CHAPTER 14

123 6 0
                                    

Louise Bautista

Ilang linggo din ang lumipas. Mag kaibigan na ulit kami ni Tyler. Close na close. Nag tatawanan na ulit kami, nag kukwentuhan, at nagkakasama. Ayoko sanang masanay dahil natatakot Ako. Natatakot Ako na mag iba na Naman Ang trato ko sa kanya gaya Ng dati. Natatakot Ako na baka bigyan ko na Naman ng meaning ang lahat ng kabaitang ginagawa niya sa'kin. Lalo na Ngayon, ayokong matukso. Sobrang magiging kumplikado, delikado at magulo. Kung magkataong magkamali na Naman ang puso ko. Teka, nag kakamali nga ba ang puso? Mali nga ba ang magmahal? Mali nga ba ang sundin ang gusto ng puso mo? Ay ano ba tong sinasabi mo Louise Bautista?

Isa pang pinag-aalala at kinakatakutan ko ay Hindi pa rin nagpaparamdam sa'kin ni Kevin. Asan na ba siya? Ang Sabi Niya mag uupdate siya, Ang Sabi Niya babalik siya, bakit mag-iisang buwan na Wala pa rin siya? Ano na ba nangyari sa mama Niya? O sa kanya? Nakalimutan Niya na ba na may girlfriend siya Dito sa metro manila?
Nakalimutan Niya na ba na may taong naghihintay sa kanya? Ang drama ko.

Ang lungkot-lungkot ko Kasi Ngayon, dahil ba Araw Ng mga Patay Ngayon? Pero dalawang linggo na noong November 1, nang mag tirik Ako Ng kandila. Nasa ikatlong linggo na rin ng nobyembre. Inabala ko nalang Ang sarili ko sa pag checheck Ng mga worksheet Ng mga studyante ko. Maya-maya at natigil Ako dahil sa katok Ng pintuan. Napalingon Ako sa gawing iyon. Iniisip na baka si Tyler yon. Mabuti naman at nagawa niya akong puntahan Dito at least di ko na mararamdaman ang mag-isa, may kasama na Ako.

Bigla akong napangiti. Nakakatuwa lang Kasi nandyan si Tyler para samahan Ako. Dali-dali Akong nag tungo sa pinto para buksan iyon.

"Tyler buti—" Di ko natuloy ang sasabihin ko nang makita ko na kung sino talaga Ang kumatok sa pinto. Si Kevin.

"Tyler???" Tumaas pa Ang isang kilay Niya sa nag tataka niyang tono.

"Kevin, Ikaw pala." Binuksan ko Ng Malaki yung pinto para pumasok na siya.  "Ba't Ngayon ka lang? Akala ko kung ano na nangyari sayo, ano kamusta si tita? Okay na ba siya? Ang Sabi mo mag uupdate ka, pero naisip ko na di mo nadala yung charger, Wala ka bang magamit na pang tawag don para iinform manlang Ako? Ano na ba nangyari? Kamusta?" Sunod-sunod Kong tanong. Ang tagal Niya kayang nawala. Sinara ko yung pinto at kinuha ang bag na dala niya. Pinaupo ko Muna siya at binigyan Ng water.

"Sorry love, Hindi Ako nakapag-update. Wag Kang mag alala okay na si mama." Saad Niya pagkalapag Ng glass of water na binigay ko.

Nag Hila rin Ako Ng upuan at umupo sa harap Niya. "Hay salamat Naman, Akala ko kung ano nang nangyari eh. Ikaw ba, kamusta ka?" Tanong Kong muli.

Hinawakan Niya Ang kamay Kong nakapatong sa lamesa. "I'm okay love. Masyado lang Ako na busy sa pag aalaga Kay mama sa ospital, na confine pa siya Ng isang linggo Kasi Ang Sabi Ng doctor kailangan Muna maging stable yung kalagayan ni mama, yung mga sumunod na weeks sa Bahay ko nalang siya inalagaan. Alam mo Naman sa probinsya mahina Ang internet kaya Hindi Ako kaagad nakapag update, pasensya na love, sana naiintindihan mo." Paliwanag Niya.

Sa totoo lang Hindi Naman Niya kailangan humingi Ng pasensya dahil naiintindihan ko Naman talaga.

"Okay lang kev, naiintindihan ko." Sabi ko sa kanya at Ako Naman ang humawak sa kamay Niya. "Eh ano daw ba Kasi ang naging sakit ni tita?" Tanong ko dahil sa buong pag uusap namin Hindi Niya pa nabanggit Ang sakit Ng mama Niya.

"High blood." Maikli niyang tugon Sabay buntong hininga.

"Ano naman dahilan at tumaas na Naman dugo ni tita?" Nag aaalala Kong tanong.

"Si papa Kasi eh." May inis sa tono Niya at kumunot pa Ang noo. "Ginagalit si mama. Alam mo love, di ko alam kung Anong problema ni papa at bakit kailangan Niya pa magloko." May disappointment sa kanyang pagkakasabi.

Kahit 'Di Mo Alam [COMPLETED]Where stories live. Discover now