Chapter 10

141 3 0
                                    

CHAPTER 10 : TYRA's POINT OF VIEW ★

"Pasensya na po kayo dito sa pamangkin ko Sir Drammy. Ely, ano ba? Bakit mo siya niyayakap? Nakakahiya sa kanila, naapektuhan ba ang ulo mo dahil sa pagbangga mo? Naka-helmet ka naman ah."

"Ah, doon na tayo mag-usap sa kubo." Sabi ni Tito Drammy, nagpunta silang tatlo sa kubo, sumunod na lang kami ni Gwy.

"Kilala mo 'yon?"

"Hindi, nagulat nga ako nung niyakap niya ako, at bakit nasa kanya ang kwintas ko?"

"Ewan ko sa 'yo, baka binigay mo. Tsk, sana all niyayakap." Mataray na sambit ni Gwy at nauna ng naglakad sa akin para puntahan 'yong lalake.

"Tito, kilala ko siya, kilala niya ako." Pagpupumilit nung lalake pero umiling ako.

"Sabihin mo na lang sa akin kung paano napunta sa 'yo ang kwintas ko, bakit nasa 'yo? Ilang araw ko na 'yang hinahanap e, bigay sa 'kin 'yan ng Papa ko."

"Nakita ko 'to sa bulsa ng jacket ko, at kaya kita niyakap kanina kasi alam kong ikaw 'yong tumulong sa akin, Tyra right? Ako 'yong lalakeng hinatid mo sa hospital nung naaksidente ako sa sementeryo."

"Ikaw pala 'yon? Gusto ko lang sabihin sa 'yo na hindi ka nag-iingat, be careful next time. Pwede mo na bang ibigay sa akin ang kwintas ko?" Ngumiti ang lalake at tinanggal ang suot niyang kwintas, inilahad ko ang kamay ko para ibigay niya sa akin pero lumapit siya sa akin at siya ang naglagay ng kwintas sa leeg ko.

"Salamat Miss Musico sa pagligtas sa pamangkin ko, babawi kami sa inyo, pagbubutihin namin ang pagta-trabaho dito sa farm at sa rancho."

"Wala po 'yon. Salamat sa pagbabalik nitong kwintas ko."

Umalis ako sa Farm para bumalik sa bahay, malapit na mag-tanghali at kukunin ko na ang lunch namin.

"Sakto ang dating mo, kakatapos ko lang magluto ng tinola,ay gulaman pa sa ref. dalhin mo na rin, paghimagas."

"Opo Tita, magpapalit lang po ako ng damit, may jacket po ba kayo d'yan? Pwede po bang humiram?"

"Saglit lang at kukunin ko."

Nagpalit lang ako ng manipis na damit, do-doblehan ko na lang ng jacket para hindi masyadong mainit.

"TITAAAAA!" Sigaw ko, napatakbo si Tita papasok sa kwarto namin.

"Bakit? Ano'ng nangyari?" Hinihingal niyang tanong, napatingin kasi ako sa salamin at hindi ako makapaniwala sa nakita ko.

"Bumalik na nga sa dati ang likod mo, balát na normal na, hindi na pula at lalong hindi na kulay itim, ano'ng ginawa mo?" Napakunot noo ako, hindi ko rin alam kung ano'ng nangyari, kung pa'no bumalik sa dati at bigla akong napahawak sa kwintas ko.

"Baka po dahil dito." Turo ko sa suot kong kwintas.

"Oh, nahanap mo na?"

"Opo. Nandoon pala sa lalakeng tinulungan ko, nahulog daw sa jacket niyang suot, mabuti na lang talaga at naibalik." Sabi ko

"Oo nga, baka kung ano ang mangyari sa likod mo kung hindi naibalik ang kwintas mo. Sige na, bumalik kayo agad bago mag alas singko ha."

"Opo Tita Alpa, aalis na po ako." Isinakay ko sa motor ang lunch namin.

"Thank you Mama, thank you Papa." Sambit ko habang nagmamaneho.

Papasok pa lang ako ng Mango Farm ng mapansin kong parang nagkakagulo sila sa Rancho, may tumatakbong itim na kabayo at may sakay siyang tao tapos hinahabol 'yon nila Tito Drammy, ano'ng nangyayari?

"TYRA! Tyraaa!"

Humahangos na tumatakbo si Gwy palapit sa akin.

"Bakit Gwy? Ano'ng meron?"

You're My Missing String [GYTE ARAH "The Guitar Princess"] Book 3Where stories live. Discover now