v . Makes me laugh

37.4K 651 8
                                    

Unti unti akong napadilat.. pero gusto ka na ulit pumikit nung makita ko kung sino ang nasa harapan ko. 

Bumalikwas ako ng upo.

"Anong nangyari? Anong ginagawa ko dito?" napatingin ako sa orasan ko habang tinatanong ko yun sakanya.

Pag nakakasalubong ko ang lalaking 'to. Laging may masamang nangyayari.

"Nahimatay ka." inayos ko ang sarili ko at tumayo. Nakaramdam ako ng kaunting hilo pero mas kaya ko na kay'sa kanina.

Akmang aalis na pero pinigilan niya ako. Liningon ko siya at tinaasan ng kilay.

"You need to eat" umiling ako. Ang dami ko pang kailangan gawin.

"Ang dami ko pang gagawin and besides, sarado na niyan yun restaurant. Thank you nalang sa tulong mo"

May mga snacks naman ako sa kwarto ko, tumalikod na ako pero talagang mahigpit ang pagkakahawak niya sa akin. 

"Wag mo na akong alalahanin. Kaya ko ang sarili ko" parang wala siyang naririning sa mga sinasabi ko.

Hinila niya ako palabas ng kwarto niya at tinungo ang restaurant sa ground floor.

Pumasok kami sa restaurant kahit nakalagay sa harap na close na. Kapangyarihan nga naman. Pumasok siya sa loob ng kitchen don kaya sumama ako.

"Magluluto ka?!" hindi ako makapaniwala! 

Magluluto siya?!

"Wait for the food, mabilis lang to." napatango nalang ako.. this guy is really full of surprises.

Mukhang magugulo nanaman ang plans ko dahil sakanya. Ano bang meron sakanya at laging nagugulo ang buhay ko.

Nakatingin lang ako sakanya habang nagluluto siya. Gwapo naman siya, medyo magaspang lang ang ugali. Siguro dahil mayaman siya, at isa pa, napansin kong gusto niya laging nasuusunod ang mga utos niya. Halos lahat ng lumalabas sa bibig niya ay utos.

"Like what you see?" sabi niya sakin sabay ngisi. Umiwas naman ako ng tingin.

"Ang kapal mo rin no?"sabi ko at sinamaan siya ng tingin. Okay na sana siya, wag lang siyang magsasalita.

"Sabi mo kanina.. you won't eat dahil wala sa plano mo ang makipagusap sa akin. I notice that you always have plans, like everything you do is planned" napatingin naman ako sa hinahain niya sa akin. Ang dami niyang sinasabi. Akala ko hindi siya mapagsalita.

"Oo naman! Nakaplano na ang lahat sa akin. I make sure na lahat organisado, lahat nasa ayos. Bawat oras ay mahalaga sakin."umiling naman siya at umupo sa harapan ko. 

Kumuha ako ng tinidor at kinain na ang pasta na hinain niya sakin.

"Isn't that bad? You are putting limitations in everything you do"

Naisip ko na rin yon dati pero sa lahat ng pinagdaanan ko sa buhay ay dapat lang na iplano ko na ang buhay ko.

"Kaming mahihirap ay walang karapatan na magsayang ng oras. Bawat minuto at bawat oras ay dapat ibigay ang makakaya namin kung hindi ay hindi kami mabubuhay." natulala siya sa sinabi ko. Natamaan siguro sa mga sinabi ko. Mayaman kasi eh.

"Pero alam mo.. Sa buong buhay ko, dalawang beses palang nasira ang mga plano ko. Isang beses nung ininterview kita at natulog ako sa barko mo at pangalawa naman ay yung ngayon. Lahat ay dahil ata sayo" sabi ko at natawa. Tumawa din naman siya. 

For the first time ay tumawa siya sa harapan ko. Naubos ko na rin ang hinanda niya sa akin.

"Maraming salamat!" tumayo na ako at tumayo rin siya. 

Lumabas na kami don at pumasok ang mga alipores niya don.. para siguro mag linis. Wala na rin masyadong mga tao sa lobby.

"Maraming salamat talaga. Kahit nasira ang mga plano ko.. its not really that bad"nagulat ako nung yakapin niya ako.

Nag pasalamat lang ako ay gusto na nga niya akong yakapin?

"Uy! Tsansing ka ah!" tinakpan niya ang bibig ko.

Kumabog ng sobra ang puso ko. Sandali, bakit ganito ang nararamdaman ko?

"There are paparazzi. Don't worry, they won't see your face" napatango ako sa sinabi niya. 

Sikat nga pala siya. Nakita ko ang mga alipores niya na kinuha ang mga paparazzi. Binitawan niya ako at nagmadali ako pumasok sa kwarto ko.

Nakalimutan ko kung sino ang kasama ko.. isang mayaman na sinusundan ng lahat. Magugulo ang buhay ko kung may makakakitang kasama ko siya. 

Kailangan ko na sigurong iwasan ang presensya niya.


Nagsusulat ako sa may dulo ng restaurant. Glass window kasi to kaya tanaw ang labas. Napatingin ako sa harap ko nung umupo si Abigail. Kumunot ang noo ko pero nagawa ko pa rin ngumiti.

"Kumusta ka na? Ayus ka na ba?" tanong niya sa akin.

Ngumiti ako at tumango.

"Mabuti naman.. Isa sa mga boss namin ay may inuutos sa akin. Pinapa imbestigahan ka" natigilan ako sa sinabi niya. Nabitawan ko ang ballpen na hawak ko.

Dahil ba to kay Francis Salazar?

"B-bakit daw?"nauutal kong tanong sakanya. Sinara ko ang notebook ko at mataman siyang tinignan.

"I don't really know but if I don't know you, iisipin ko na dahil anak ka nila. you really look like them, lalo na yung anak nila si Ms. Caly White kamukhang kamukha mo siya medyo mas kamukha lang niya yung daddy niya pero mas kamukha mo si Mrs. Ailee eh." napakunot ang noo ko. 

Wala man akong naiintindihan sa mga sinasabi niya.

Kailangan ko na talaga silang layuan. Nagugulo lang ang buhay ko sakanila.

"Oras na, kailangan ko ng umalis. Thank you sa pag aalala Abigail" tumakbo ako agad at lumabas ng restaurant pero may nakabangga ako.

"Sorry po" aalis na sana ako pero hinawakan ako sa kamay. Sigurado ako si Francis to.. mas lalong kailangan kong umalis.

"Are you okay? Saan ka pupunta?" umiling ako at tumakbo. 

Kasalanan ko to.. kung hindi ako nakikipagusap sa strangers, hindi sana mangyayari to. Kung hindi ko sana hinahayaan ang sarili kong makasalamuha siya, hindi mangyayari 'to.

May nakabangga ulit ako. Urg! Ang clumsy ko talaga! May nagtayo sa akin mula sa likod at alam kong si Francis Salazar ulit ito dahil sa ibang klaseng pakiramdam na nararamdaman ko tuwing nasa malapit lang siya.

"Are you okay?" tanong niya sa akin pero hindi parin ako nagtataas ng paningin. 

"I am really sorry Mr. and Mrs. White" Narinig kong wika ni Francis. Ako naman ay nag bow at tumingin sakanila. Nakita ko ang pagkagulat sa mga mata nila.

Napatingin ako dun sa babae. Parang nakita ko na siya.. tuwing tumitingin ako sa salamin. Well mas maganda lang siya sakin kasi mukhang mayaman talaga ang dating niya. 

Napaawang ang labi ko nang bigla siyang lumuha. Lumapit siya unti-unti sa akin. Hindi ko alam ang gagawin ko, tatakbo ba ako o hindi. Tuluyan na siyang bumigay nang mayakap ako.

"My daughter.. I was looking for you for seventeen years. Nakita na rin kita" nagulat ako sa sinabi niya. 

Nananaginip ba ako?! Napatingin ako sa lalaking kasama niya at nakangiti ito.

Ang sinasabi ba niya ay.. hindi ako anak ng nanay ko?

Nababangungot ba ako?

ReverseWhere stories live. Discover now