iv . Destiny

38.7K 667 2
                                    

Napaka ganda ng tanawin dito. It was so peaceful. Nakakuha ako ng magandang pwesto na makikita ang taal. Pumikit ako at linanghap ang napaka sariwang hangin.

Good choice na dito ko napili mag sulat.

"Camille?" napadilat ako at napatingin sa tumawag sa akin. 

Napaawang ang labi ko dahil sa gulat. Nakita ko si abigail kaya lumapit ako sakanya.

"What a small world, anong ginagawa mo dito?" napatango ako, napaka liit nga ng mundo. 

Nandito kaya si Sir Francis? Nakita niya na kaya yung sinulat ko tungkol sakanya?

Malaman hindi naman niya titignan 'yon. Napaka busy niya para mag basa ng isang column.

"Oo nga no? Ang liit ng mundo para magkita tayo dito. Actually nandito ako kasi tinatapos ko yung libro ko, tutulungan daw ako ng Mountain Publishing Company" sabi ko at kita ko ang pagsaya sa ekspresyon niya.

"Oh my gosh, Congratulations!" sabi niya at yinakap ako. 

Yinakap ko din naman siya at napatingin sa relo ko.

"Ikaw anong ginagawa mo dito?" tanong ko sakanya tsaka inipit ang buhok ko.

"May business meeting kasi si Sir Francis dito" sagot niya at napanganga naman ako. 

Business meeting? Dito pa talaga sa tagaytay?

Ibang klase!

"Kakaiba talaga yang mga boss mo no. Una sa barko ngayon Tagaytay." sabi ko at natawa naman siya. 

"Syempre.. mayaman sila. Kahit saan nila gusto mag business meeting pwede. Dati nga lumipad pa kami ng ibang bansa para lang sa business meeting" sabi niya kaya lalo akong napanganga.. kung may ilalaki pa ang bibig ko. Napatingin ako sa orasan.

"Sige kailangan ko ng ituloy tong story ko. Dapat kasi mamayang 2pm, tapos na ako sa chapter na to" sabi ko sakanya at tumango naman siya.

Hinintay ko siyang makalayo bago ko sinimulan ang pagsulat. Kailangan ko kasing mag internalize ng maayos.


Tinuloy ko na ang ginagawa ko. Nangyari ang lahat ayon sa plano ko, by two pm natapos ako sa sinusulat ko. Pumunta muna ako sa restaurant para kumain.

"Camille" napalingon ako at nakita ko ang pinsan ni Francis Salazar, si Abigail at si Francis Salazar. 

Napatayo ako dahil lumapit sila sa akin. Naging concious naman ako sa tingin ni Francis Salazar sa akin. Hindi niya ba nagustuhan yung sinulat ko?

Bakit ang liit ata ng Tagaytay para makita ko sila dito. 

Hindi ko talaga alam kung dapat ko bang ikatuwa ang lahat ng ito o hindi.

"Hi.. nice to see you here" sabi ko nalang dahil wala akong masabi. 

Nakita ko namang hawak hawak ng pinsan ni Francis Salazar ang kamay ni Abigail at mukhang hindi nagugustuhan ni Abigail yun.. mukhang may something.

"Abigail told us about your new book. Congratulations." sabi nung pinsan ni Francis Salazar. 

Tumango naman ako at ngumiti.

Masama bang hilingin na umalis nalang sila at mag patuloy sa kailangan nilang gawin.

"Thank you" sabi ko dahil ayoko ng pahabain to. 

Wala sa plano ko ang makita sila dito at wala sa plano ko na titigan ako ni Francis Salazar ng hindi ko maintindihan kung anong ibig sabihin.

"Nakita rin namin yung sinulat mo about kay Francis. It was so wonderful! Right, Francis?" sabi niya at tumingin silang dalawa ni Abigail kay Francis Salazar.

Ngumiti naman siya at tumango. Ang laki ng pagkakaiba niya sa pinsan niya. Napabuntong hininga ako dahil doon. Atleast nagustuhan naman pala niya kahit papaano.

"Okay we need to eat. Enjoy Camille." sabi niya sa akin at tumango naman ako. Hinila niya na si Abigail, akala ko ay susunod si Francis Salazar sakanila pero nagulat ako nung umupo siya sa harapan ko.

Kumunot ang noo ko at tinitigan siya habang prenteng nakaupo sa harap ko.

"Sir.. anong ginagawa niyo?" tanong ko pero nag kibit balikat lang siya. 

Ayoko nito.. wala sa plano ko ang makasama siya today o makasama siya sa pagkain.

"I need to eat. I won't be able to eat if the two people I am with, are having a lovers quarrel." kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Napaupo din ako sa upuan ko.

"Merong something sakanila? I mean sila ba? Wow.. so bakit sila nag aaway? Dahil sayo no?" sunod sunod na tanong ko. 

Ngumisi naman siya sa tanong ko.

"You really sound like a reporter right now. Don't ask questions.. I am not in the right place to answer them" sabi niya sa akin at tumango naman ako. Nag order naman siya.

"Bakit ka pala mag isa pumunta dito? Can you really travel by yourself? I mean you are a girl somehow even though you don't act like one" napakunot ang noo ko sa sinabi niya. 

Anong akala niya sa akin lalaki? May saltik talaga tong lalaking to.

Parati nalang pang-iinsulto ang aabutin ko dito.

"Pakielam mo ba! Buhay ko to. Wala akong utang na sagot sayo para sagutin yang mga tanong mo." hindi ko naiwasan na tarayan siya sa mga tanong niya. 

Nakita ko naman na pinipigilan niyang tumawa. Napatingin ako sa orasan ko at nakita kong oras na para isulat ang susunod kong chapter. Bwisit! Hindi pa ako nakakakain! Bahala na, kailangan kong masunod ang plano ko para matapos ang sinusulat ko. Tumayo na ako at aalis na sana pero hinawakan niya ako sa kamay ko.

"Where are you going?" inalis ko agad ang kamay ko sa pagkakahawak niya. 

Sobrang pakielamero naman nito ngayon.

Matalim ko siyang tinignan at kita ko ang pagka mangha sakanya. Don't tell me, natutuwa pa siya sa mga nangyayari?

"Wala sa plano ko ang makipag kwentuhan sayo kaya hindi ako nakakain. Kailangan ko ng magsulat"sabi ko at aalis na sana pero hinawakan niya ako ulit.

"You do have many plans but you need to eat or else you'll get sick"sabi niya sa akin pero umiling ako. Hindi ko hahayaan na guluhin niya ulit ang mga plano ko.

Once is enough, twice is too much, thrice will be the death of me.

"No..Okay lang ako. I am healthy" sabi ko at umalis na. 

Binalikan ko ang pwesto ko kanina. Nag simula na akong magsulat ulit, dahil siguro sa sobrang seryoso ko sa pagsusulat ay hindi ko na namalayan ang gutom ko.

Napatingin ako sa orasan ko at five pm na, dumidilim na rin. Babalik na muna ako para mag dinner. Pagkatayo ko ay bigla akong nahilo.. kailangan ko na talagang kumain. Bukas naman ang ibang chapters. 

Pwede na 'to.. sa ngayon, kakain muna ako.

Para makapunta sa pagkakainan ko ay kailangan kong lakasan ang loob ko at kayanin ang paghihilo ko. Umiikot na ang paligid ko at hindi maganda 'to.

Nung makapasok na ako sa hotel ay hindi ko na talaga kaya. Sinubukan kong maglakad pero hindi ko na talaga kaya. Napapikit na rin ako at bumigay na.

"Hey Camille! Wake up" yun lang ang huli kong narinig bago ako tuluyang bumigay sa sobrang hilo ko.

ReverseWhere stories live. Discover now