xvii . Serious

23.2K 438 2
                                    

Dalawang kwarto ang ginamit para sa aming lahat. Magkahiwalay ang girls sa boys. Ganon daw kasi sila nasanay.

Habang nag aayos ng gamit ay napatingin ako kay Alina.

"Alina?" tawag ko sakanya. 

Lumingon siya sa akin.

"Hindi ba magagalit si Travis? I mean.. mag asawa kayo tapos hindi kayo magkasama sa kwarto?" tanong ko sakanya. 

Naisip ko na makakasama ko sila sa buhay ko ngayon kaya kailangan kong mag adjust at makilala sila.

Tumawa naman si Bea, Ate Rean at Caly.

"Naku! Galit na galit na siya kanina pa. Wala lang talagang magawa" natatawang sagot ni Bea.

Bumaling naman sa akin si Bea.

"By the way Camille.. pag pasensyahan mo na si Kuya Third ah. Wala naman talaga siyang pakielam dun sa babae. Ego lang niya yung nasaktan ni Francis." tumango naman ako sa sinabi ni Bea. 

Napatingin ako kay Ate Rean nag nag aayos ng damit. Mukhang wala naman talaga dahil kahit kinwento na namin sakanya ay wala naman siyang masamang reaksyon.

"Pero alam niyo. Na shock ako kay Francis kanina. Well.. he always look so cold pero kanina.. iba yung tingin niya sayo Camille. I mean school mate namin siya and he was a very bully person so he never say please to anybody pero para makausap ka lang. Wow" amuse na amuse na sabi ni Alina. 

Umiwas naman ako ng tingin. Ayaw ko siyang pagusapan..

"That is something" ginatungan pa ni Caly.

"Malay niyo.. gusto lang niya talaga insultuhin si Kuya Third. Hindi naman siya ganun sa akin nung hindi pa namin alam na kapatid ko si Caly eh" pagdadahilan ko pero nag kibitbalikat lang sila sa sinabi ko.

Tumayo si Bea, hudyat na tapos na siya.

"Ipapa reserve ko na yung table sa restaurant. Nine persons right? Bukas pa dadating si Ram at Ella diba?" tumango sila sa tanong niya. Tumayo ako.

"Samahan na kita" tumango si bea at lumabas na kami. 

Naghanap kami ng restaurant. Bago kami makapasok doon ay nakita kong tumatakbo si Abbigail na ang daming dala. Natumba siya at mabilis namin siyang tinulungan ni Bea.

"Abby? Okay ka lang. Ang dami mong dala. Dito na ba opisina mo?" natatawang sabi ni Bea. 

Baka school mate din sila?

"Naiinis na nga ako eh. Dito nag patawag ng meeting si Sir Francis. Galit na galit naman.. hindi makausap ng maayos. Halos sisantihin na ang mga nagkakamali. Nakakaasar siya. Sige kailangan ko ng umalis. Panibagong papeles ang dadalhin ko doon" nagmamadaling umalis si Abby. 

Sinundan nalang namin siya ng tingin. Iminuwestra ni Bea ang restaurant kaya tumango ako. Pumasok kami at napangiti ako dahil ang bango. Nakakagutom tuloy.

"So mukhang nagalit natin ang lion." nagtataka ko siyang tinignan.

"Well.. Mukhang ikaw ang dahilan non. Now I am really convinced na gusto ka niya. Francis Salazar is finally smitten" humagikgik siya kaya umiling iling ako.

Nagpareserve na kami at biglang pumasok si Kuya Chand at Kuya Third. Agad inakbayan ni Kuya Chand si Bea kaya napaiwas ng tingin si Bea. Napahagikgik naman ako.

"Tapos na? Reserve na ba?" tanong ni Kuya Third. Tumango ako at lumabas na kami.

"Naka reserve na rin ang pinakamalaking kubo para sa atin mamaya. We will enjoy for sure!"excited na sabi ni Kuya Third. 

Masaya ako na mukhang di na siya apektado.

Naunang maglakad samin si Bea at Kuya Chand. Kasabay ko naman si Kuya Third.

"I'm sorry about sa kanina.." umiling ako sa sinabi niya.

"Ayus lang yon! Wala naman sa akin yun. Thank you rin kasi concern kayo sakin" ngumiti siya at inakbayan ako.

"It runs in the blood cousin. Protective. Our blood calls for your blood because we're Scott" Wow.. Great choice of words.

"Are you a werewolf?" natatawang tanong ko. 

Umakto naman siyang nangangagat kaya natawa ako.

"Oh! I'm scared" umakto akong natatakot kaya ginulo niya ang buhok ko. Umakto naman akong sinusuntok siya.

Tawa kami ng tawa nung makarating kami sa kubo.

"Iwan na muna namin kayo dito. Chand, call the others. Ako ng kukuha sa videoke at sa mga pagkain. Papa hatid ko pa dito" tumango kami sa sinabi ni Kuya Third. Umalis na sila kaya nag ayos kami ni Bea.

"Camille"natigilan ako sa nagsalita. Sabay kami ni Bea na humarap sakanya. Inilagay ni Bea ang kamay sa makabilang bewang niya.

"Well.. Well.. Well. Francis, what are you doing here?" nakataas ang kilay na sabi ni Bea.

"I just wanna talk to her" nagulat ako sa sinabi niya. Seryoso ba siya?

Bumaling naman sakin si Bea tapos ay kay Francis.

"Fine! I'm just doing this dahil naging kaklase din kitang one year!" umirap siya at bumaling sakin.

"No need.. Ayoko syang makausap" nakita ko ang sakit sa mga mata niya.

"Pagbigyan mo na Cams. Nakakaawa siya. Nasusuka tuloy ako." ngumiti naman ako at bumaling kay Francis.

"Bilisan niyo lang. Dahil pag dumating na ang king of the jungle. Lagot ka Francis." kinilabutan naman ako.

Lumapit ako kay Francis at hinila siya palabas.

"Ano bang ginagawa mo?" naiinis kong tanong sakaya. Nagulat ako ng hawakan niya ang pisngi ko.

"I just missed you. About Third.. let's talk about some other time okay? Stop avoiding me please.." napaiwas naman ako ng tingin.

Napaka unfair niya! He knoww.. that his touch is my weakness!

"I'll earn their trust promise. If that is the only way to get near you" tumango ako at ngumiti. 

Kung seryoso siya.. handa ko naman siyang bigyan ng pagkakataon. Gusto ko lang talaga na makasundo niya ang pamilya ko. Pumapasok palang ako sa buhay nila at ayaw kong magulo 'yon dahil lang sa may hindi sila magandang nakaraan.

"Dapat lang! They're my family now." tumango siya at hinalikan ako sa noo.

Nanglambot ang puso ko dahil doon.

My words are the opposite of my actions. Sasabihin kong ayaw ko pero ang puso ko ay siya ang sinisigaw.

"Damn, I missed you so bad. Go back. The king of the jungle might see us" natatawang wika niya.

Tumango ako at nagmadaling bumalik. Lumingon ako at nakita kong nakangiti siya sakin.

Oh! Francis. What are you doing to me.

"He really likes you" nakangiting sabi ni bea. Tinulungan ko na siyang ayusin ang table.

"Maybe.. I hope so." ngumiti ako at ngumiti din siya sakin.

"Hindi naman siya ganyan dati eh. He don't care about anything.. about anyone."

Now.. This is really making me curious. Does he really like me?

"Here is the videoke!" masiglang sabi ni Kuya Third. 

Ngumiti naman kami at tinulungan ang mga trabahador na ipasok yun.

"Here they come" sambit ni Kuya Third habang paparating na ang iba naming kasama.

"Welcome home Camille! Let's Party!" humiyaw kami at nag simula na. 

May mga alak din para sa mga lalaki. Juice lang para sa aming babae.

Natutuwa ako. I found new family.

ReverseWhere stories live. Discover now