CHAPTER 2

377 12 0
                                    

Louise Bautista

"That's all for today class. Reminder!Review the lesson that we tackle today and then tomorrow we will have a quiz. Goodbye Grade 8."

"Goodbye and thank you, Ma'am Louie."

"Okay. You May take your break. Eat well students!"

"Opo ma'am, ikaw rin po at ingat po kayo ma'am." Pahabol ng isa sa mga bibo kong student na palaging ready sa recitation. Nginitian at tinanguan ko iyon

Lumakad ako sa hallway pabalik sa English Faculty room. I am a teacher now major in English. Who would have thought this will be the job I will work with in the future? Kahit ako, i never imagined myself being a teacher back then, but look where I am now.

Next class, Grade 8 Mahogany.

"Kain na ma'am Louie." Alok ng co-teachers ko.

"Ah sige po, mauna na muna po kayo, May aasikasuhin lang Ho." Tanggi ko.

"Nako, pahinga muna ma'am. Kain." Pilit sa'kin at ipinakita ang pancit na kinakain na nakalagay sa stiro plate.

"Bibili kami diyan sa canteen baka gusto mo mag pasabay nalang?"

Ngumiti ako. "Osige po. Hotdog and egg with rice nalang." Sabi ko at inabot ang pambayad ko.

"O sige mauna na kami."

"Sige Ho. Salamat sa pasabay." Habol kong sabi.

Umupo ako sa spot ko. Yung May border na table. Nasa iisang room lang kami at pinaghati-hatian na namin ang space.

In-open ko yung laptop ko at tinignan ang spread sheet sabay kuha ng class record na dala ko kanina sa last class ko. Ini-insert ko na agad ang mga scores ng mga studyante ko sa spread sheet para bawas trabaho pagkauwi, hangga't May oras ako. Mas ginagawa ko siya ng maaga. Mahirap masira ang time management. May mga students kasi na late nagpapasa ng mga outputs kaya kapag May late, sabay-saby ko na irerecord. Yung mga on time. Direct to the record na agad.

"Heto na ma'am yung ipinasabay mo, kain ka na." Sabi ni ma'am Che. Isa sa English teacher ko na kasama ko dito sa faculty

Agad kong tinanggap iyon. "Ay naku, salamat po sa pagsabay. Next time I'll bring my own foods na para hindi na ako nagpasabay lalo na kapag busy ako." Sabi ko. Sinara ko agad yung laptop ko. Tapos na rin naman mainsert ang mga scores.

"Maigi nga. Parati kang busy ma'am Louie, pahinga ka naman. Hindi naman masama yon."

Natawa ko. "Ayos lang namn po sakin yon. Tsaka masaya po ako sa ginagawa ko. Walang kaso sakin, mas gusto ko pa nga yung ganito eh, palagi akong busy. Kung wala 'to, eh wala naman ako Ibang pagkaka-abalahan." Sabi ko.

"Bakit wala bang ka-bebe time yan kaya palaging busy?" Biro ng isa

"Oh baka naman parating busy kaya walang love life?" Biro pa uli ng isa. Nag tawanan sila.

"Kayo talaga, purket busy yan na agad ang dahilan? Nako kayo, kayo talaga mga malisyosa kayo, nako kapag ang mga bata narinig kayong ganyan baka gayahin kayo, naturingang guro pa naman tayo dapat tayo ang nagiging role model sa kanila na maging mabuting tao at hindi nagiging ma-issue sa kapwa tao nila." Sabi ko.

"Hhmm..nako ito naman si ma'am masyadong seryoso sa life."

"Pero May point."

"O sige na nga quiet na kami." 

Natawa nalang ako.

Nginitian nalang ako ng mga kasamahan ko. Masanay na sila. Bumalik sila sa kani-kaniya nilang gawain. Ako naman ay kinain agad yung binili sa'kin. Gutom na rin ako. Nakakapagod nga ang maging teacher pero masaya ako sa trabaho ko. Kahit nakakapagod parang baliwala nalang yon kasi mahal mo ang ginagawa mo.

Kahit 'Di Mo Alam [COMPLETED]Where stories live. Discover now