CHAPTER 16

138 7 0
                                    

Louise Bautista

Bigla kami tinopak ni Kevin na mag bonding at ang swimming Ang napagkasunduan namin, dahil kami lang dalawa naisipan din namin iinvite si Tyler. Nag punta kami ni Kevin sa unit Niya. Nung una nga parang ayaw pa sumama ni Tyler, pero kalaunan pumayag na rin siya.

Habang nakaupo kami ni Kevin sa gilid Ng pool at nakalublob Ang mga paa namin sa pool, naputol ang munti naming asaran nang napalingon si Kevin sa likuran dahil nandoon na Pala si Tyler. Nakaswim short siya na stripe black and green. Ang Hot niya. Sabi ko na eh, magiging maganda talaga ang katawan ni Tyler pag lumaki siya.

Sila Kevin and Tyler nauna na silang mag swimming Ako ay umupo Muna sa bench beach. Maya-maya ay lumusong na rin Ako tapos yung dalawa Naman ay nag paalam sa'kin na mag break Muna Sila. (Hindi literal na break na pang mag jowa hah! Break as in time out, stop Muna. Ganon) nasabi ko na Hindi Ako ganoon karunong lumangoy pero may knowledge Naman Ako kahit paano.

Tinry ko Muna sa mababang part Hanggang sa palalim nang palalim at napunta Ako sa gitna, Ginagawa ko Ang floating not until, Bigla akong nag panic attack kaya Naman imbis na yung pressure na dapat magaan lang ay biglang bumigat. Kapag floating Kasi dapat ay relax ka lang. Pinangunahan Ako Ng nervous kaya nawala Ako sa control. Hindi ko na uli mabalik sa dati yung focus ko, yung way kung paano Ako nag concentrate kanina para aralin yung pag langoy at yung pagtatagal ko sa floating. Grabe, sobra Akong nagsisisi na nag floating pa Ako at napunta Ako sa gitna. Isa na ito sa pinaka katangahang ginawa ko. Pakiramdam ko, para Akong hinihila pailalim sa pool although Wala naman talaga totally humihila sa'kin pero ganoon ang feeling. Hanggang sa nag blurd Lalo Ang normal ko Naman talagang malabong mata at nag dilim ang paningin ko. Tapos ay Hindi ko na alam ang nangyari.

Napabalikwas na lang Ako Ng bangon at may lumabas na tubig sa bibig ko. May lalaking naka-alalay sa'kin napahawak ako sa kanya. Doon ko unti-unting napagtanto na Wala na ko sa pool, nasa may simento na ko. Nang lingunin ko ang taong nakahawak sa akin ay natulala Ako. Si Tyler. Siya, siya ba ang nag ligtas sa akin? Pinagmasdan ko si Tyler.

Pinagmasdan ko ang nag aaalala niyang wangis at Ang tubig na pumapatak Mula sa kanyang buhok. Ang gwapo Niya pag basa. Tskaa ko lang din naalala na nakahawak nga Pala Ako sa kanya. OMG. Para tuloy akong napaso. First time Kong mahawakan nag maskuladong katawan ni Tyler! At para Akong nag iinit na takure na malapit nang pumito nang mapansin na ang lapit lapit namin sa isa't Isa. Jusko, bakit ba ganito ang nararamdaman ko? Mali. Mali 'to.

Napalingon Ako sa left side ko dahil may biglang nag salita at umagaw sa'kin Mula Kay Tyler. Si Kevin. Nandito Pala siya. Tinignan ko rin Ang Mukha niyang nag-aalala. Tumango-tango nalang Ako nang tanungin Niya kung ayos Ako.

Nandito Ako nakatayo sa tapat Ng unit namin ni Kevin kinakausap Niya ko kung okay na ba ko, at nakailang ulit na rin Akong sagot na 'oo, ayos na ako.'

"Thank you for saving my life." Nakangiti Kong pagpapasalamat sa kanya.

"It was nothing." Sagot Niya. Ang gwapo gwapo Niya pa rin, at sa ginawa niyang iyon napaka gentleman Niya.

"Louise, ano ba kasing ginagawa mo Doon sa gitna Ng pool, di mo ba alam na malalim don? Ayan tuloy nalunod ka." Kunot ang noo niyang Sabi sa'kin na Akala mo magulang ko at pinapagalitan ako. Pero deep inside na cucute-an Ako sa expression Niya, ayon na Naman Kasi siya sa kunot niyang noon na Mukhang angry bird.

"Pinapagalitan mo ba ko?" May halong pa cute ang boses kong sinabi. Nakita ko kaagad Ang pagbabago Ng mood Niya at Bigla ito nag lay low.

"No. It's just that, ayoko lang may mangyaring Hindi maganda sayo, concern lang ako."

Dahil Doon ay Hindi ko napigilang mapangiti at naramdaman ko din na nag init Ang pareho Kong pisngi.

"Oh, nandito Pala kayo." Napalingon Ako sa likod nang marinig ko nag boses ni Kevin.

Kahit 'Di Mo Alam [COMPLETED]Where stories live. Discover now