CHAPTER 4

217 9 0
                                    

Louise Bautista

Pagkalapag ko ng sinangag sa lamesa sakto, nakita ko naman si Kevin na lumabas ng kwarto namin.

"Rise and shine sleepy boy." May tono kong pag bati sa kanya na hinaluan pa ng pabiro. Nakapaghanda na ko't lahat kasi hindi pa rin siya gising. Kagigising lang niya ngayon.

Ngumiti siya at natawa. Bagong gising na bagong gising singkit ang mata niyang hindi naman talaga natural na singkit. Ang bubbly rin ng face. Lumapit ako at humalik sa pisngi. "Good morning." Tinugunan niya naman ako ng mahigpit na yakap.

"Good morning too." Sabi niya sa gitna ng yakapan namin. Matapos kong kumalas ay hinalikan niya ko sa noo.

Nginitian ko siya. "Breakfast is ready." Masigla kong sabi.

"Sorry na late ako gumising." Sabi niya sa boses niyang May pagkapaos pa dahil galing nga sa tulog. Pero ang lambing lambing ng boses.

"That's okay." Sabi ko sabay ngiti. "Mumog ka na, breakfast na tayo." Sabi ko kasabay ng pag hiwalay ko sa kanya. Pero hinila niya uli ako at napayakap uli ako sa kanya, hinawakan niya ko sa magkabilang pisngi. Nakatingala ako sa gwapo niyang pagmumukha. Kung titignan ang sweet ng posisyon namin pero maya-maya hiningahan niya ko sa ilong. As in, yung hiningang buong-buo.

Alam ko jowa ko 'tong taong 'to pero kung usapang katotohanan lang, ang baho ng hininga niya.

Talagang napaiwas ako sa kanya, na pa hampas na rin ako. "Ang baho ng hininga mo!" Sigaw ko sa kanya napatakip rin ako sa ilong ko. Kahit kailan talaga loko-loko itong si Kevin.

Tumawa siya ng malakas.

Natawa na rin ako. Nakakahawa siya, kahit nainis ako eh natawa rin ako. Kalokohan talaga.

"Sige tawa pa!" Pagtataray ko.

"I'm so sorry love." Sabi niya sa pagitan pa rin ng tawang-tawa niyang sarili. Pero maya-maya tumigil rin siya.

"Grabe ka naman love. Baho talaga? Nag to-toothbrush naman ako" sabi niya sa kunwari nasasaktan niyang damdamin. O baka na hurt talaga siya? Ah basta mabaho eh.

"Drama." Sabi ko at umikot ang mata. "Syempre love, kagagaling mo lang sa tulog. Yung laway mo panis." Paliwanag ko.

Ang taray ng tingin niya sa'kin.

Minsan napapaisip talaga ko kung straight ba talaga ito o bakla. Parang hindi atleta kung umasta eh. Pero sa totoo lang, May pagka feminine side talaga si Kevin. Hindi ko alam kung sa akin niya lang pinapakita or kapag sa ibang tao, lalaking-lalaki naman siya.

Ako naman ang tumawa. Niyakap ko siya. "Mag mumog ka na kasi!" Sabi ko sa pagitan ng tawa ko.

Kinalas niya ang pagkakayakap ko. Mataray ang awra niya at lumakad sa lababo ng pakendeng-kendeng. Napahawak talaga ko sa dibdib ko. Jusko! Hindi ko maintindihan ang lalaking 'to. Hindi ko alam kung bading ba talaga o nag babading-badingan lang.

"Hoy Kevin, umayos ka nga!" Sigaw ko sa kanya pero natatawa ako. Hindi ko na ma-take yung nakikita ko sa kanya.

Napatayo na siya ng deretso at tumawa na rin. Alam ko kanina niya pa pinipigil yon. Hindi naman talaga siya gay. Hindi ko alam pero, madalas niyang gawin iyon sa sarili niya, ang umastang kunwaring bading. siguro para pangitiiin ako o patawanin ako. Hindi naman kasi niya ginagawa iyon sa ibang tao. At iyon ang isang bagay na pinaka espesyal para sakin. yung personality niyang iyon, ang pasayahin ako. Palagi niya ko gustong pinapatawa. Kaya sobrang grateful ako na meron akong Kevin. May jowa ka na, May clown ka pa. Na magpapangiti sayo. Pero yung clown na ito ay kakaiba kumpara sa typical na clown na makikita mo. Ibang klaseng clown si Kevin sa buhay ko.

Kahit 'Di Mo Alam [COMPLETED]Where stories live. Discover now