vii . Dangerous

32.6K 525 4
                                    

"Mauuna na ako. Baka may makakita pa at anong isipin. Thank you." 

Hindi ko na siya hinintay na sumagot at nagmadali na akong umalis.

Nagmadali akong pumasok sa loob ng hotel room ko. Napasandal ako sa pintuan at tumingin sa orasan. Sirang sira na talaga mga plano ko. Napahawak ako sa dibdib ko.. my heart is beating so fast. I need to calm down.

I need to understand that our world is different. Siguro ay na overwhelm lang siya sa article na sinulat ko about sakanya kaya siya naging concern sa akin.

Humiga ako sa kama ko at pumikit. I need to start writing again but I wouldn't be able to write if siya ang nasa isip ko. I'll get some sleep first.


Unti-unti akong umupo at napatingin sa paligid. Gabi na pala.. napangiti ako at kinuha ang notebook ko, kumuha rin ako ng cookies sa bag ko at lumabas. Pumunta ako sa lobby at nakita kong walang tao doon.. marahil ay tulog na sila. Umupo ako sa sofa at nagsimula ng magsulat habang kumakain ng cookies.

"What are you doing here, alone?" bigla akong napatigil sa pagsusulat. Nakaramdam ako ng mainit na tingin mula sa likod ko. Tumingin ako doon at nakita ko si Francis.

Ito nanaman ang puso ko. Sarap sakalin ng puso ko para tumigil sa pagtibok mg mabilis.

Pinakita ko lang sakanya yung notebook ko. Ayoko na sana pahabain ang paguusapan namin dahil hindi na ako komportable sa tabi niya.

"Bakit mag isa ka? Nevermind." what? Ano bang pinagsasabi niya. Lumapit siya sa akin at inabot ang cellphone niya. Tuwing lumalapit siya sa akin ay naiilang ako. Hindi ako mapakali.

"Anong gagawin ko diyan?" umiiwas ako ng tingin. Tuwing tinitignan kasi niya ako pakiramdam ko ay nakikita niya ang lahat sa akin. Mali to.. hindi ako dapat pumapasok sa mundo ng mga tulad niya.

 Mahirap at napaka delikado sa mundo niya.

"Lagay mo ang number mo diyan." tinignan ko siya ng masama. Sino siya para utusan ako? Ngumisi naman siya at nagiwas ulit ako ng tingin. Sana ay bumalik nalang siya sa pagiging suplado.

"Ayoko" Mataray kong sabi at tinuon ang pansin ko sa sinusulat ko.

Akala ko ay aalis na siya pero kinuha niya ang cellphone ko sa tabi ko at nagsimulang mag type don. Bakit ba ang kulit niya?!

Kailangan ko na atang mag lagay ng password sa cellphone ko.

"What do you think are you doing?" mahinahon kong tanong sakanya. Ngumisi siya sa akin at umupo sa dulo ng upuan na inuupuan ko.

"Ayoko na lalabas ka tuwing gabi ng wala ako. You're too innocent to know na maraming bad people sa paligid. Not all people are like me." aniya.

Anong akala niya sa akin? Bata pa? Hindi alam alagaan ang sarili?!

Malakas talaga ang tama nitong lalaking 'to. I can't believe him!

Hindi ko nalang siya pinansin at nagsulat na ulit. Dumaan ang mga minuto at hindi na niya ako ginulo pa. Minsan ay napapatingin ako sakanya pero umiiwas ako dahil nakatingin din siya sa akin. Ang bilis ko makaisip ng isusulat ngayon.. hindi ko alam pero punong puno ako ng mga ideya.

Napatingin ako sakanya nung matapos na ang dalawang chapter na sinusulat ko. Nakita ko na matutumba na ang ulo niya sa gilid dahil natutulog na siya. Nagmadali akong tumabi sakanya at nahulog ang ulo niya sa balikat ko. Napasinghap ako sa ginawa ko. Hindi ako makagalaw.. siguro dapat ay pinabayaan ko nalang siya no?

Napapatingin ako sa paligid dahil baka may makakita sa amin. Tinignan ko ang mukha niya.. ano bang ginagawa ko sa buhay ko? 

Sobrang bilis pa rin ng tibok ng puso ko. Nakakaramdam ako ng kakaibang reaksyon sa katawan ko.

Dahan dahan kong inihiga ang ulo niya sa sofa at tumayo na pero hinawakan niya ang kamay ko at hinila ulit paupo. Humiga naman siya sa lap ko.

"F-francis.. a-anong ginagawa mo?" tumingin ulit ako sa paligid. Mukhang walang tao sa front desk at mga body guards lang niya ang nasa pintuan.

"I also don't know Camille, tell me anong ginagawa ko." aniya.

Pakiramdam ko ay nawawalan ako ng hininga sa mga sinasabi niya sa akin. Napakagat ako sa ilalim ng labi ko.

"I felt like.. I am insane, I know that I shouldn't be doing this but you're pushing me." naguguluhan ako sa mga sinasabi niya. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko at sobrang bilis nito.

Tumayo siya at kinuha ang kamay ko. Hinila niya ako at hinatid na sa harap ng kwarto ko. Sumunod nalang ako sakanya dahil napapaso ako sa hawak niya.

HInarap niya ako nang marating namin ang harap ng kwarto ko. Napahawak ako ng mahigpit sa notebook at tinignan siya sa mata.

"The way you laugh, smile and everything that you do, drives me insane" gusto kong magsalita pero wala akong masabi. Totoo ba to? Gusto ko magtanong pero natatakot ako. Naawa lang siguro siya sa kondisyon ko kaya niya siguro ginagawa to. Imposible.. imposibleng magkagusto siya.

Isa siyang matayog na nilalang. Hinding hindi ko siya maabot.

"Don't think too much. Good night" bulong niya sa akin at hinalikan ako sa noo. Napaawang ang labi ko sa ginawa niya. What is he doing to me?

"I'm a bit fast? Sorry." sambit niya at ngumiti sa akin. 

Nagpaalam na siya at sinarado ko ng mabilis ang pintuan. Pumikit ako at huminga ng malalim. Napahawak ako sa puso ko para makalma ito pero ayaw pa din. Lumipat ang kamay ko sa noo ko, nararamdaman ko pa rin ang labi niya dito hanggang ngayon.. ramdam ko ang lambot at init nito.

Nababaliw na ako!

Fast? Oo! Sobrang bilis niya na hindi ko mahabol ang mga ginagawa niya! Wala akong magawa kung hindi tumanganga at matulala. Ang taong kinahahangaan ng lahat ay hinalikan ako sa noo? Maraming papatay sa akin pag nalaman nila 'to.

Hinahabol ko ang hininga ko.. am I dreaming?

Napakagat ako sa labi ko.

This is so not in my schedule. Wala sa plano ko ang magpahalik sa noo.. lalo na mula sa isang tao na delikado.

He is really dangerous.

ReverseWhere stories live. Discover now