CHAPTER 13

134 6 1
                                    

Tyler Moreno

Tinanggap ni Louie yung breakfast na binili ko. Sabay kaming Kumain Ng umagahan. Iba yung pakiramdam ko Ngayon na nakakasama ko na si louie, nakakausap ko na siya at natitignan Ng deretso uli. Umaapaw yung puso ko sa tuwa. Kung alam Niya lang kung gaano Ako kasaya non.

Boluntaryo na rin Akong nagsabi sa kanya na ihahatid ko siya sa trabaho Niya. Balak Niya pa Kasi mag commute. Hangga't maaari gusto ko sana igrab yung chance na 'to para mas makasama pa siya Ng mahaba. At Hindi magkamayaw Ang mga ngiti sa'king labi nang mapapayag ko siya. Nung una nag aalinlangan pa siya dahil Wala Akong kotse, Wala pa siyang idea kung ano Ang sasakyan namin. Hanggang sa makarating kami sa parking Ng mga bike. Doon niya nalaman na sa bike ko siya iaangkas.

Di ko pa nga napigil Ang pag tawa ko dahil Hanggang Ngayon Hindi pa rin nag babago si Louie, takot pa rin siya umangkas Ng bike at pikunin pa rin siya. Nakakatuwa siyang tignan sa ganoon niyang expression. Parang nakikita ko pati tuloy yung Louie na grade 8 pa. Sobrang saya ko talaga na Ngayon kasmaa ko na uli siya. After ilang years na mahintay Ako sa kanya Ng sobra-sobra. Kapag nag-uusap kami ganoon pa rin yung pakiramdam. Same energy, same vibes. Walang pinagbago.

Inabangan ko siya Hanggang sa pag-uwi. Nakwento Kasi sa'kin ni Kevin one time kung Anong oras umuuwi si Louie kaya bumalik Ako.
Gulat na gulat siya nang Makita Akong naghihintay sa labas Ng school, inakala pa niyang Hindi Ako umuwi. Hahaha. Si Louie talaga. Pumayag uli siyang sunduin ko siya. Hanggang sa makarating kami Ng condo ay magkasama kami. Bawat Segundo sinusulit ko, alam ko kasing Isang beses lang mangyayari yung mga ganitong bagay kaya mahalaga na enjoy-in mo Ang bawat momentum sa buhay mo. Ito yung Isa sa mga natutunan ko yung mga panahong nilalamon Ako Ng remorse ko. Kaya nang maranasan ko Yun, tinatak ko na sa isip ko na Wala na Akong aaksayahing panahon para makasama si Louie. Kaya itong bibigay sa'kin chance, Hindi ko na bibitawan pa. Kasi alam ko this time binibigyan na ko Ng second chance at ayoko nang sayangin pa yon.

Habang naglalakad kami sa picnic grove nag ask na ko sa kanya.

"You want to stay here or uwi na?"

Ang totoo niyan, ayoko pa talagang umuwi. Ayoko pang matapos yung Araw na 'to, ayoko pang putulin yung maganda naming pagsasama.

"Hmmm...Ikaw ba?" Tanong niya pabalik

Pinamulsa ko Ang mga kamay ko. Dahil tinanong Niya ko pabalik, possible na ayaw Niya pa rin umuwi. So this is my chance para pahabain pa Ang pagsasama namin.

"Eh Ako, Wala naman Akong gagawin." Sagot ko. Totoo Naman Yun. Tsaka gusto ka pang makipagkwentuhan sa kanya.

"Iniisip ko Kasi.." Ayan na, gusto na niyang mag open ng story, kaya Naman humanap agad Ako Ng spot namin na komportable. Ginayd ko siya sa may waiting shed. Umupo kami don. "Kung kamusta yung mama Niya. Hanggang Ngayon Kasi Hindi pa rin nakakapag-text sa'kin si Kevin. Wala pa rin s'yang update." Pag paaptuloy niya. Nag-aalala Ang tono.

"Tinawagan mo na ba?" Tanong ko.

Umiling siya. "Cannot be reach eh." Lumanghap siya Ng malalim at alam Kong alalang alala siya. "Tsaka naiwan Niya rin charger Niya sa unit. Sa pag mamadali Niya nakalimutan niyang dalhin. Ewan ko kung makahiram siya Ng charger sa ospital." Malungkot na malungkot Ang tono Niya. Hindi ko gusto Ang nakikita siyang ganito. Ngayon ko siya nakikitang malungkot. Sanay Ako na nakikitang Masaya Ang Louie na kaibigan ko.

"Kahit konting details Wala ba siyang nasabi sayo?" Tanong Kong muli baka Kasi pag alam kung paano papunta Kay Kevin ay maihatid ko siya. Kahit Dito manlang matulungan ko siya.

"Wala eh." Sagot niya.

Nadismaya Ako. Eh pano alam ko sa sarili Kong Wala rin Ako magagawa. "Sayang, puntahan sana natin."

Kahit 'Di Mo Alam [COMPLETED]Where stories live. Discover now