, ngiting nakakatakot.

"Si Mike, gusto ko siyang puntahan, alam kong makikipag-tulungan siya sa atin kapag nalaman niyang–" Napatigil ako.

"Nalaman niyang ano?"

Nagtatanong pa, alam niya naman ang sinasabi ko. "Nothing, matutulog na ako, good night." Sabi ko at pumikit na. Hindi ko alam kung bakit biglang pumasok sa isip ko anak ni Mike si Enoh, posible ba 'yon? Kung hindi ako nagkakamali e may something dati si Mike at Kaye.

Malapit na magliwanag pero naka-idlip lang ako ng ilang saglit, kapag marami talagang iniisip e ang hirap makatulog ng maayos. 

"Tito, aalis na po ako, sa farm naman po ako ang deretso ko e."

"Hindi ka ba mag-aalmusal muna?"

Umiling ako. "Hindi na po muna, nagkape naman po ako. Nailista mo naman po ang lahat ng bibilhin 'di po ba?"

"Oo. Lahat ng kailangan sa Farm at sa Rancho, magpahatid kayo sa truck, sabihin mo lang ang pangalan ko at isasabay kayo nun." Iniabot ni Tito sa akin ang pera. "Sobra pa naman siguro 'yan, kumuha ka na lang ng pang-meryenda ni’yo."

Napatingin ako sa magkabilang tabi ko. "Ni’yo? Tito, may nakikita po ba kayong hindi ko nakikita?" Kunot noo kong tanong.

"Bakit?"

You're My Missing String [GYTE ARAH "The Guitar Princess"] Book 3Where stories live. Discover now