Chapter 28

98 1 0
                                    

CHAPTER 28 : SOMEONE's POINT OF VIEW ★

"Ambulansya! Tumawag kayo ng ambulansya!" Sigaw ni Mang Jerry, nagkakagulo na ang mga tao.

"Dada, gumising ka D-Dada!" Nakayakap pa rin si Eya sa Kuya niya, ilang saglit pa'y dumating na ang ambulansya kasunod ang isang police car.

"Ikulong ninyo 'yan!" Sigaw ng mga taong nakasaksi sa pangyayari, hindi na nakatakbo ang gun man dahil kinuyog siya ng mga tao.

"Jerry, pumunta ka na sa Farm at isama mo na si Eya, ako na ang bahala dito sa pamangkin natin." Sabi ni Aleng Adela at nagmamadaling sumakay sa ambulansya.

"Susunod ako sa iyo Adela, iuuwi ko lang itong mga prutas. Hintayin mo ako doon." Sabi ni Aleng Adelyn

"Dada! Dada!" Umiiyak pa rin si Eya ang nagpupumilit na sumakay sa ambulansya.

"Halika na Eya, sa Farm ba tayo." Umiling lang ang bata at pilit na kumakawala sa pagkakahawak ni Mang Jerry.

"Hindi ka p'wede doon anak, magiging okay si Kuya ha. Kailangan nating pumunta sa Farm, puntahan natin si Sir Drammy, ang Ate Tyra mo. Halika na, sige na anak, halika na."

Napilitang sumakay ng tricycle si Eya, mahigpit ang pagkakahawak niya sa upuan dahil halos paliparin na ni Mang Jerry ang tricycle makarating lang agad sa Farm ng mga Musico.

"Kumapit ka ng mabuti ha."

"O-Opo."

Paghinto ng tricycle ay agad na tumakbo papasok ng Farm si Eya, umiiyak. "Sir! Sir Drammy!" Sigaw niya, napahinto ang lahat sa pagtatrabaho at napatingin sa batang tumatakbo.

"Ano'ng nangyari?" Nag-aalalang tanong ni Drammy, kunot noo at nakatingin sa duguang damit ng bata.

"Si Dada! Si Dada po!" Umiiyak nitong sigaw at napayakap na lang kay Drammy.

"Ano po'ng nangyari Mang Jerry?"

"Nabaril po si Ely, Sir. Nasa hospital na po siya ngayon kasama si Adela. Pasensya na po kayo at ngayon lang kami nakarating, dumaan pa kami sa palengke pero 'yon naman ang nangyari." Nakahawak si Mang Jerry sa dibdib habang nagsasalita.

"Tubig, kumuha kayo ng tubig."

Inabutan agad ni Joepette ng tubig si Mang Jerry.

"Eya?" Sambit ni Tyra at bumaba agad sa motorsiklo. Kakarating lang niya ulit sa Farm dahil sinundo niya si Gwy. "Eya?"

"Sleeping beauty!" Patakbong lumapit sa kanya ang bata at yumakap, nagsimula na namang umiyak.

"Ano'ng nangyari? Ano'ng nangyari sa iyo at bakit duguan ang damit mo? Nasaan si Aleng Adela? Nasaan ang Dada mo?" Sunod-sunod na tanong ni Tyra pero hindi na makapagsalita ang bata sa kakaiyak.

"Nabaril si Ely." Sambit ni Mang Jerry at nagkatinginan ang magkapatid.

"Ano po? Bakit? Saan? Sino ang bumaril?" Tanong ulit ni Tyra, "Puntahan natin siya."

"Kailangan ka dito 'di ba? Ako na lang ang sasama sa kanila." Sabi ni Gwy at tumingin kay Drammy

"Sasamahan na kita Miss Gwy, kung ayos lang kay Sir."

"Sige Joepette, mauna na kayo ni Gwy sa hospital, gamitin mo na 'yong motor mo at ako ang gagamit ng tricycle para ihatid sa hospital si Mang Jerry, susunod kami agad. Tyra, dito ka na lang muna, ikaw na muna ang bahala sa kanila dito."

"O-Opo Tito, ako na po ang bahala dito at kay Eya. "Tawagan po ninyo ako agad kapag may resulta na." Napatingin si Gwy kay Tyra, "P-Para kay Eya, para hindi na siya mag-alala sa Dada niya, mag-iingat po kayo."

You're My Missing String [GYTE ARAH "The Guitar Princess"] Book 3Where stories live. Discover now