CHAPTER 3

229 11 0
                                    

Tyler Moreno

KINABUKASAN...

Nagising nalang ako dahil sa ingay ng set alarm ko. 8:00 na. Hindi na rin late, ito ang oras ng gising ko. 

Bumangon ako at dumeretso sa CR para mag hilamos at mag mumug na rin. Pagkatapos ay nag punas ng piece towel na nakasabit sa gilid nung salamin non at dumetso sa kitchen.
Hinahanap ko yung favorite mug ko na itim pero naalala ko iniwan ko nga pala sa mezita kagabi ng hindi manlang nahuhugasan.

Nag bukas ako ng refrigerator. Kaunti nalang ang laman, kailangan ko na mag grocery. De bale, marami naman bukas na department store dito. Ito ang isa sa dahilan kung bakit ito ang place na napili kong tirhan dahil lalakarin mo lang ang mga malls at departments hindi ka na b-byahe pa, isa pa maraming transportation.

Kinuha ko na yung buong tray ng egg dalawa nalang naman yon. Magluluto nalang ako ng omelet tapos sa taas ng pinaglulutuan ko, in-open ko yung cabinet. buti at May quaker pa ko, kinapa ko 'yon at kaunti nalang din.
Binuhos ko na lahat sa bowl at yung natirang mainit na tubig sa termos, mainit pa naman.

Bumalik ako sa refrigerator. Paubos na rin yung smoothie na ginawa ko. It's an avocado. Pagkalapag ko ng omelet, quaker at smoothie sa table, saktong tumunog naman yung toaster bread. Ayos, kumpleto na almusal ko.

***

Pabalik ako sa unit ko galing department stores dala ang pinamili. Binaba ko muna yon sa tapat ng pinto dahil tumunog ang cellphone ko.

"Ma, napatawag kayo?" Sagot ko.

"Anak, kamusta dyan?" Pangangamusta ni mama sa kabilang linya

"I'm okay mom, nothing to worry about. How about you? And...Tiana?"
Tiana, she's my younger sister.

"I'm alright, and Tiana is okay...eto nga napatawag ako dahil gusto ka niyang kausapin. Tiana, your kuya is on the line." Excited na tawag ni mama sa kapatid ko. Parang alam ko na kung bakit.

"Hello kuya!" Mataas ang pitch niyang bungad.

"Hey sup, lil sister?"

"Kuya, hindi na ko bata, mag e-18 na ko." Reklamo niya. Napaka arte naman.

"Yeah, i know, i know. Oh bakit mo daw ako gustong makausap?" May tono kong tanong at sinabayan pa ng pagtaas ng pareho kong brows dahil alam ko kung ano ang punto ng bunso kong kapatid.

Narinig ko tumawa siya ng kaunti.

"Eh kuyaaa...malapit na birthday ko...." Panimula niya. Mukhang makakarinig na naman ako ng awit ng ibong Adarna.

"And..?"

"Gusto ko kasi mag debut, alam mo naman diba kuya pangarap ko yon dati pa, tsaka nasabi ko na rin sa mga classmates and friends ko na iniimbitahan ko sila sa debut ko...." Pagpapatuloy niya

"Tapos.....?"

"Eh syempre kuya, gusto ko maganda yung debut ko, yung bongga! Yung parang prinsesa ako, tapos bababa ako ng hagdan tapos oh my g kuya diba?! Ang ganda ganda parang fairytale!!!" Mataas ang boses at kinikilig niyang kwneto sa'kin. "Tapos kuya, gusto ko malaki ang cake ko, mga 7 layers tapos dapat yung gown ko malaki...." huminto siya siguro nag aabang sa response ko.

Kahit 'Di Mo Alam [COMPLETED]Where stories live. Discover now