XLVIII . Everything

20.4K 340 18
                                    

Kakatapos lang ng Opening at nagsiuwian na ang lahat. Sobrang tagumpay ng opening na ito.

"Francis, you take my daughter home okay?" Sabi ni daddy na ikinagulat ko. Tumango si Francis at pinanuod namin si daddy na sumakay sa kotse.

Caly was with Zicko.

"Yes sir. Thank you" sabi niya at pinaharurot na ni daddy ang kotse niya.

"Let's go?" Nakangiti niyang tanong kaya hindi ko mapigilang mapangiti din.

Inabot niya ang kanyang kamay.

"Let's go" pagkumpirma ko at inilahad ko ang kamay ko sakanya. Magkahawak kamay kaming pumunta sa kotse.

Pagkapasok ko ng kotse niya ay naramdaman ko na sobra ko din namiss ito. Kaming dalawa.. magkasama..

Sandali lang ang naging byahe. Tahimik lang kami, pero imbis na mainis dahil sa tahimik ay parang napaka komportable pa nito. Parang ninanamnam namin ang oras na tahimik pero sobrang saya naman ng puso ko.

Nung makarating kami sa bahay ay hinatid niya pa ako sa gate.

"Bakit ba titig ka ng titig?" Natatawang tanong ko. Kanina pa siya sulyap ng sulyap.

"Well, I just missed you." Nakangiti niyang sabi. Lumapit ako sakanya at yinakap siya.

"I am proud of you Camille." Napangiti ako at humiwalay na sakanya. Tinitigan ko siya sa mata.

"Thank you. Oh, pano ba yan. See you tomorrow. Goodnight." Sabi ko at hinalikan siya sa pisngi.

"I love you. Goodnight" sabi niya at hinalikan ako sa noo. Tumalikod na siya at sumakay sa kotse niya. Sumulyap pa siya ulit kaya natawa ako.

Tumalikod na ako at pumasok.

Pagkapasok ko ay wala pa si Caly but I know she is with Zicko.

Nagayos na ako at bumagsak sa kama. Mabilis din akong nakatulog na may ngiti sa labi.

--

"Yup, papunta na ako." Kausap ko si Francie, ang manager ng shop ko. 

Sinabi ko sakanyang papunta na ako.

"Mam, may naghahanap po sainyo" sabi ng isa sa mga maids sakin. Kumunot ang noo ko..

Sinundan ko ang maid at tumambad sakin si Elaine. Lumabas ako ng gate at hinarap siya.

"Ano na naman?" Matapang kong tanong sakanya. 

I'm so damn tired with her drama at wala na akong balak na hayaan siya.

"Don't tell me.. tatakutin mo nanaman ako. I am a very busy person Elaine. I am sorry kung hindi ko masasakyan ang trip mo ngayon." sabi ko sa seryosong tono.

"Camille.. nandito ako para pakiusapan ka" napataas ang kilay ko sa sinabi niya. Lumapit siya lalo sakin at hinawakan ako sa balikat.

Tinignan ko siya ng matalim sa mata.

"Pakiusapan? Kapal naman ng mukha mo" sabi ko. Sobra akong naiinis. 

Pagkatapos ng lahat? Pakiusapan?

"Alam mo ba na pagkatapos mo umalis sa condo na yon. Ayaw na niya akong makita ulit, kahit sa bahay nila bawal na ako. Sa kompanya ay banned na rin ako. Hindi na siya nakikipagkita sa mga circle of friends namin. I heard he was always with your cousins and your friends. Iniwan niya kami para sayo! Please tell him to go back to us!" Napaawang ang labi ko. 

He did that.. for me?

Hindi ko ininda ang pagyugyog niya sa akin.

"He changed his number! Wala na akong contact sakanya. Sa condo niya ay hindi na rin ako pinapapasok! Marami na kaming pinagsamahan. Lahat yon tinapon niya para sayo! Don't you think its too unfair?!" Sumisigaw na siya pero wala akong magawa. Dahil sa pagyuyugyog niya sa akin ay napaatras na ako at muntik na akong matumba.

I don't know what to say.. Francis is just so..

"WALANGHIYA KA!" Sigaw niya at nakita ko nalang na itutulak na niya ako.

Matutumba na sana ako dahil tinulak niya ako pero may humigit sa akin at hinila ako palayo sakanya.

"FRANCIS!" gulat na gulat niyang sabi. Napatingin ako kay Francis na matamang nakatingin sakin.

Napatingin siya sa braso ko, naka sleeveless loose shirt lang ako kaya kita ang pamumula.

Nakita kong nagdilim ang paningin niya at tinago ako sa likod niya.

"I missed you!" Sabi ni Elaine at susubukan sanang yakapin si Francis pero tinulak siya ni Francis. 

Nagulat ako dahil hindi ko masyadong nakita pero nakita kong natumba si Elaine.

Hindi man lang naguilty si Francis.

"Sabi ko sawang sawa na ako sa ginagawa mo. UMALIS KA NA! WAG MO NA SIYANG GUGULUHIN PA! WE WILL FILE A CASE AGAINST YOU PAG HINDI KA TUMIGIL!" Galit na galit si Francis ngayon. Hinila ako ni Francis at sinakay sa kotse niya.

Pinaandar niya ang kotse niya at tahimik lang siya. Kitang kita ko ang mabagal niyang paghinga.

Hinawakan ko ang braso niyang hindi nakahawak sa manibela.

Bumuntong hininga siya at sandaling tumingin sa akin bago bumaling ulit ang tingin sa daan.

"Does it hurt?" Tanong niya. 

Pinagsiklop niya ang mga daliri namin kaya napangiti ako. Akala ko nung una, malaki ang tyansa na baka magulo pa kami ni Elaine pero kung iisipin, nasa amin naman kung magpapagulo kami o hindi. Everything happens for a reason, nagkahiwalay kami ng maraming beses pero may dahilan ang mga 'yon. Ngayon, binibigyan kami ng panginoon ng huling pagkakataon para subukan ang pagmamahalan namin.

We need to be strong..

"Medyo nararamdaman ko pa ang pagkakahawak niya pero wala yon." Sabi ko para hindi na siya mag alala.

"Please don't get affected by what she says." Sabi niya sa nagaalalang tono. Tumango ako.. na-touch nga ako sa mga kinwento ni Elaine 'eh.

"I heard hindi mo daw sila kinakausap? I mean your common friends" sabi ko. 

Hinaplos ko ang braso niya, pakiramdam ko namiss ko yung ganito kami kalapit.

"Kinakampihan nila siya. I don't really care and I enjoy your friends' company" nakangisi niyang sinabi. Nakikita ko naman na close na close na sila.

Nakita ko ang shop ko at tumigil kami doon.

Bumaba ako at bumaba din siya. Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan iyon. Siguradong namumula ako nito.

"Buti nalang sinundo kita." Nakangiti niyang sabi. 

Para bang sobrang saya niya.

"Sus. Oo na. I'm thankful." Natatawa ako sakanya. I really like this side of him.

"Mamaya susunduin kita. We will meet our wedding organizer." sabi niya kaya napaawang ang labi ko.

Ako ang babae kaya dapat ako ang nagaayos nito pero siya pa ang naghanap ng wedding organizer.

"What is wrong? May mali ba akong sinabi?" Nag aalala niyang tanong. Umiling ako..

"Kasi.. Ako ang babae. Tapos ikaw pa ang nagasikaso. Dapat mamaya eh kaso naunahan mo ako!" nahihiya ako.. Urg! Ang bilis naman niya kasi.

Natawa naman siya sa sinabi ko.

"Don't worry about that. I am just so excited. Hindi na ako makakapayag na may humadlang pa. If I can rush this, then I will but I want to give you the best wedding so I want to do this carefully. I love you, Wife." Nakangiti siya habang binibitawan ang mga salitang yan.

Tumango ako at yinakap siya.

"Thank you Francis. I love you too"

This man is my everything..

ReverseWhere stories live. Discover now