Chapter 58

117 2 2
                                    

CHAPTER 58 : SOMEONE's POINT OF VIEW ★

One month later.

"Huwag po kayong mag-alala Sir Drammy, kami na po muna ang bahala dito sa Farm habang wala kayo, hinding-hindi po natin ito pababayaan."

"Maraming salamat po Mang Jerry, Aleng Adela.. Pasensya na po kayo, may mga aasikasuhin lang po ako." Sabi ni Drammy

"Wala po iyon, naiintindihan po namin kayo, mas mahalaga talaga ang pamilya kaysa sa anumang ibang bagay." Sabi ni Aleng Adela

"Sasabihan ko na rin po sila Aleng Letty at Mang Nato na tulungan kayo."

"Ay Sir, itatanong ko lang po sana." Sabi ni Aleng Adela at tumingin kay Mang Jerry

"Ano po 'yon?"

"T-Tungkol po sa b-bahay ninyo, nakalipat na po ba kayo?"

Napabuntong hininga si Drammy. "Opo Aleng Adela, mag-iisang linggo na. Masakit mang iwan ang bahay na kinalakihan namin, ang bahay na naipundar ng mga magulang namin pero gano'n po talaga. Marami mang magandang nangyari sa bahay na 'yon, marami ring hindi maganda kaya ibinenta na po namin. Ipinasira na nila ang buong bahay, gagawin na raw nilang isang malaking grocery store. Gano'n po siguro talaga ang buhay, nagkakamali para matuto, kailangan na namang bumalik sa umpisa, ang mahalaga'y bumabangon." May lungkot pa rin sa boses ni Drammy habang nagku-kuwento kahit isang buwan na ang nakakalipas buhat nang sumabog ang kuwarto ng bunso nilang kapatid.

"E tu-tungkol po sa pamang– doon po sa dalawang bata?" Napalunok si Aleng Adela

"U-Umaasa kami na buhay pa sila Aleng Adela, hanggang ngayon hindi ko pa rin mapatawad ang sarili ko. Sa sobrang lakas ng pagsabog baka–" Napailing na lang si Drammy at napatungo.

"Pasensya na po kayo at nagtanong pa ako."

"Wala po iyon Aleng Adela. Si Ely nga po pala?"

"Nasa bahay po, hindi po maiwan-iwan si Eya, madalas umiiyak yung bata, hinahanap ang Mami SB niya."

"Huwag na po muna ninyong papasukin si Ely, bantayan niya na lang po muna si Eya, dadagdagan ko na lang po ang suweldo ninyo. Aalis na po ako Aleng Adela, Mang Jerry, kayo na po ang bahala dito ha. Maraming salamat po." 

Niyakap pa ni Drammy ang mag-asawa bago nagtungo sa bahay nila Mang Nato.

"Sana ay magkaayos na ang mga Musico." Sabi ni Mang Jerry

"Maaayos nila 'yong kung gugustuhin nila. Kahit ano'ng mangyari, ang pamilya ay pamilya." Sagot I Aleng Adela at bumalik na sa pamimitas ng gulay.

"Adela, hindi mo ba sasabihin sa kanila?" Tanong ni Mang Jerry, umiling agad si Aleng Adela.

"Huwag na Jerry, hindi na kailangan." Sagot ni Aleng Adela at ipinagpatuloy na ang pamimitas ng sitaw.

"Handa na po ba talaga kayong makausap si Tito Drammy, Dad?" Tanong ni Kaley kay Vash

"Kailangan anak, gusto natin ng tahimik na buhay hindi ba? Sigurado naman akong may mga rason ang Tito mo, minsan lang talaga hindi siya nag-iisip." Sagot ni Vash sa anak, "Huwag na natin isama ang Ate mo, bawal siyang ma-stress, babantayan na lang siya ni Zack dito."

"Eh sila TitaLola po? Pupunta po ba sila?" Tanong pa ni Kaley

"Hindi anak, sinabihan ko si Rainne na huwag na papuntahin doon ang TitaLola at TitoLolo mo. Nandoon daw sila sa Flower farm ngayon para sariwa ang hangin. Hindi nga raw kumakain ang TitaLola mo dahil sa kakaisip sa sinabi ni Tyra."

"Pero tama si Tyra, Dad. Kung hindi ko lang sana itinago lahat ng nalalaman ko, hindi sana nangyari 'to. Natakot ako eh, natakot akong masira ang pamilya natin, natakot akong hindi paniwalaan. Dad, kasalanan ko 'to."

You're My Missing String [GYTE ARAH "The Guitar Princess"] Book 3Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum