xxviii . Good Mood

21.6K 398 7
                                    

Maganda ang takbo ng gabi. Pakonti na ng pakonti ang mga tao dahil nag sisiuwian na din. Masaya ako at tanggap naman nila ako. Maraming nag encourage sakin sa business pero sinabi ko na sa writing talaga ang field ko.

"Happy Birthday"

Napahawak ako sa dibdib ko sa gulat. Pagkatapos kasi nung sayaw namin ni Francis ay naging busy na siya dahil ang daming kumakausap sakanya about sa business.

Ako din naman ay naging busy pero wala na ring nagyaya sa akin sumayaw. Hind ko alam kung dahil ba hindi ako kaayaaya o dahil sinayaw na ako ng isang Francis Salazar.

Naramdaman kong pinulupot niya ang kamay niya sa bewang ko at pinatong ang ulo niya sa balikat ko. Nasa may pool side ako ng bahay namin. Naglilinis na kasi at kaunting business men nalang ang natitira.

"Ginulat mo naman ako but thank you" mahinang bulong ko.

Ninamnam namin ang oras. Hinayaan kong damhin namin ang malamig na simoy ng hangin. Hinayaan ko siyang yakapin ako dahil malaking tulong rin ito sa lamig. Amoy nga siya ng amoy sa leeg ko.

Nakakatakot masanay.. baka biglang mawala tapos hanap hanapin ko.

"Why do you smell so nice?" Tanong niya.

Ngumiwi ako at humalakhak. Ito talagang lalaking to ang hilig sa tsansing.

"Anong gusto mo? Mabaho ako?" Natatawa kong tanong.

Hinarap niya ako sakanya at nakita kong nakanguso siya.

"Kasi.. Baka may makaamoy na iba sayo tapos magustuhan ka. It's addicting."

Kusang tumaas ang kilay ko at kinurot ko ang dalawa niyang pisngi.

"So? Pag ba nagustuhan nila ako, magugustuhan ko din sila?" Tanong ko sakanya at nakita kong ngumiti na siya.

Ito lang naman niyan ang gusto niyang mariniy. Ito namang puso ko ay bumilis ulit ang tibok. Ngiti niya palang..

"So.. Sinong gusto mo?" nakita kong nagpipigil siya ng ngiti.

Sigurado akong pinagloloko niya ako. Alam niya ang sagot pero gusto niya pa rin marinig.

"Asus! Ikaw po. Sige na.. Ikaw na Mr. Francis Salazar" sabi ko at lalo siyang napangiti.

Natawa naman ako at umiling iling pa. Napawi ang ngiti sa aking labi nang biglaan siyang lumuhod sa harap ko.

"Oy! Wag kang mag popropose!" Maagap kong sabi ko pero natawa lang siya.

May kinuha siya sa bulsa niya at napaawang ang labi ko. Isang anklet iyon. Linagay niya iyon sa ankle ko.

"I hope you'll like it" tumayo siya at hinalikan ako sa noo.

Napanguso naman ako. Nakakahiya naman ang pagiging assuming ko!

"Hay nako. Nag assume pa akong magpopropose ka na. Muntikan na kong atakihin sa puso." Humalakhak siya sa sinabi ko. Kaya lalo akong ngumuso.

"Well.. I need to get your whole family's approval bago kita yayain. Don't worry malapit na" sabi niya kaya kumunot ang noo ko.

Seryoso siya?

Naputol ang tinginan namin dahil nabigla ako sa tumikhim. Napalingon kami at nakita ko si daddy sa likod. Umayos ng tayo si Francis kaya napaurong ako.

"Sir" matigas niyang sabi.

Ano to? Alter ego?

"Hindi ka pa uuwi?" Tanong ni dad pagkalapit samin.

Hinawakan ko si dad sa kamay.

"Dad" mahina kong sabi at tumawa naman siya.

"Well.. Everybody went home, your sister is inside her room now waiting for you. It's already past midnight." Paliwanag ni dad.

ReverseWhere stories live. Discover now