Chapter 12

131 1 0
                                    

CHAPTER 12 : ELY's POINT OF VIEW ★

"Dada, gising na po, tanghali na." Narinig kong tawag sa akin ni Eya at pilit na hinihila ang kamay ko.

"Maya-maya, five minutes."

"Lalamig na po 'yong kape."

"Saglit lang."

"Nandito na po ang Tito ni Ateng sleeping beauty."

"Maaga pa, alas osto pa 'yon pumapasok." Sabi ko, ang sarap pa matulog, hindi kaso ako nakatulog agad kagabi.

"Ely, bangon na."

Si Tyra ba 'yon? Bigla akong napamulat kahit balot na balot pa ako sa kumot.

"Lalamig na ang kape, ipinagtimpla kita kasi akala ko gising ka na."

Bumangon ako agad. "Gising ako." Sabi ko, narinig kong nagtatawanan sila ni Eya paglabas ko.

"Ano'ng nakakatawa?"

"Dada, maghilamos ka po muna, alam mo bang kanina pa si T'yong Jerry sa Rancho? Nanganak na po 'yong dalawang kabayo."

"Eh bakit hindi mo ako ginising?"

"Kanina ka pa po namin ginigising Dada pero humihilik pa po kayo e. Nagpuyat ka na naman kagabi 'no? Sino'ng kinantahan mo?"

Napatigil ako sa paghihilamos. "Eya, inumin mo na 'yang gatas mo. Nasaan na si Tiyang Adela?"

"Kasama po ni T'yong, maya-maya pa raw po kami uuwi kasi nagluto naman na siya dito ng agahan natin." Sabi ng kapatid ko na nakaupo pa kay Tyra kahit ang laki laki naman upuan.

"Salamat dito sa kape." Sabi ko at ngumiti lang si Tyra.

"H'wag ka munang magtrabaho ngayon, ako na lang ang gagawa ng trabaho mo, nagpaalam naman ako kay Tito, siguro naman nabasa niya ang text ko. Pagalingin mo muna 'yang braso mo, tingnan mo oh namamaga pa."

"Kaya ko na."

"Alam ko pero pagalingin mo muna 'yan, kapag lumala 'yan, paano ang kapatid mo? Baka sabihin ng ibang tao e pinababayaan ka namin dito sa Rancho, ang kaligtasan ngga trabahador ang mas importante Mr. Bacalso so h'wag ka na makulet. By the way, pupuntahan ko muna 'yong mga kabayo, hinintay ko lang talaga na magising ka para may kasama si Dahlia." Sabi niya at tumayo na, nag apir pa sila ni Eya bago siya naglakad papunta sa mga kabayo.

"Kumain ka na ba Eya? Kain na tayo."

"Kumain na po ako Dada, sabay po kami ni Ateng sleeping beauty kanina."

"Bakit wala ka sa tabi namin kanina?" Tanong ko habang kumukuha ng kanin.

"Eh kasi Dada naiihi na po ako tapos ginigising kita pero tulog na tulog ka, nahihiya naman po akong gisingin si Ateng sleeping beauty kaya pumunta na lang po ako kay T'yang Adela tapos doon na po ako natulog sa tabi nila." Sagot ng kapatid ko, ang daldal daldal na talaga niya, may ibang word lang na nabubulol siya.

"Eh bakit naman sleeping beauty ang tawag mo kay Miss Tyra?"

"Eh kasi po natutulog siya nung una ko siyang nakita. Kung naglalangoy siya e 'di Ariel ang tawag ko sa kanya o kaya kapag kumakain ng apple e 'di si Snow white siya pero paborito ko si Jasmine, gusto kong lumipad Dada."

"Ikaw talaga, puro ka kalokohan. Halika nga dito at nanghihina ako."

"Gusto mo ng power kiss Dada?" Tanong niya at tumango ako kaya paulit-ulit niya akong hinalikan sa pisnge. "Ayan, full charge ka na ulit."

"Ely, Eya! Ligpitin niyo na Ang mga gamit d'yan at uuwi na tayo."

"T'yang, dito lang ako, kaya ko naman pong magpakain ng mga kabayo e."

You're My Missing String [GYTE ARAH "The Guitar Princess"] Book 3Where stories live. Discover now