xiv . True Identity

24.8K 429 2
                                    

Sabay kaming bumalik sa loob. Nawalan na rin ako ng gana na lumabas dahil sa mga nangyari. Pagpasok namin ay hinila ko ang kamay ko mula sakanya. Baka masira pa ang image niya dahil sa akin. Nakita kong kumunot ang noo niya pero binaliwala ko yun.

"Honey!" napatingin ako sa boses na iyon. 

Grabe sobrang tinis.. babaliwalain ko sana iyon pero nung nakita ko na ang babaeng iyon ay yinakap niya si Francis kaya napaiwas ako ng tingin.

"I miss you"nagulat ako sa sinabi nung babae. 

Sila ba? May girlfriend ba siya? Pero bakit.. bakit ganoon siya sa akin?

Hindi ko alam ang iisipin ko. Litong lito akong umiiwas ng tingin.

"Camille!"napatingin ako kay daddy at nagpapasalamat ako na tinawag niya ako. 

Hindi ko na hinintay na makita ang mangyayari sa kanilang dalawa, nag madali na akong pumunta kay daddy.

Ano nga ba naman ako? Mukhang sobrang yaman nung babae at marunong pa mag ayos. I mean.. mayaman nga ako ngayon pero hindi ako tulad ng mga babaeng nakapalibot sakanya. Siguradong party girls ang mga nakakasalamuha niya. Mga modelo, artista o sosyalin na mga babae. 

Urg! Yung mga insecurities ko talaga.

Hindi naman ako ganito. Dati ay wala naman akong pakielam sa mga ganyan. I need to fix myself again. 

Nung nakarating na ako kay daddy ay ngumiti ako at binigyan niya ako ng inumin.

"Hindi na po ako tutuloy sa mall. Magpapasama nalang ako kay Caly next time." Saad ko.

"After 30 minutes.. we will go home" tumango ako at ininom ko na ang binigay niyang inumin sa akin. 

Napadila ako dahil ang pangit ng lasa. Tumawa naman si daddy kaya natawa din ako.

"James" napalingon si daddy sa tumawag sakanya. 

Napalingon din ako at nakita ko si Miguel kasama ang isang matandang lalaki at babae. Siguro ay parents niya to dahil medyo kahawig niya.

"Sebastian" bati niya dito at kinamayan niya. 

Napatingin sa akin ang matandang lalaki pati na rin ang babae. Napangiti ako dahil nakita ko sakanilang mata na hindi nila ako hinuhusgahan. Ngumiti sila sa akin.

"Is this your long lost daughter?" tanong nung matandang lalaki.

"Yes.. This is Camille" sagot ni daddy. 

Napatingin ako kay Miguel at nakita kong nakangiti siya sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay pero nginitian ko din siya.

"So beautiful.. like her mom" sabi nung babae kaya napayuko ako.

Nahihiya ako kapag pinupuri ako. Dati pa naman ako napapansin pero iba tong mga taong ito. Mga taong ginagalang sa industriya ay pinupuri ako kaya nahihiya ako.

"Thank you po mam" nagulat ako dahil hinawakan niya ang kamay ko at napa angat ako ng tingin.

"Tita Maribel nalang and you can call my husband Tito Sebastian" tumango at nginitian sila.

"Have you met our son? This is Miguel our second born." tumango ako at tinignan si Miguel. 

Ngumisi siya sa akin kaya napangiti ako. Kung alam lang nila na sinayaw niya na ako. Ang nakakatuwa kay Miguel ay yung kahit ngumingisi siya ay hindi nakakainsulto. It's like, it's his way of smiling.

"Yes dad.. sinayaw ko siya kanina and everybody was jealous." Aniya.

Nagulat ang kanyang ama. Nag apir sila ng daddy ko kaya nag taka ako.

"Ang bilis ng anak ko. Nagmana sa akin" tumawa sila kaya hindi ko mapigilang matawa na rin. 

Parang hindi pa matanda ang tatay niya kung mag salita.

"Ngapala Sebastian.. I am inviting you to my daughter's birthday party next week. I'll just send you a proper invitation perhaps tomorrow but I want to invite you personally.." napatingin ako kay daddy. 

Birthday ko next week?

Malayo pa naman ang alam kong birthday ko. Shit.. nakalimutan ko, baka iyon ang totoong birthday ko?

"Of course! Ipapakilala niyo na ba siya as Camille White?" tanong ni Tito Sebastian. 

Camille White.. Camille White.. napangiti ako. Kailangan kong imbitahan sila nanay. Matutuwa sila nito.

"Yes. We will" sabi ni daddy at kinamayan si Tito Sebastian.

"So we need to go now. Hinihintay kami ni Ailee. Gusto niyang sabay sabay na mag dinner at pupunta pa ang mag oorganize sa party ni Camille." sabi ni daddy at tumango naman sila. 

Bineso ako ni Tita Maribel at kinamayan ako ni Tito Sebastian.

"Say goodbye son" sabi ni Tito Sebastian kay Miguel. Napahawak sa batok si Miguel at nag iwas ng tingin.

Hindi ko tuloy mapigilan ang matawa dahil sa hiyang nakikita ko sakanya. 

"Don't tell me what to do, dad." nahihiyang sabi niya kaya natawa kami lalo.

Natigilan ako nung halikan niya ako sa pisngi at mas nagulat ako nung may flash akong nakita. Pinicturan yon?!

"Oh! We got some paparazzi here! Don't worry James, I will do something about that" nakahinga naman ako ng maluwag dahil doon sa sinabi ni Tito Sebastian. 

"Son.. I am proud of you" dagdag niya.

Tumawa kami sa sinabi ni Tito Sebastian. Ang bilis nga ni Miguel kaya napailing nalang ako.

"See you Camille" aniya at nginitian ako. 

Ngumiti din ako at napaiwas ng tingin. Napadako ang tingin ko at nakita kong hinalikan nung babae si Francis. 

Napaawang ang labi ko.

"Oh! Typical Francis Salazar. Kissing the hottest model today. Wag kang gagaya doon Miguel." narinig kong sabi ni Tita Maribel. 

Napaiwas ako ng tingin. Typical? Kilala ko ba talaga siya? Lagi niya bang ginagawa to? Bakit kung magsalita ang mama ni Miguel, parang sanay na silang makitang ganyan si Francis?

"Of course mom. I don't like girls like that. I like girls with passion" napatingin ako kay Miguel at nakita ko siyang nakatitig sakin. 

Ngumiti siya sa akin kaya ngumiti din ako. Iniwasan ko ng tumingin doon dahil nasasaktan lang ako.

Inaamin ko, nasasaktan talaga ako. May nararamdaman akong kirot sa puso ko.

"Well Francis will always be Francis. Let's go Camille" binalingan ko si daddy at tumango. 

Dumeretso na kami sa labas kaya nadaanan namin sila Francis pero ginawa ko ang lahat para hindi siya pansinin. Napabuntong hininga ako nang makalabas kami.

Nakita kong naka labas na ang mga gamit ko at nasa loob na ng sasakyan. Pumasok si daddy at sumunod ako. Napatingin ako sa bintana at nakita ko si Francis na malungkot na nakatingin sa sasakyan namin.

Pumikit ako at sinandal ang ulo ko sa salamin.


Ano ba tong pinasukan mong kahibangan Camille?

ReverseWo Geschichten leben. Entdecke jetzt