CHAPTER 11

118 7 0
                                    

Tyler Moreno

Nandito kami ni louie sa cafe, pumayag siya sa alok ko. Akala ko tatanggi na naman siya at iiwasan ako pero laking tuwa ko na hindi na ko nahirapan para pilitin siyang lumabas kami. kinamusta ko siya at kinamusta niya rin ako. sobrang gaan ng pakiramdam ko kasi ang gaan ng pakikisama sakin ngayon ni louie hindi katulad dati na sobrang uncomfortable at every words namin ay awkward. Bigla nalang nag bago ang ihip ng hangin at um-okay na uli siya at okay na uli para sa kanya ang kausapin ako.

Na-open ko yung tanong ko sa kanya kagabi, at para akong nabunutan ng tinik sa dibdib nang sinagot niya ko at inamin niya ang rason kung bakit siya umalis ng walang paalam. Mas lalo tuloy akong na guilty non kasi nabanggit niya na pagod na siyang umiyak non kaya ayaw niya kaming makita dahil ayaw na niyang umiyak. alam kong ako ang dahilan kung bakit sobrang siyang nasaktan noon at alam ko ako rin ang dahilan ng mga luha niya noon.

Sa gitna naman ng pag uusap namin ay may biglang emergency ang nangyari kaya bumalik kami sa condo. Si kevin, paalis siya ng condo nila ni louie, nasabi nito na may sakit at nasa ospital ang mama niya at kailangan siya ng mga ito kaya nag mamadali itong umalis. Walang tigil ang pag aalala ni louie ng mga oras na 'yon kaya naisipan ko siyang ayain umakyat ng rooftop. Pumayag naman siya.

Umupo kami sa bench. Binabantayan ko lang siya at hinahayaan kong gumaan ang pakiramdam niya. Tinanong ko siya kung ayos ba siya at ang sagot naman niya ay 'Ayos' na siya. Dinugtungan ko yon ng "Basta pag may kailangan ka, nandito lang ako ah" totoo naman yon. kung dati siya ang nandyan para sakin, ngayon naman ako ang gagawa nun. Pagkatapos nanahimik uli kami.

Sa puntong ito dito ako nagkaroon ng lakas ng loob para sabihin sa kanya ang nararamdaman ko at ang lahat ng gusto kong sabihin sa kanya na matagal na matagal ko nang kinikimkim. Kami nalang dalawa ang magkasama, this is my chance para umamin na sa kanya. para alam ko na kung may halaga pa ba ko, para alam ko na kung dapat na ba akong tumigil, para alam ko kung hindi ko na ba dapat siyang kausapin o lapitan pa. gusto ko nang magkalinawan.

Sa totoo lang, hindi ko alam kung paano ko uumpisahan, kaya para makuha ang atensyon niya ay hinawakan ko ang kamay niya pero nagkamali ako ng move, binawi niya iyon at bigla nalang siyang umiwas dahil don hindi ko napigilan ang sarili kong magsalita ng taliwas sa aking plano

"Hanggang ngayon pa rin ba mag-iiwasan tayo Louie?" Sabi ko nang hindi siya nililingon. pinapakiramdaman ko lang siya.

"Hanggang ngayon ba galit ka pa rin sa'kin dahil sa ginawa kong pag-iwas sayo?" Dugtong ko. alam kong hindi pa rin siya umaalis, naka-side view lang akong nakaupo sa bench at nakikita ko sa gilid ng mata ko siya na nakatayo at nakatingin lang sakin

"Louie, hindi ibig-sabihin na iniwasan kita, ay hindi na kita gusto." Bumilis ang pintig ng puso ko. Kinabahan ako sa sinabi ko, hindi ko alam kung saan pupunta ang usapan na ito, bahala na basta masabi ko lang ang mga to.

"Kaya ko ginawa yon, ay dahil hindi ako naging handa. Hindi ako prepared sa ginawa mong pag-amin sa'kin. Mismong ako ay nagulat. Hindi ko expect na magkakaroon ka ng feelings sakin. Kaya nang malaman ko yon, hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ko alam kung paano ko ba ihahandle ang sitwasyon. Hindi ko alam kung paano ba ko aakto ng normal kahit alam ko na May gusto ka sa'kin." paliwanag ko. Hindi pa rin siya sumasagot at ganoon pa rin ang posisyon ko, siya rin. kaya naisip ko na nakikinig siya, hinihintay niya ang sunod ko pang sasabihin kaya nag patuloy ako.

"Oo Louie naging mayabang ako dahil alam kong May gusto ka sa'kin, pero yon, nagawa ko yon para lang maitago ko yung pagiging mahina ko, para lang mas patatagin ang sarili ko na hindi ako naapektuhan sa ginawa mong pag-amin."

hindi ko alam kung anong nag tulak sakin para masabi ko ang mga to pero may sinasabi sakin ang puso ko na kailangan ko nang magpaliwanag

"Pero ang totoo no'n Louie, sa likod ng lahat ng masamang pagtingin na pinakita ko sayo, sa likod ng lahat ng yon, sa loob-loob ko, mahina ako. Duwag ako. Kasi hindi ko nagawang aminin sayo yung totoo kong nararamdaman."

Kahit 'Di Mo Alam [COMPLETED]Where stories live. Discover now