CHAPTER 8

152 9 0
                                    

Louise Bautista

Pagkatapos nang Araw na magkita kami ni Tyler, sunod sunod na trabaho ang tumambad sa akin, Ang daming Gawain, mag bibigayan na Kasi Ng card noon kaya sobrang busy ko. Pero after Naman Ng hagard days na yon napalitan lahat Ng saya at appreciation parang lahat Ng pagod ko sa pagtuturo at pag eencode Ng grades nag bunga Ng magandang kapalit.

October 5, sobrang saya ko dahil teacher's day nun. Hindi magkamayaw Ang mga studyante sa pag bibigay Ng mga regalo sa mga teacher's nila at maging sa akin. Isang bag Ang na iuwi ko sa condo nun pagtapos. At noong Araw din na yon naabutan ko Sila Kevin at Tyler. Pauwi na rin siguro Sila. Nakita ni Kevin Ang Isang bag Ng nga flowers and gifts na dala ko galing sa mga studyante ko.

"Love, Grabe ang dami naman niyan!" Namamanghang sinabi ni Kevin.

"Tulungan na kita love." Sabi niya at kinuha ang ilan sa hawak ko. Hinayaan ko Naman nsiyang Kunin iyon. "Mahal na mahal ka ng mga studyante mo ah." Puri niya. Tama Naman Ang sinabi Niya.

Nag buga Ako Ng isang tawa.

"Oo nga eh. At alam mo ba love sinurprise pa ko ng mga yon. kahit ilang beses ko na naranasan yon parang bago pa rin sakin, iba ibang bata kasi ang sumusurpresa sakin kada taon." kwento ko. At totoo yon, para every October 5, nasusurpresa pa rin Ako kahit ilang beses na nangyari sa'kin yon. Sobrang nakaka-appreciate lang.

"Syempre naman. Deserve mo yon, Ang galing mo kayang Teacher." Puri na Naman Niya sa akin kaya Hindi ko na Naman mapigilan Ang mamula.

"Ah..louie...para sayo." Biglang sumingit sa usapan namin si Tyler. Inabot Niya Ang bouquet Ng red roses
N

apatitig Ako sa bulaklak. Naisip ko parang Ngayon lang nag bigay Ng bulaklak sa'kin si Tyler.

Hinarap ko siya. "Tyler, Nandito ka pala. Hindi kita napansin, akala ko si kevin lang nandito." Sabi ko. Kahit Ang totoo kanina ko pa Naman siya Nakita. Nasabi ko yon dahil ayokong makapansin siya na natulala Ako nang makitang binigyan Niya ko Ng bulaklak. Ayoko lang Makita Niya na may epekto sa akin yon.

"Kunin mo na louie, para sa'yo 'to." Sabi Niya at muling inilahad sa akin Ang bulaklak.

Ngumiti ako. "Thank you." Tinanggap ko yung bulaklak

"Happy Teacher's day love, Akala mo wala akong ibibigay noh? ako pa ba?" sabi ni Kevin. Kumunot Ang noo ko. Huh? Naguguluhan Ako.

"A-actually, hindi galing sa'kin yang bulaklak, kay kevin." Pag lilininw ni Tyler. "Pinahawak niya lang sa'kin kanina dahil balak ka niya isurprise pero naabutan ka namin dito, since dala niya yung iba mong bitbit sakin niya nalang pinapabigay sayo." Paliwanag Niya. Ahh. Akala ko pa Naman siya talaga nag bigay.

"Ahhh..." tumawa nalang ako. "A-akala ko galing sayo, a-akala ko ikaw" patawa-tawa Kong Sabi. hinampas ko si Kevin para Naman Hindi mag Mukhang nag assume Ako Noh? Na galing Kay Tyler yung bulaklak. Tsaka bakit nga ba ko nag expect, kung tutuusin mas may karapatan naman si Kevin mag bigay sa'kin nun. Hay Ewan. "Ikaw talaga!" Kunwaring kinikilig ko nalang na Sabi para Hindi mag Mukhang awkward Noh? Baka kung ano isipin ni Tyler.

"Pero ang totoo niyan meron din talaga kong dala." Habol na Sabi ni Tyler at may kinuha Mula sa bulsang likuran. Isang pirasong red rose. "Happy teacher's day din louie." bati niya. Isa lang Yun, pero parang libu-libong beses na timibok Ang puso ko Ng mabilis. Para sa Isang roses na bigay ni Tyler ganoon na Ang response Ng puso ko? Basta kahit Isang Rosas lang iyon Masaya Ako na sa ganiting okasyin nagawa Akong alalahanin ni Tyler. Masaya rin Naman Ako sa bibigay ni Kevin. At syempre masaya Ako na binati nila Kong dalawa

Kahit 'Di Mo Alam [COMPLETED]Where stories live. Discover now