xiii . Jealous

25.7K 466 3
                                    

I was looking at the mountain from my place. Mt. Arayat.. this place has a really good view. Natatakpan pa ng mga ulap ang ibang parte ng mountain. It was really breathtaking.

Narinig ko pa ang ibang staff na pupunta sa Walking Street? I hope I heard it right. Ano kaya yun? Mukhang excited na excited sila. I hope next time.. I can go there.

Nakaka tatlong chapters na rin ako sa paghihintay. Hindi rin naman ako nagugutom dahil pasok ng pasok ang pagkain sa suite. Mukhang pinangoorder ako ni dad.

Last chapter nalang niyan bago matapos ito. Hindi ko muna ito masulat kasi gusto ko isang araw ang ilahad ko sa last chapter na ito. Gusto ko itong paghandaan dahil ito ang mag papatupad sa pangarap ko.

Sinarado ko ang notebook ko at tinext si nanay.

'Nay! Goodafternoon! Wag kang magpakapagod ah. Punta ako diyan ng sabado. Loveyou nay'

Tinext ko rin si mommy dahil mga katulong lang ang kasama niya.

'Mommy.. Goodafternoon! Kain po kayo ah? Text ko po kayo pag pauwi na po kami ni daddy. Loveyou mommy'

Lumabas ako para puntahan si daddy. Buti nalang at nasa gilid lang siya. Sumilay ang ngiti sakanya nung makita niya ako.

"Are you done?" tanong niya sa akin nung makalapit ako.

Tumango ako. "Yes dad, by the way.. pwede po bang lumabas ako? Mall lang po" tanong ko sakanya. Tumango naman si daddy at aalis na sana ako pero may sumabat sakin.

"Who is this beautiful young girl, James?" napatingin ako at isang medyo matanda ang nag tanong. May mga lumapit din sa aming matatanda. Mukhang mga ka negosyo ni dad to.

"Ipapakilala ko sana siya sa birthday niya. Next week but siguro maganda na rin na makilala niyo siya. Ladies and Gentlemen.. this is my long lost daughter. Camille White" tumaas ang balahibo ko nung sinabi niya yun. 

Camille White.. nakakapanibago.

"Wow.. your wife looks like her but she got your eyes." natawa naman si daddy sa sinabi nung isang matanda doon.

"Tito James!" may lumapit sa amin na medyo mukhang kaedad ko lang o mas matanda siguro ng konti sa amin. May itsura naman siya.. may dimples siya. Mukha siyang approachable.

"Miguel, How are you?"tanong ni dad ng maharap niya si Miguel.

"Okay lang po.. Can I dance with your daughter?" nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Napatingin ako sa suot ko.. ako sasayaw ng nakaganito.

"Hindi ako ang dapat mong tanungin niyan. Do you want to dance Camille?"bumaling sakin si daddy. Hindi ko alam ang isasagot ko. Pero nakakahiya namang tumanggi kaya tumango ako.

Inilahad niya ang kamay niya sa akin at dinala ako sa dance floor. Humawak siya sa bewang ko at inilagay ang kamay ko sa balikat niya.

Napakagat ako sa labi ko.

"Hindi ba weird? Ganito yung suot ko? Hindi ka nahihiya?"sunod sunod na tanong ko. Kumunot naman ang noo niya at ngumiti. Kitang kita nanaman ang dimples niya.

"No.. mas maganda ka pa sa mga babaeng naka ayos dito" napayuko naman ako sa sagot niya. 

Ang daming bolero dito.. Napatingin ako sa likod ni Miguel at nakita ko ang mukhang galit na galit na si Francis. 

Umiwas ako ng tingin.

"Buti sumama ka sa daddy mo dito?" napabaling ulit ang tingin ko kay Miguel. 

Nagulat ako nung sobrang lapit ng mukha niya. Linayo ko naman ang mukha ko sakanya.

"Nagsusulat ako ng libro. Makakatulong kasi kung maganda yun lugar. Nakakakuha ako ng inspirasyon" saad ko sabay ngiti at tumango naman siya.

"Ang weird talaga.. nahihiya ako" napayuko ako. 

Hindi mapigilan mahiya lalo na at nakatingin sakin ang mga tao. Narinig ko naman siyang humalakhak. Nagtaas ako ng tingin at tinignan siya.

"Don't be shy. Kanina ko pa sila naririnig na pinupuri ka. They are just jealous because I am dancing with you." napangiti naman ako sa sinabi niya. 

May lumapit sa amin na isang lalaki at binulungan si Miguel. Tumango si Miguel at bumaling na sakin.

"My dad is calling me. I hope we can meet again" tumango ako at inilahad niya ang braso niya sa akin. 

Kinuha ko iyon at inalis niya ako sa dance floor.

"Thank you Miguel" tumango lang siya at umalis na. 

Pumunta ako sa labas at hinanap si Mang Delfie. Nasaan ba ang kotse namin dito? Ang dami naman kasi..

Lumayo pa ako sa parking lot hanggang nasa dulo na ako. Babalik na nga lang ako.

Nagulat ako pagkatalikod ko ay inis na inis na Francis ang nakita ko.

"A-anong g-ginagawa m-mo dito?" urg! bakit nauutal ako?

Wala naman akong ginagawang masama..

"What are you doing with Miguel?" napataas naman ang kilay ko sa tanong niya.

"Sumayaw lang kami. Wait why do I need to explain?" ngumisi siya at lumapit sa akin.

Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas ng loob na 'yon. Umatras ako pero patuloy siyang luampit. Hinapit niya ang bewang ko kaya napasinghap ako.

"You don't know him. Urg! This is frustrating me! Basta.. wag ka ng lalapit don or kahit kanino na lalaki diyan" kumunot ang noo ko sa sinabi niya. 

Nag seselos ba siya?

"Hindi naman pwede iyon. You don't have the right to tell me that Francis-" 

Hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil linapit niya ang mukha niya sa akin at marahang dinampi ang labi niya sa labi ko. Tinignan niya ako sa mata.

"You're mine" napasinghap ako nung sabihin niya iyon.

Dumampi ulit ang labi niya sa labi ko pero agad din niya iyong inalis. Para bang nanunukso. Napakagat ako pang ibabang labi ko.

"I am jealous.. I am extremely jealous. I want to tell them that you're mine but I don't have the right" napapikit ako. 

Tama ba ito? Tama bang ituloy ko ang nararamdaman ko?

Tinignan ko siya at nakita ko ang sobrang frustration. Hinawakan ko ang mukha niya kaya medyo lumambot ang tingin niya sa akin.

"You don't need to. Ikaw lang naman nakakahawak sakin ng ganito diba?" ngumiti ako at mukhang nagulat siya sa sinabi ko.

Huminga ako ng malalim.

"You are really making me crazy Camille" napangiti siya at ipinagdikit niya ang labi namin.

Marahan niya itong idinadampi sa akin kaya napahawak ako sa batok niya. Unti unti akong napapikit. Bawat halik niya sa akin ay nanglalambot ang mga tuhod ko. Naramdaman niya siguro yon kaya lalo niya pang idinikit ang katawan niya sa akin.

Sinagot ko ang bawat halik niya sa akin. Sobrang banayad nito na para akong lumulutang sa bisig niya.

Humiwalay siya sa akin at ngumiti.

"I like you" napangiti ako sa sinabi niya.

ReverseWhere stories live. Discover now