xxvii . Real Feelings

23.8K 403 9
                                    

"Are you hungry? Pwede naman tayong mag padeliever. Medyo magulo ang condo ko ngayon.. I didn't have the time to clean but you will not clean. I will not allow my woman cleaning my condo." pinipigilan kong matawa sakanya.

Hindi kasi siya ganito eh, though gusto ko to. Pinapakita niya sa akin yung totoong siya.

"No, kakakain ko lang. Hindi ka ba papasok sa office?" tanong ko habang hila hila niya ako papasok sa kwarto niya.

"Nope I won't lalo na at kababalik mo lang" ngumiti siya at nag phone call.

"Yes.. pizza. All meat pizza." mukhang nag order siya ng pizza.

Umupo ako sa kama niya at humiga doon. Tignan mo tong lalaking to. Sobrang lalim ng boses at sobrang sungit pag iba ang kausap. Napailing nalang ako.

Napapikit ako.. kahit nakapagpahinga ako kagabi medyo nahirapan pa rin ako makatulog dahil naalala ko yung nangyari. Pero ngayon.. habang nakahiga ako sa kama niya at nararamdaman ko ang lambot nito sa likod ko, idagdag pa ang amoy ni Francis na nanunuot dito. Talagang gumaan ang pakiramdam ko. Feeling ko ang layo layo ko sa kapahamakan. Funny when the last time I check, the man with me now is also dangerous.

Lumambot ang puso ko nang maradaman kong yinakap niya ako. Linapit niya ako lalo sakanya. Parang ayaw na ayaw niya akong makawala sa pagkakahawak niya. Ginantihan ko naman siya ng yakap.

"You scared me.. you got me really really scared, Camille." napadilat ako sa sinabi niya.

Inilagay ko ang kamay ko sa mukha niya at hinaplos iyon. Napangiti ako.. it's real. I am really with him. Hindi ko minsan mapigilan isipin na baka panaginip lang lahat 'to at baka magising akong nasa teritory pa rin ako ng mga Monteverde.

"I am sorry" yun nalang ang nasabi ko.

He stared at me. Tinitigan ko din siya at may naramdaman ako sa puso ko. I want to ask him something..

"Hindi mo ba ako tatanungin kung ginalaw niya ako?" lakas loob kong tanong sakanya.

Tutal alam naman ng mga nasa paligid ko kung bakit ako gustong gusto makuha ni Adam. Kahit natatakot ako sa isasagot niya kailangan ko itong maialis sa sistema ko.

"Actually, the funny thing is. Last night habang iniisip ko na baka nagalaw ka na niya.. Naisip ko na wala na akong pakielam kung galawin ka niya. Basta bumalik ka lang sakin at sabihing mahal mo pa rin ako, wala akong pakielam." uminit ang mga mata ko sa sinabi niya.

How can this man say this things to me.. It's too good to be true.

"Pero gusto kong malaman mo na. No he didn't.. hindi niya ginawa" pabulong kong sinabi.

Naramdaman kong lalo niyang hinigpitan ang yakap sakin.

"I know.. the moment I saw you again. Purity and virginity is shouting all over the place and if he did.. I'll still accept you. I don't know why but that is my decision." humalakhak pa siya sa sinabi niya.

Ka-cornihan kasi eh. Namula naman ako sa sinabi niya. Ipinatong ko ang ulo ko sa dibdib niya.

"Can you hear it?" tanong niya sa akin.

"What?"

"My heart?" nataawa naman ako.

How can this man be so corny and sweet at the same time?

"Yup.. mine too" sabi ko at tumingala ulit para makaharap siya.

Hinaplos ko ulit ang mukha niya. Napakagwapo talaga ng lalaking ito. Kaya hindi na ako nagtataka na ang mga babae mismo ang nagbabato ng kanilang sarili sakanya. Pero nakakairita parin sila.

ReverseWhere stories live. Discover now