xxix . Unfair

21.6K 405 2
                                    

"Camille. Kain lang kami ng daddy mo sa labas. You want me to buy something for you?" Umiling ako sa tanong ni mommy.

Hindi pa naman ako gutom.

"Ako na pong bahala dito" sabi ko at hinatid sila sa pintuan.

Sinara ko ito nang makalabas sila at mariing pumikit dahil sa antok na nararamdaman ko.

"Camille?" Tumingin ako kay Caly at mabilis siyang pinuntahan nung tinawag niya ako.

"You need something?" Tanong ko pero umiling siya.

"Im gonna sleep. Can you wake me up when Zicko arrives?"

Ngumiti ako at tumango. Tinulungan ko siyang umayos sa higaan niya.

Nang medyo nakaidlip na siya ay may kumatok. Dali dali ko naman itong binuksan ata mabilis na lumawak ang aking ngiti.

It's Francis.

"Hey.." Bati niya at mukhang pagod na pagod. Hinawakan ko ang kamay niya at hinila siya para makaupo kami.

"Dapat hindi ka na pumunta. Pagod na pagod ka ata." sabi ko habang pinagmamasdan siya.

Tumango ito at humiga sa kandungan ko. Hinaplos haplos ko naman ang mukha niya. Hinawakan niya ang kamay ko. Sobrang higpit non. Kumunot ang noo ko dahil may pakiramdam ako na para bang may problema siya.

"May problema ka ba?" Tanong ko pero hindi siya umimik. Matagal siyang nakatitig sa akin at nakahawak sa kamay ko.

Silence means yes, hindi lagi pero sa pagkakataong 'to alam kong yes ang ibig sabihin nito. Kung may isa pa akong kinakatakutan sa mundo, 'yon ang pagiging tahimik ng mga tao sa paligid ko.

Silence scares me.

"I love you so much.. Ikaw lang, wala ng iba. Ikaw lang talaga Camille. I won't get married kung hindi din ikaw ang bride. I won't allow it" napaawang ang labi ko sa sinabi niya. Umayos siya ng upo at hinawakan ang pisngi ko.

"If I would cause you pain in the near future, remember that it's not my intention. Remember that.. I love you so much. Too much Camille" naguguluhan ako.

Alam ko naman yun pero bakit parang takot na takot siya?

Hinawakan ko siya sa mukha at hinaplos yun. Ngumiti ako, minsan niya ng sinabi sa akin na tuwing nginingitian ko siya ay gumagaan ang pakiramdam niya.

Hindi naman ako nabigo dahil umaliwalas ang mukha niya.

"You're so innocent and you don't deserve to get hurt" lalo akong napangiti sa sinabi niya.

Tumango ako.

"I know.. I know that you won't hurt me" banayad kong wika pero umiling siya.

Mas lalo akong naguluhan. Ano bang sinasabi niya?

"It hurts that you trust me too much" medyo napahalakhak pa siya pero ako ay naguguluhan.

"Ay nako! Pagod lang yan. Umuwi ka na muna.. I'll visit you later pagkarating ni Zicko. Magpahinga ka na muna" saad ko.

Hindi na ito umangal pa at tumango nalang ito. Hinatid ko siya sa pintuan at nagpaalam na sakanya.

"Magpahinga ka ah." Tumango ito at matamlay na ngumiti.

Something is wrong.. I know it.

Umalis na siya kaya ako naman ay bumalik sa pwesto ko kanina. Nakita ko ang wallet ni Francis. Naiwan niya ito.. pagkabalik ni Zicko ay pupuntahan ko nalang siya sa Condo niya.

ReverseWhere stories live. Discover now